Postpartum depression sa mga tatay? Posible pala ito!

Hindi lang pala mga new mommy ang posibleng maapektuhan ng postpartum depression kundi maging ang mga new dad! Alamin dito ang detalye!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Karaniwan nating naririnig ang postpartum depression na nakaaapekto sa mga bagong panganak na mommy. Pero ayon sa pag-aaral, pwede rin palang magkaroon ng postpartum depression ang isang new dad!

Mababasa sa artikulong ito:

  • Postpartum depression posible ring makaapekto sa mga new dad!
  • Paano suportahan ang isang ama na nakararanas nito

Postpartum depression: Posible ring makaapekto sa mga new dad!

Kapag naririnig natin ang postpartum depression (PPD), madalas itong iniuugnay sa mga bagong ina. Pero alam mo ba na pati mga bagong tatay ay pwedeng makaranas nito? Ayon sa pag-aaral, tinatayang 10% ng mga bagong ama ang nakararanas ng postpartum depression. Bagamat hindi ito kasing kilala gaya ng PPD sa mga ina, ang epekto nito sa mga tatay at kanilang pamilya ay seryoso rin.

Larawan mula sa Freepik

Ano ang postpartum depression sa mga tatay?

Hindi madaling makita ang postpartum depression sa mga ama dahil kadalasan, iba ang kanilang pagpapakita ng sintomas kumpara sa mga ina. Sa halip na kalungkutan, maaaring makaranas sila ng:

  • Madalas na pagka-irita o galit
  • Pag-iwas sa pamilya o sa bonding sa kanilang sanggol
  • Pagkakaroon ng mapanganib na gawi tulad ng sobrang pag-inom o pagsusugal
  • Pagbabago sa trabaho, tulad ng sobrang pagtatrabaho o biglang pagbagsak ng produktibidad
  • Pisikal na sintomas tulad ng pagkapagod, sakit ng ulo, o pagbabago sa gana sa pagkain

Ang mga dahilan ng PPD sa mga tatay ay maaaring konektado sa stress ng pagiging magulang, kakulangan sa tulog, at mga hamon sa relasyon. Bukod dito, may mga pag-aaral na nagpapakita ng hormonal changes sa mga bagong ama, tulad ng pagbaba ng testosterone.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Freepik

Paano suportahan ang isang amang may PPD?

Kung may kakilala kang bagong tatay na maaaring nakararanas ng PPD, narito ang ilang paraan para makatulong:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. Maging maunawain. Ipaalam sa kanya na normal ang kanyang nararamdaman at hindi siya nag-iisa. Ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon ay malaking tulong.
  2. Hikayatin ang propesyonal na tulong. Ang therapy, tulad ng cognitive behavioral therapy, ay napatunayang nakatutulong sa mga ama na may PPD. Kung kinakailangan, magtanong sa mga espesyalista tungkol sa angkop na paggamot.
  3. Bigyan ng espasyo para magpahinga. Ang pagiging bagong magulang ay nakakapagod. Tiyakin na may oras siya para sa sarili at sa mga bagay na nagpapasaya sa kanya.
  4. Suportahan ang bonding sa anak. Ang mga programa kung saan isinasama ang tatay sa pagkatuto ng bata ay nagpapakita ng benepisyo hindi lamang sa mga ama kundi pati na rin sa kanilang mga anak.

Larawan mula sa Freepik

Ang postpartum depression ay hindi lamang problema ng mga ina. Mahalaga ring bigyang-pansin ang mental health ng mga ama dahil may malaking epekto ito sa kanilang pamilya. Sa pamamagitan ng suporta at tamang impormasyon, maaaring malampasan ng mga tatay ang hamon ng PPD.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Deutsche Welle. (2024, Disyembre 20). Postpartum depression: New dads get baby blues too. Retrieved from https://www.abs-cbn.com/news/health-science/2024/12/20/postpartum-depression-new-dads-get-baby-blues-too-1024 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan