Sa bagong pag-aaral ng mga scientist, nalaman nila na maaari raw mag-shrink ang brain ng first time dads dahil sa pagbaba ng ilang cortical volume sa utak.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- First time dads maaari raw mag-shrink ang brain ayon sa experts
- Entering parenthood: What is it like to become a first-time daddy?
First time dads maaari raw mag-shrink ang brain ayon sa experts
Tulad ng mga mommy, sumasailalim din sa maraming changes ang mga daddy sa oras na sila ay maging parents. | Larawan mula sa Pexels
Para sa babae at lalaki, parehong may malaking changes ang pagiging parent. Kaliwa’t kanang adjustments ang need mapagdaanan lalo na sa mga unang pagkakataon na mararanasan ito. Naririyan ang pagbabago emotionally, mentally, at physically.
Sa ilang pag-aaral pa nga ay nakita na nagbabago pala ang structure ng brain ng mga babae sa oras na maging isang ina na sila. Sa kalalakihan naman, ano kaya ang nababago sa kanilang utak?
Ito naman na isang bagong pag-aaral internationally, nakita na rin nila ang neurological changes para sa first time dads. Ayon sa mga scientist, hindi lang pala ang sa mga nanay may pagbabagong nagaganap once na ma-enter na nila ang parenthood. Mayroon din palang impact ang role ng pagiging parent maging sa kalalakihan.
Nagkakaroon ng loss sa cortical volume sa brain ng kalalakihan sanhi ng parenthood. | Larawan mula sa Pexels
Loss in cortical volume
Nalaman nilang bumababa raw ang cortical volume ng isang lalaki once na naging daddy na sila. Bagaman tunog negative ito, ayon sa experts ay maganda rin daw ang maaaring maging epekto ng ganitong kalagayan. Associated raw kasi sa parental acceptance at warmth ang shrinkage na ito dahilan upang maging mas powerful at efficient pa ang connection ng mag-ama.
Kinuha ang impormasyong ito sa magnetic resonance imaging (MRI) ng 40 na first time fathers. Mula sa tests na ito, pinaghambing ang volume, structural properties, at thickness ng male brains.
Nalaman din ng experts na katulad ng pinagdadaanan ng kababaihan sa postpartum depression ay maaari rin pala silang dumaan sa ganitong kalagayan. Kaiba nga lang, hindi ito masyadong napagtutuunan ng pansin.
Dahil daw sa sinimulang pag-aaral na ito, mas naengganyo pa sila na alamin pa ang pinagdadaanang changes ng daddies once na sila ay naging parents.
“Understanding how the structural changes associated with fatherhood translate into parenting and child outcomes is a largely unexplored topic, providing exciting avenues for future research.”
Entering parenthood: What is it like to become a first-time daddy?
Paano nga ba maging isang first time na tatay? | Larawan mula sa Pexels
Isa sa maituturing na main event sa buhay ng tao ang pagiging magulang.
Marami ang nakikita ito bilang biggest dream at fulfillment nila sa life. Sa kabila nito, hindi maiiwasang maraming bagay ang hindi ineexpect na mangyayari at ma-challenge ang isang tatay. Bigla na lang siyang mapapaisip ng, saan at paano ba dapat nagsisimula o ginagawa ang bagay na ito? Nasa tamang phase ba siya? Mabuti pa ito para sa kanyang anak?
Lahat iyan, nakakasama sa tanong na, “Paano nga ba maging isang first time na tatay?” Narito ang ilan sa maaaring i-expect sa parenthood:
Maraming bagay ang kailangang matutunan.
Parang isang malaking eskwela muli ang pagiging tatay, kailangan mong aralin lahat ng detalye hanggag sa pinakamaliit na need tandaan. Magmula sa pagbibihis, paglalaro, pagpapaligo, pagpapalit ng diapers, at iba ay dapat alam ng isang magulang. Ito ang ilan sa aktibidad na nakakapagbuild ng relationship sa anak at nakakapagturo ng skills sa isang tao.
Kailangang pagsabayin ang pagiging tatay at karelasyon at the same time.
Parenting ang isa sa listahan ng madalas pag-awayan ng magkarelasyon. Hangga’t maaari dapat ay nagsasalubong ang inyong gusto sa isa’t isa upang hindi simulan ng bangayan. Subukang parating maging positive sa inyong dalawa sa pamamagitan ng healthy negotiations at pagbabagi ng new learnings sa parenting.
Pagtulong at pagsuporta sa breastfeeding o pagpapakain ng anak.
Stressful ang pagpapakain sa baby lalo kung breastfeeding. Marami ang hassle at pain na kailangang danasin ng babae maibigay lang ang best food para sa sanggol. Kaya nga sa part na ito, mahalaga ang ginagampanang role ng tatay upang masuportahan ang breastfeeding moms. Kahit ang simpleng pag-aalaga o pagbibigay ng kahit anumang gusto niya ay malaking tulong na para sa nanay.
Labis na saya ang kayang ibigay ng isang anak.
Ang mga one on one moments ng tatay at baby ang isa sa pinaka masarap na mararamdaman ng daddy sa buong buhay niya. Fulfilling na makitang tumatawa o napapatahan ng simpleng yakap o labing ang bawat pag-iyak ng sanggol. Dito unti-unting nabubuo ang bond at connection ng parents sa kanilang little ones.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!