REAL STORIES: "May butas sa tainga ang anak ko—hindi daw pala dapat ito balewalain"

Ano nga ba ang preauricular sinus o may butas ang tainga? Basahin ang kwento ng isang nanay na may anak na mayroong ganito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang anak mo rin ba ay may maliit na butas sa tainga gaya ng anak ko? Ano ang maliit na butas sa itaas ng tainga?

Sinong mga magulang ang may anak na may maliit na butas sa tainga gaya ng aking anak?

Sa aking pagbabasa, ang maliit na butas sa tainga ay tinatawag na preauricular fistula o preauricular sinus. Ang ganitong kondisyon ay bihira lang at hindi lahat ng batang ipinapanganak ay may ganito. Tinatayang 5% ng populasyon ng mundo ang may ganitong uri ng kondisyon.

Maliit na butas sa ibabaw ng taninga, delikado nga ba?

Ang isang maliit na butas sa itaas ng tainga o preauricular fistula ay isang congenital o namamana. Nagkataon, si Hanin ay may ganitong kondisyon na namana niya mula sa kaniyang ama at ina.

Pero ang sa akin ay iba. Ang butas ng kay Hanin at ng sa papa niya ay nasa labas ng tainga samantalang ang sa akin ay sa loob ang butas. Kung nakita mo na ang post ng musician na si Anjin tungkol sa anak na may preauricular sinus, ganoon din ang preaucricular sinus ko sa loob ng magkabilang tainga.

Ang sitwasyong ito ay hindi agad napapansin ng mga taong may ganitong kalagayan. Karaniwan, maliit na butas na ito sa tainga ay hindi kapansin-pansin ang sintomas. Ngunit ito ay naglalabas ng mabahong likido na nagmumula sa sebaceous glands. Ito ay parang nana na hindi kanais-nais ang amoy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang karamdaman na ito ay hindi mapanganib ngunit kung minsan ay maaari itong maging isang impeksiyon na nagdudulot ng pamamaga at pananakit.

At ganoon ang nangyari kay Hanin noong nakaraang 2 buwan noong siya ay 8 buwan na gulang pa lang. Ang kaniyang kaliwang tainga ay na-impeksiyon, namaga at namula.

BASAHIN:

REAL STORIES:”Papunta na kami ng hospital nang biglang lumabas na ang ulo ni baby

Mom’s warning: “Nagka-pulmonya ang baby ko dahil hindi namin nililinis ang aircon”

Mom warns: “Sinugod sa ospital ang baby ko after niyang makainom ng tubig habang naliligo”

Pag-iwas sa mga panganib na dulot ng maliit na butas sa itaas ng tainga

Para maiwasan ang impeksiyon, sinubukan kong linisin ang bara sa butas gamit ang antiseptic liquid na may kasamang mainit na tubig. Kinompres ko ng regular sa kaniyang tainga.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nung nagkaroon ng impeksiyon si Hanin, pinisil ko agad at nilabas ang secretions. Dati kasi hindi ko talaga alam kung paano iha-handle ng maayos ang gano’ng kalagayan. Kung hindi mo alam ang gagawin ay magtanong agad sa pediatrician.

Anong ginawa ko sa preauricular sinus ko?

Hahaha… maaari ngang may magtanong ng ganito. Sa totoo lang napansin ko na ito pero hindi naman nagkaroon ng impeksiyon kaya ibang kaso ang sa amin.

Gayunpaman, kung ang kondisyon ay nagdudulot na ng discomfort sa iyo at ang impeksiyon ay nagpapatuloy, dapat ka ng magpatingin sa doktor. Baka kailangan mo na ng operasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pinakamahalagang bagay ay palaging panatilihing malinis ang mga tainga, mayroon man itong preauricular sinuses o wala.

Huwag balewalain

Muli, para sa mga magulang na ang anak ay may maliit na butas sa tainga, huwag kalimutang linisin ang tainga. I-compress ito gamit ang maligamgam na tubig. Kahit walang sintomas o anumang impeksiyon, mas maigi pa ring linisin ito palagi.

Dahil ang maliliit na bagay ay maaaring maging malaking panganib kung ito isasawalang-bahala.

Tulad ng nangyari kay Hanin 2 buwan na ang nakalipas. Nung una, akala ko yung pangangati at red spots ay kagat lang ng langgam.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang linggo, nawala pero naroon pa rin ang pamamaga. Nagkataon lang nakalimutan kong kuhanan ng litrato dahil di ko akalaing aabot sa gano’n ang kaniyang kalagayan.

Matapos siguro ng 10 araw, nakita ko ang anak ko na nangangamot ng tainga dahil nakaramdam siya ng pangangati o pananakit. Doon na ako nakaamoy ng mabahong amoy dahil may lumalabas na secretions sa kaniya.

Nakita ko agad ang pamamaga ng tainga ni Hanin. Dali-dali kong sinubukan itong pisilin at nagulat ako na ang daming lumabas na secretions at napakalakas ng amoy. Pagkatanggal nito, ang pamamaga ay nawala.

Mula sa karanasang ito nagsimula akong magbasa ng maraming artikulo tungkol sa maliit na butas sa itaas ng tainga o preauricular sinus. At nagsimulang maglagay ng cleanse warm compresses sa tenga ng aking anak. So far maayos pa rin ang kaniyang lagay.

Sana lang, ang panganib ng impeksiyon na dulot ng maliit na butas na ito ay hindi na maulit sa mga sususnod na araw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Isinalin sa wikang Filipino ni Kyla Zarate mula sa wikang Malay mula sa theAsianparent Malaysia nang may pahintulot

Sinulat ni

The Asian Parent