Ako po ay isang first time mommy. Malayo ako sa lugar ng aking mga magulang dahil pagkakasal namin ng asawa ko ay isinama niya na kagad ako sa lugar nila. Kaya biglaan ‘yong adjustment na ginawa ko, isama mo pa ang panibagong pakikisama sa pamilya ng aking asawa.
Ang problema ko sa asawa ko ay pag-inom niya, madalas kasi ang pag-inom niya. Minsan pa hindi siya nagsasabi kung saan siya pupunta kung aalis siya ng bahay. Hindi rin siya nagsasabi kung anong oras ang balik niya.
Dagdag pa ‘yong kasama na nga namin ang kaniyang pamilya sa iisang bahay, tapos naroroon din ang kapatid niya na may pamilya na rin.
Ito ang isa rin sa mga rason ng mga halo-halo kong emosyon
Nakakahiya man aminin pero dapat niyo rin sigurong malaman buntis pa lamang ako ay nakakaranas na ako ng iba’t ibang klaseng ng emosyon. Sapagkat mayroon akong PCOS (Polycystic Ovarian Syndrome).
Dagdag ng PCOS at pagbubuntis, at pagkatapos ko ring manganak ay talaga namang nagbago ang mga emosyon ko. Lalo na nang manganak ako.
Kung ano-ano ang naiisip ko, hangang sa iniisip ko na rin na may papatay sa akin at sa aking anak. Kaya dapat naka-lock palagi ang mga bintana at ang pinto.
BASAHIN:
REAL STORIES: Coping with Postpartum Rage with an Infant and a Toddler
Mom confessions:”Sinabi ng nanay ko na kaartehan lang ang postpartum depression ko.”
Postpartum depression story: Mga nakakatakot na pumapasok sa isip ko
Dapat palagi ring nakasarado ang mga ito, saka dapat kung aalis ang aking asawa ay dapat babalik din siya kaagad. Sapagkat baka may nagmamasid lang sa amin sa paligid. Tapos iniisip ko na baka humahanap lang ang taong ‘yon ng timing na walang tao kung hindi kami lang mag-ina at magtangkang pumasok dito sa bahay para pagnakawan kami at patayin.
Pinakanakakatakot na pumasok sa isip ko ay noong biglang mag-picture sa utak ko na takpan ko ng unan ang mukha ng anak ko noong 2-3 months old pa lang ata siya.
Hanggang ngayon, hindi ko matanggap sa sarili ko na bakit pumasok sa isip ko ang ganung bagay. Nagagalit ako sa sarili ko bakit hinahayaan ko na umabot sa ganung punto ang depresyon ko.
Nilabanan ko ‘yong ganoon na pakiramdam nag unfollow ako sa mga nakaka stress na panuurin lalo na yung mga page or channel na puro crime at pag abuso ang topics.
Nagpapasalamat ako sa Diyos
Thanks God hindi ko na ‘yon naiisip, hindi ko na naisip na gawin bagkos napaka-protective ko sa anak ko. Sa tulong ng panalangin at pagiging positive thingker ko ay naalis ko ang ganung klasing depresyon.
Hindi na ako nahihiyang magkuwento ng tungkol sa karanasan ko sa pagkakaroon ng PPD dahil alam ko na pwedeng maging inspirasyon sa iba ang nangyari sa akin.
Alam ko na iba-iba tayo ng takbo at tibay ng pag-iisip pero alam ko rin na parepareho tayong malakas bilang isang Nanay at magulang. Para protektahan ang ating mga anak sa kahit na ano pa man na paraan!
Kaya naman sa mga dumadanas din ng ganitong depresyon o postpartum depression ay makakayanan niyo ‘yan. Malalampasan niyo rin ‘yan. Basta manalig lang sa Diyos at tibayan ang loob, dahil wala namang imposimble sa kaniya.