Marami sa ating mga nanay ay hindi talaga maiiwasan na makaranas nang hindi magagandang bagay lalo sa ating katawan pagkatapos nating managanak. Alamin ang kwento ng isang ina.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kwento ng isang inang inabuso ang kaniyang katawan
- Kahalagahan ng mental health para sa ating mga ina
- Binat ayon sa mga eksperto
Nais ibahagi ng isang ina angpatungkol sa postpartum at mental health, kahit paulit-ulit pa niya ito gawin. Ayon sa kaniya, “I want to raise mental health awareness for all people who is silently suffering specialy sa mother and new moms.”
Kahalagahan ng mental health para sa ating mga ina
Naging pasaway ako at abusado sa katawan ko after manganak via cesarean. One week lang naligo na ako sa una maligamgam.
Kaso kapag gabi tinatakasan ko ang lola ko at naliligo ako ng malamig. Aminin natin kapag breastfeed mom ka init na init ka palagi at gusto mo malinis ka specialy ang boobies natin.
After a week nagbalik loob ako sa maiksing short at sando plus tutok pa ako sa fan niyan at aicron. Hindi ako marunong makinig sa matatanda dinadahilan ko makalumang paniniwala or bago na ang panahon ngayon.
May mga problema rin ako na dapat ‘di ko naman masyadong dinibdib dahil baka mag-cause ito ng stress lalo sa katawan or postpartum. Puyat ako lagi sa anak ko, tapos sasabakan ko ng kape, iced coffee pa kamo. Tas maliligo nang puyat.
Siningil na ako ng katawan ko
After a year siningil nako ng katawan ko. Ito ko lumala ang binat at postpartrum na napunta na sa generalize anxiety disorder with ptsd pa at depression ang mental health ko.
Hindi ako makaligo ng malamig kasi kapag nadaplisan katawan ko para na akong magko-collapse or ginaw na ginaw. Madalas may dumadaan na hangin sa ulo ko o mabigat ulo ko na sobrang sakit.
Madalas na rin akong sikmurain o madaling pasukan ng lamig. Ilang beses na rin akong ‘di makahinga at muntikang mahimatay. May mga panahong bigla akong iiyak nang ‘di ko alam ang dahilan. Suki pa ako ng ER, nasayang ang pera namin sa dami kong laboratory test na normal naman lahat.
BASAHIN:
Binat matapos manganak, ano ang mga sintomas at paano maiiwasan?
Mom confessions:”Sinabi ng nanay ko na kaartehan lang ang postpartum depression ko”
One Month Postpartum: What to expect and how to recover after giving birth
Sinabihan akong maarte lang
May mga kaibigan o kamaganak na rin akong nang husga sa ‘kin o nagsabing maarte lang. Pero kapag kayo na pala ang nakaranas o ang mahal niyo sa buhay napakahirap.
Nakita ko kung paano umiyak at magalala sakin ang lola kong matanda na, nakita ko kung paano nahirapan ang asawa ko mapagamot lang ako. Nakita ko ang tatay ko na matanda na pero kailangan pa rin akong alagaan at tulungan imbes na ako ang gumagawa para sakanya.
Alam mo ngayon sising-sisi ako sana nakinig ako sa matatanda. Kung hindi ko inabuso ‘yong lakas ng katawan ko noon. Hindi sana ako ngayon nahihirapan at umiinom ng maraming gamot.
‘Yong pinangpapa-check up ko para na lang sana dapat sa gastusin sa anak ko. Nag-ingat sana ko para sa anak ko at ‘di muna inisip ang kaartehan sa katawan. Salamat pa rin sa panginoon dahil buhay pa rin ako humihinga, sa dami nang babaeng namamatay sa binat mapalad pa rin ako.
Alagaan natin ang sarili natin
To all Moms and new moms ingatan niyo po sarili niyo. Mahirap po magkasakit habang nagaalaga nang anak. Mahal ma-ospital at maggamot. ‘Wag natin pagtawanan ang mga matatanda sa ‘tin na nagsasabing may binat. Ito ko ngayon pinapahirapan kahit 3 years old na anak ko.
Alagaan natin sarili natin hindi lang ito para sa mga nanay kundi para sa lahat. Huwag natin abusuhin ang katawan at utak natin.
Pinupush ko na maging mental health advocate para makatulong na rin sa mga kagaya kong Mommy or kahit sino na nagsa-suffer.Pinangako ko na ito sa Diyos na tutulong ako sa iba sa abot nang aking makakaya lalo na sa panahong itinakda niya para sa paghilom ko.
Basta may problema kayo sa mental health, nakakaranas ng postpartum, o wala kayong makausap nandito ako. Kahit ‘di ko kayo kilala, danas ko ‘yong mga panahong walang gustong makinig sa akin.Walang makaintindi kaya ayokong maranasan ng iba.
Sa mga kagaya kong nakikipaglaban araw-araw sa sarili nila. Proud ako sainyo mahal kayo ng Dyos.
Mental health is not just mental symptoms mahirap dahil may physical symptoms. Bumibigay ang katawan natin dahil sa utak natin na napagod na. Doon papasok ang mga karamdaman.
Sabay-sabay tayong mag-heal kasama ang Dyos Ama na makapangyarihan sa lahat.
Let us protect our mental health and peace of mind at all costs!!!
Please share this post for mental health awareness.
Binat ayon sa mga eksperto
Ayon kay Dr. Maureen Laranang, isang OB-Gynecologist mula sa Makati Medical Center, ang binat ay naglalarawan sa pagkakaroon ng sakit o masamang pakiramdam ng ina ilang araw matapos niyang manganak.
“Ang term na binat is anything na nagpe-pertain sa masamang pakiramdam after childbirth,” aniya. “Ang pang-unawa ko rito, any signs and symptoms na may complication after childbirth,” dagdag ni Dr. Laranang.
Sintomas ng binat na kailangang bantayan
Inilarawan rin ni Dr. Laranang ang mga karaniwang sintomas ng binat.
“Pwedeng lagnat, pagdurugo, pamumutla, at signs and symptoms ng high blood,” aniya.
Paniniwala ng mga matatanda, ang pagkakaroon ng binat ay maaaring mauwi hindi lamang sa pananakit ng katawan kundi pati na rin sa pagkabaliw o pagkamatay.
Bagamat iyon ay haka-haka lamang, totoo naman na makakasama sa kalusugan ng bagong ina kung magkakaroon siya ng mga komplikasyon pagkatapos manganak. Kaya naman mas maigi pa rin na bantayan ang mga senyales na nakakaranas ng binat ang isang babae.
Narito ang ilang sintomas na maari mong mapansin:
- Pagkakaroon ng matinding sakit ng ulo
- Panginginig
- Pagkakaroon ng mataas na lagnat
- Paggalaw ng mga ugat sa katawan, lalo na sa may mata
- Pagdurugo ng sugat pagkatapos ng panganganak
- Sakit kapag umiihi
- Vaginal discharge na may mabahong amoy
- Nakakaranas ng pagkahilo at maaaring pagsusuka
- Matinding pagpapawis
- Pananakit at paninigas ng iyong dede
- Pananakit ng tiyan o puson
- Pagiging iritable
Napakahalaga na malaman ang mga sintomas nito upang malaman din natin ang maaari natin gawin upang maiwasan ang binat sa bagong panganak.
Payo pa ni Doc, “Para maiwasan, kailangan lang ng tamang pagkain, sapat na tulog at pahinga, at kapag may nagpe-persist na symptoms, kailangang magpakonsulta agad sa iyong OB.”