Pops Fernandez malapit ng maging lola. Si Pops very excited daw na sa wakas ay malapit na siyang magkaapo sa panganay na anak nila ni Martin Nievera na si Robin.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Pops Fernandez excited ng maging lola.
- Paano maging “lola” ang isang Pops Fernandez.
Pops Fernandez excited ng maging lola
Sa edad na 37-anyos ay malapit ng maging ama ang panganay nila Pops Fernandez at Martin Nievera na si Robin. Si Pops hindi mapigilang maging excited sa nalalapit na pagdating ng kaniyang apo. Ito ang pagkukuwento ni Pops sa isang panayam.
“I’m excited and we have announced it on my vlog and on Instagram that we are expecting to be a lolli and lolo. Kuya (Robin) and his girlfriend will bring the new addition to our family. That’s going to happen either latter part of this year or early 2024.”
Paano maging “lola” ang isang Pops Fernandez
Larawan mula sa Instagram account ni Robin Nievera
Sabi pa ni Pops, girl daw sana ang gusto niyang maging unang apo. Pero boy ang gender ng kaniyang first apo na thankful parin naman daw siya. Sa katunayan ay may plano na nga daw siyang maging bonding nilang mag-lola.
“We did a gender reveal. It will be a boy. Gusto ko sana girl, but a baby is a baby and as long as he is healthy, he is such a blessing. We can’t wait to meet our new baby boy.”
“They said it’s exciting to take care of your apo. I can’t wait to experience that. When we got tired, return to sender lang. But I think I will be a spoiler. If it’s a girl, I already planned that we will go twinning. But even if he’s a boy, it won’t stop me. Whatever color I wear, it will be his color, too.”
Ito ang natutuwang pagbabahagi ni Pops.
Dagdag pa niya, may naiisip na nga daw siyang itatawag sa kaniya ng magiging apo.
“Call me Lolli-Pops.”
Ito ang masayang sabi pa ng singer.
Si Pops Fernandez at Martin Nievera ay may dalawang anak. Ang panganay ay si Robin na 37-anyos sa ngayon at si Ram na 33-anyos.
Larawan mula sa Instagram account ni Pops Fernandez
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!