Maduming hangin, nagiging sanhi ba ng autism?

Ang paglanghap daw ng polusyon sa hangin ay posibleng maging sanhi ng autism sa mga bata, ayon sa isang isinagawang pag-aaral.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi na lingid sa kaalaman ng karamihan na maraming masamang dulot ang polusyon sa hangin. Ngunit ayon sa isang pag-aaral, posible rin daw itong maging sanhi ng autism sa mga bata.

Ano ba ang nagiging epekto nito sa kanilang mga utak, at paano mapoprotektahan ng mga magulang ang kanilang mga anak?

Polusyon sa hangin, sanhi ng autism?

Pinag-aralan ng mga mananaliksik ang mga batang nakatira sa mauusok na lugar sa Shanghai, China, at nalaman nilang mataas ang posibilidad na magkaroon sila ng autism spectrum disorder (ASD).

1,500 bata ang sinuri para sa pag-aaral, at nalaman na 124 sa kanila ang may ASD. Napansin nila na ang mga batang may ASD ay nakatira sa mga lugar kung saan mataas ang polusyon.

Ayon sa pag-aaral, umaabot daw sa 86% na mas mataas ang posibilidad ng ASD sa mga batang nakakalanghap ng maduming hangin. At hindi lang daw basta-basta maduming hangin ang nalalanghap ng mga bata. Mas mapanganib daw ang hangin na may pinakamaliit na pollution particles.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mas nasa panganib daw ang mga bata sa epekto ng polusyon, dahil nagdedevelop pa ang kanilang mga utak. Mahalagang ilayo ang mga bata sa polusyon at maduming hangin upang hindi maapektuhan ang kanilang paglaki.

Bagama’t may nakikita silang koneksyon sa polusyon at autism, hindi pa rin sila sigurado kung ano ang mismong sanhi ng autism.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mapanganib ang polusyon para sa lahat

Hindi lang daw autism ang posibleng epekto ng polusyon sa hangin. Iba’t-ibang uri ng sakit sa baga at puso ang posibleng makuha kapag na-expose sa polusyon ang isang tao.

Ito ay dahil ang polusyon ay naglalaman ng carbon, sulphur, oxides, at kung anu-ano pang mga chemical compounds na galing sa usok. Kapag nakapasok ang mga maliit na pollution particles na ito sa ating katawan ay doon na magsisimulang magkasakit ang isang tao.

Minsa pa nga, kahit hindi amoy usok, pero may pollution particles sa hangin, posible ring magkaroon ng masamang epekto sa ating kalusugan. Heto ang ilang tips:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Gumamit ng face mask kapag nagpupunta sa mga lugar na mausok o madumi ang hangin.
  • Huwag hayaang maglaro ang iyong mga anak sa lugar kung saan maraming sasakyan sa paligid.
  • Bawasan ang paggamit ng sasakyan, at mag-commute na lang.
  • Huwag magsiga o magsunog ng basura.
  • Huwag dalhin ang mga sanggol sa lugar kung saan maraming polusyon. Kung maari, sa bahay lang muna sila.
  • Turuan ang iyong mga anak na magtakip ng bibig kapag may maduming hangin.
  • Gumamit ng air purifier sa bahay upang makabawas sa polusyon na nakakapasok sa loob ng bahay.
  • Umiwas sa paggamit ng mga chemical cleaners at mga produktong may masamang epekto sa hangin.

 

Source: Daily Mail

Basahin: Kakulangan ng zinc sa kinakain ng buntis, maaaring magdulot ng autism sa baby

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara