LOOK: Pregnant besties na sina Yasmien Kurdi, Dianne Medina at Charee Pineda

Ang kanilang pagkakaibigan umabot sa nagplano silang magbuntis ng sabay-sabay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pregnant besties ang peg ngayon ng tatlong celebrity moms na sina Yasmien Kurdi, Dianne Medina at Charee Pineda. Ang magkakaibigan pinaplanuhan at napagusapan umano na sabay-sabay silang magbubuntis ngayong taon.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Pregnant besties na sina Yasmien Kurdi, Dianne Medina at Charee Pineda.
  • Buhay may pamilya nina Yasmin, Dianne at Charee.

Pregnant besties na sina Yasmien Kurdi, Dianne Medina at Charee Pineda

Larawan mula sa Instagram account ni Yasmien Kurdi

Bestfriend goals ang mga celebrity moms na sina Yasmien Kurdi, Dianne Medina at Charee Pineda. Ito ay matapos i-anunsyo sa publiko ng tatlong magkakaibigan na pare-pareho sila ngayong nagdadalang-tao. At ito daw ay kanilang pinagplanuhan at napagusapan.

“Napag-planuhan … napag-usapan 😂 Para masaya ang byahe ng barakada! Lahat makaka-relate sa destination. 😜 #TeamAircon #BabyAircons #AirconGirls #DragonBabies 🐉”

Ito ang caption ng post ni Yasmin Kurdi sa Instagram kung saan makikita silang nagsasayaw nina Dianne at Charee habang nakahawak sa kanilang mga tiyan. Present rin sa kanilang maikling Instagram video ang kanilang mga mister na sina Rodjun Cruz, Rey Soldevilla, Jr., at Martell Soledad. Makikita sa naturang video na close talaga ang magkakapareho.

Buhay may pamilya nina Yasmin, Dianne at Charee

Larawan mula sa Instagram account ni Charee Pineda

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi lang basta buntis ng sabay ngayong 2024 ang magkakaibigan. Pare-pareho ring second baby nila ang kanilang dinadala.

Si Yasmien malapit ng manganak sa kaniyang second baby. Siya ay nakatakda ng manganak ngayong darating na Mayo. Ito ay matapos ang halos 12 taon matapos niyang maipanganak ang kaniyang panganay.

Si Charee ay buntis rin sa second baby nila ng mister na si Martell. Ang panganay nilang si Cesco at tatlong taon na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Habang si Dianne na kamakailan lang ay nagsagawa ng gender reveal ng kaniyang baby ay excited na rin. Lalo pa’t ito ay baby girl at perfect match sa tatlong gulang niyang anak na si Joaquin.

Larawan mula sa Instagram account ni Dianne Medina

Bestfriend goals talaga sila! Ganito rin ba kayo ng mga BFFs mo?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement