Hindi lang magaling na aktres si Yasmien Kurdi, isa rin siyang hands-on momma at wife ng kaniyang pamilya. Mula sa pamamalengke hanggang sa pagluluto, hindi niya ito inuutos sa iba.
Mababasa sa artikulong ito:
- Yasmien Kurdi hands-on mommy at wifey
- Tinuruan ang anak na huwag maging palautos
Yasmien Kurdi hands-on sa kaniyang anak at asawa
Sa isang Facebook post ni Yasmien Kurdi kung saan ay ipinakita niya ang kaniyang “palengke day”, may isang netizen ang kumwestiyon at tila ayaw maniwala na siya ang namamalengke para sa pamilya.
Saad ng netizen, “Di nga, walang kasambahay?”
Larawan mula sa Instagram ni Yasmien Kurdi
Agad namang sinagot ni Yasmien Kurdi sa kahiwalay na Facebook post ang tanong na ito ng netizen.
Kwento niya, siya talaga ang namamalengke at kung may taping naman ay nag-o-online shopping ng mga grocery para sa bahay.
Siya rin daw ang nagluluto ng kakainin ng kaniyang mister at mga anak. Para kahit nasa trabaho ay hindi siya mag-aalala kung ano ang kinakain ng pamilya.
“Mahilig ako mag lista ng mga gagawin ko for the day. Kahit may taping ako, nakakapag online shopping din ako ng grocery namin sa bahay. Ako din nagluluto bago umalis ng house para di ko iisipin food nila sa house habang nasa work ako.”
Mayroon naman daw siyang helper, si MJ, na para sa kaniya ay tila kapatid na rin niya. At hindi niya inaasa ang lahat dito. Nagtutulungan daw sila sa mga gawaing bahay.
Larawan mula sa Facebook ni Yasmien Kurdi
Tinuruan ang anak na huwag maging palautos
Pahayag pa ng aktres sa kaniyang FB post, kahit na may PA siya sa work gusto niya na siya pa rin ang nag-aayos ng mga gamit niya. Para wala umanong sisihan kapag may naiwang gamit.
“Ako yung tao na kahit may PA ako sa work, gusto ko ako pa din nagaayos ng gamit ko. Para walang makalimutan na gamit… walang sisihan kapag may naiwan kasi ako ang nag ayos.”
Larawan mula sa Instagram ni Yasmien Kurdi
Kwento pa ng aktres, pinalaki niya rin ang kaniyang anak sa ganitong pag-uugali. Aniya, sinasanay niya ang anak na si Ayesha na hind imaging palautos.
“At sinasanay ko din kasi si Ayesha na hindi maging pala utos. Yung siya mismo gagawa ng bagay na kaya niya naman gawin.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!