Ayon sa isang bagong pag-aaral, ang kakulangan ng zinc sa dapat kainin ng buntis habang nagdadalang-tao ang tinuturong dahilan ng pagkakaroon ng autism sa mga baby.
Bagamat wala paring linaw kung ano nga ba talaga ang tunay na dahilan ng pagkakaroon ng autism, isang bagong pag-aaral na isinagawa ng mga siyentepiko mula Amerika at Germany ang nagsasabing ang mababang level ng zinc habang ipinagbubuntis ang isang sanggol ay isa sa mga environmental factors para mag-develop ang sakit na ito.
Ang zinc naman ay isang mineral na nakapaimportante sa ating kalusugan. Ang zinc ay tumutulong sa ating katawan upang labanan ang mga impeksyon at sa pagpo-produce ng bagong selula o cells na nakakatulong sa paggagamot ng mga injuries o pinsalang tinamo ng ating katawan.
Dahil sa kakayahan nitong tumulong sa paggawa ng panibagong cells sa ating katawan, ang kakulangan ng zinc o zinc deficiency lalo na sa babaeng nagdadalang-tao ay dapat ikabahala dahil sa maaring maging epektong dulot nito sa development ng pinagbubuntis niyang sanggol. Isa na nga sa tinuturong epekto ng kakulangan ng zinc sa kinakain ng buntis ay ang pagkakaroon ng autism sa mga baby.
Ayon kay Dr. Sally Kim ng Stanford University School of Medicine, isa sa mga nagsasagawa ng pag-aaral, na may mga genes na responsable sa development ng baby. Sa kanilang research, sinasabing may koneksyon ang levels ng zinc sa mga genes na ito sa pag-develop ng autism sa bata.
Nasa early stages pa lang ang pag-aaral at sinasabing kailangan pa ng mas malalim na pag-intindi sa koneksyon ng zinc deficiency at autism. Kailangan pa din ng mas masusing pag-aaral kung makakatulong ba ang zinc supplements upang maiwasan na magkaroon ng autism ang mga babies.
Tandaan: importante ang zinc sa diet ng isang nagbubuntis. Mahalaga na malaman ng isang nagbubuntis ang dapat kainin ng buntis para magkaroon ng malusog na anak.
Ano ang autism?
Ang autism (in Tagalog, autismo) ay isang kundisyon kung saan naapektuhan ang development ng isang tao habang lumalaki. Ang isang taong may autism ay maaring mahirapan sa pakikipagsalamuha sa lipunan, mahirapan sa pakikipagusap o pagsasalita, may paulit-ulit na gawi o kilos at nagpapakita ng may pagkasensitibo sa pagdama.
Madami pang sintomas na saklaw ang autism, kaya naman tinawag narin itong Austism Spectrum Disorder o ASD. At ang isang batang nakararanas ng karamdamang ito ay mapapansing nagtataglay ng iba pang mga sintomas tulad ng mga sumusunod:
- Hindi pagtalima kapag tinawag siya sa pangalan sa kaniyang unang taon ng pagkabuhay
- Mas gusto niyang maglaro mag-isa kesa makisalamuha sa iba
- Sensitibo sa tunog, ilaw, pandama o pagkilos
- Mapili o hindi nagugustuhan ang pagkain
- Kakaunti o hindi halos nagsasalita
- Kakaunti o hindi halos tumitingin habang nakikipag-usap
- Nahihirapang sumunod sa mga ipinapagawa
Sintomas ng autism
Ang mga sintomas ng autism ay kadalasang lumalabas sa unang tatlong taon ng buhay ng isang tao. Ang iba naman ay nakikitaan na ng mga sintomas ng autism pagkapanganak pa lamang. Samantalang ang ibang kaso ng may autism ay hindi agad lumalabas ang sintomas ngunit nagpapakita ito kapag umabot na ang baby sa labing walo hanggang tatlumpung buwan. Ang autism ay mas karaniwang nangyayari sa mga lalaki kumpara sa mga babae ngunit wala itong pinipiling lahi, antas sa lipunan o ano mang pinagmulan.
Sintomas ng zinc deficiency
Ayon nga sa isang pag-aaral, tinatayang 80% ng mga nagdadalang-taong kababaihan sa mundo ang hindi sapat ang zinc intake araw-araw na umaabot lamang sa 9.6 mg per day na mababa sa recommended na 11 mg ng zinc intake kada araw. Dahil dito maaaring maging zinc deficient ang isang buntis na hindi kaaya-aya sa development ng kaniyang baby.
Masasabing may zinc deficiency o may kakulangan ng zinc sa katawan ang isang tao kung may mga sintomas na sumusunod:
- Hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang
- Sugat na hindi gumagaling
- Matamlay
- Nabawasan ang kakayahang panlasa o pangamoy
- Pagtatae
- Walang gana kumain
- Mga sugat sa katawan
Kung ang isang babaeng nagdadalang-tao ay nagtataglay ng mga naturang sintomas ng zinc deficiency, marapat lamang na pumunta na agad siya sa doctor upang mabigyan ng kaukulang payo para madagdagan ang kinakailangang zinc sa kaniyang katawan. Dahil napakaimportante ng mineral na ito para sa development ng sanggol sa kanyang sinapupunan,
Para lubusang masigurado kung may zinc deficiency nga ang isang buntis ay dadaaan siya sa isang test upang tingnan kung sapat ba ang blood plasma sa kaniyang katawan. Maari ring tingnan ang kanyang ihi o iexaminine ang isang hibla ng kanyang buhok upang masukat ang zinc content nito.
Dapat kainin ng buntis
Kung sakaling maging positibo ang resulta ng mga isinagawang test sa zinc deficiency kailangang uminom ng mga diatery supplements na nagtataglay ng zinc ang isang buntis upang matustusan ang kinakailangang zinc ng kaniyang katawan para sa development ng kanyang baby. Kailangan niya ring sundin ang dapat kainin ng buntis para sa natural na zinc intake ng katawan na makukuha sa mga sumusunod na uri ng pagkain:
- Kulay pulang karne (maaring karne ng baboy o baka)
- Karne ng manok
- Mga buto tulad ng buto ng kalabasa
- Talaba
- Kabute
- Tsokolate
Ngunit ang sobrang zinc rin naman sa katawan ay mapanganib. maari itong makalason at makasama sa kalusugan. Kaya naman dapat ding mabantayang hindi lalagpas sa 40 mg zinc intake ng isang tao kada araw.
Ilan sa sintomas naman ng sobrang zinc sa katawan ay pagsusuka, pagliliyo, kawalan ng gana sa pagkain, pagtatae, pananakit ng mga kalamnan sa sikmura, at pananakit ng ulo.
Napakaimportante nga ng zinc sa ating katawan lalo na sa mga nagdadalang-tao kaya dapat lang na alamin at sundin ang dapat kainin ng buntis para masigurong husto ang kailangan nitong zinc para sa maayos at healthy development ni baby.
Sources: HealthLine, Daily Mail Online, WHO, WebMD, WebMD, Kalusugan.PH
Basahin:
Kapag nilagnat ang buntis, tumataas ang chance na magkaro’n ng anak na may autism
Makakatulong ba ang nursery rhymes para malaman kung may autism si baby?
Nonverbal autism in children: A guide for parents
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!