Check-up ng buntis: Mga pagbabago dahil sa COVID-19 pandemic

Dahil sa nangyayaring COVID-19 pandemic sa buong mundo, ang check up sa buntis o tinatawag na pre natal care ay mahirap na para sa kanila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Prenatal check up sa Pilipinas o Philippines sa panahon ng COVID-19. Mga dapat mong malaman!

Noong buwan ng Marso 2020, tinawag ako ng aking obstetrician para sa isang ultrasound at check-up, umpisa ito ng aking second trimester. Medyo hindi ako natuwa ng malaman kong ang susunod kong appointment ay sa susunod na dalawang buwan pa.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Pagpapa-check up ng buntis sa panahon ng COVID-19
  • Frequent visits may be less crucial than we think
  • Prenatal check up sa Philippines
  • Panganib nito para sa mga babaeng nasa high-risk pregnancy

Pagpapa-check up ng buntis sa panahon ng COVID-19

Nagkaroon ako ng 12 appointments o check-up sa unang pagbubuntis ko 4 years ago. Ngayon, pansin kong pitong appointment pa lang ang nadadaluhan ko kahit na ako ay high-risk sa geriatric pregnancy.

Paano na lang kung wala pala sa magandang kalagayan ang aking baby? Dahil sa coronavirus na nangyayari, mas pinili ng doktor ko na magkaroon ako ng less exposure at ang aking baby ngunit apektado naman ang aking regular na check-up. Dito na niya binanggit ang “D.I.Y. pregnancy”.

Hindi lang nangyayari sa iisang bansa ang ganitong scenario sa mga buntis na nanay. Halos lahat ay apektado dahil sa COVID-19 pandemic, kasama na rito ang prenatal care ng ating mga pregnant moms.

Dahil rito, kailangan nilang aralin kung paano i-handle ang new schedule sa check up sa buntis.

Frequent visits may be less crucial than we think

Kadalasan, wala talagang nasusunod na visit schedule ang mga buntis. Ayon kay Dr. Peahl, kinakailangan ng mga buntis sa extended visit schedule na maglaan ng another 40 hours para lang daluhan ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakita ng family planning sa Stanford University,

“Most countries in the world have less frequent visits with better outcomes.”

Sanhi ng COVID-19 pandemic, naglabas ng bagong guidelines ang American College of Obstetricians and Gynecologists tungkol sa check up ng mga buntis o prenatal care kung tawagin.

Ayon sa kanila, kailangang i-grupo ang mga may appointment katulad ng vaccination o screening para mabawasan ang mga taong bibisita sa kanila. Nirerekomenda ang apat na ultrasound: ang una ay mula 11- 13 weeks, sunod at 20, 32 at 36 weeks.

Dagdag pa sa virtual appointments na karamihan ay ginagawa na rin, kailangang bigyang pansin din ang pag-monitor sa diabetes control, hypertension, mood disorders at iba pang kondisyon.

Nasasanay ang mga buntis na babae sa panahon ngayon na mag ‘self-monitor’ ng kanilang kondisyon dahil sa pigil na pagbisita nila sa kanilang doktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa iba, ang pagsasanay na ito katulad ng pag-monitor sa kanilang blood pressure, timbang, fetal heart rate ay nakakabilib lalo na sa panahon ngayon. Subalit ito ay kapag mayroon lamang tamang resource ang isang buntis.

Prenatal check up sa Philippines. | Image source: iStock

Ayon kay Niha Zubair, isang data scientist at nag signed up sa TeleOB program sa University of Washington School of Medicine,

“It’s a huge time saver. I have a full-time job and two small children, and it means not having to drag kids to an appointment if I don’t have child care,”

Naiiwasan na niyang pumunta sa medical facilities kung saan maaari siyang makakuha ng COVID-19.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi naman ganito ka-positibo ang epekto nito kay TaNefer Camara, isang lactation consultant sa Oakland. Ayon sa kaniya “Regular prenatal care in this country already feels like it lacks connection. Already it feels so impersonal,” ginawa kasing online na lang ang kaniyang prenatal appointment.

Prenatal check up sa Philippines

Dito sa ating sa Pilipinas o Philippines ay prenatal check up ay pahirapan, lalo na sa dami ng kaso ng nagkakaroon ng COVID-19 sa bansa. Limitado rin ang kapasidad ng mga ospital at clinic.

Ilan pa sa mga naglalakihang ospital ay puno na ng mga COVID-19 na pasyente, kaya naman marami ring mga mommy ang takot na magpa-check up sa kanilang doktor sa mga ospital at clinic.

BASAHIN:

#AskDok: Paano ang tamang pag-aalaga sa tahi ng bagong panganak?

Pananakit ng puson habang buntis: Mga dapat mong malaman

Maliit magbuntis? Alamin kung bakit ito nangyayari

Pero ayon kay Dra. Patricia Kho, isang OB-Gynecologist Infectious Disease Specialist sa Makati Medical Center, huwag masyadong mangamba. Pagpapaliwanag niya,

“Yung mga big hospitals like example Makati Medical Center very very safe po sa amin. Because talagang before makapasok mayroong screening, interview and then yung mga COVID suspects naman ‘yung may mga symptoms na lilipat na kaagad sa sa area ng emergency room.

So don’t worry Hindi kayo magkaka-COVID, when you enter the hospital because we are very strict sa infection control at ‘yung area ng hospital kung saan sila naka-admit naka-separate po talaga sila. Hindi ho kayo magkakaroon ng contact with covid-19 suspects

Dagdag pa niya, ang lahat na inaadmit na mayroon sakit na COVID-19 test kaya mabilis umanong malalaman kung sino ang positive at hindi ay hindi na ninyo makakasalamuha sa loob ng ospital.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon pa kay Dra. Patricia Kho,

“Marami rin kaming na-encounter na mga persons na natatakot pumunta ng hospital kasi baka daw sila magkasakit. Dahil sa hindi sila nagpunta mas nagkaroon sila ng malalang sakit instead of magpa-checkup kaagad.

Kunyare na-stroke na, na-heart attack na o dinudugo na pala ang prengnant, marami ng complication dahil natakot silang magpa-checkup. So ayun, ang mga big hospitals like Makati Med sobrang safe talaga huwag po kayong mag-alala.”

Kaya naman mahalaga pa rin ang magpakonsulta sa isang doktor at pumunta sa ospital upang masiguro ang kaligtasan ninyo ni baby. Lalo na kung nakakaranas ng mga kumplikasyon sa pagbubuntis na dapat matignan lagi ng doktor.

Panganib nito para sa mga babaeng nasa high-risk pregnancy

Ayon kay Dr. Jennifer McLeland M.D., isang obstetrician mula Vivi Women’s Health sa Fort Worth, mahirap sa mga buntis ang mag self-monitor kung kulang ang mga ito sa gamit lalo na sa kanilang third trimester.

Dagdag pa nito na ang mga buntis sa ganitong population ay nakakaranas na ng mataas na rate ng preeclampsia, fatal condition na may kaugnayan sa pagbabago ng blood pressure, pagkakaroon ng protein sa ihi, pamamaga at iba pang sintomas.

Mahalaga na bigyan ng pansin ang mga nasa higher-risk category at mayroong ibang medical condition.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Prenatal check up sa Philippines. | Image source: iStock

Kailangang matalakay rin ang mental health check-in at regular na pag-monitor sa sarili ayon kay Monica McLemore, Ph.D. isang family health care nursing professor sa University of California, San Francisco.

Ang successful na telemedicine ay kinakailangan ng device, internet at pagiging maalam sa technology. Subalit hindi lahat ng pasyente ay may kakahayan sa ganito. Kaya naman makakatulong kung ang mga clinic ay magbigay ng device at data para sa mga pasyente.

Hindi mo doktor ang internet

Ang mga blog tungkol sa motherhood o pregnancy ay hindi na bago. Kaya normal na sa ating mga nanay ang magbasa o kumuha ng impormasyon online.

Hindi naman maiwasang mag-alala ng mga medical provider na baka makakuha ng maling advice ang mga buntis online. “Just because you are talking to your doctor on the internet doesn’t mean the internet is your doctor,”

Kaya naman huwag masyadong maging palagay sa mga nababasa sa internet. Siguruhin ang mga article at sources na iyong binabasa ay galing sa mga doktor at mga eksperto.

Prenatal check up sa Philippines | Image source: iStock

Ayon kay Dr. McLeland na sa bansang Texas, may kumakalat sa Facebook na maling impormasyon tungkol sa pregnancy at coronavirus. “Misinformation is vast and scary,” dagdag pa nito, “People are preying on a vulnerable population during this time. These women are terrified.”

Para maiwasan ito, maraming university o grupo ang nagbibigay ng free access sa webinar at ibang guidance sa internet.

“Prenatal Care May Look Very Different After Coronavirus” by Emily Goligoski © 2020 The New York Times Company

Emily Goligoski directs audience research at The Atlantic and was formerly on the staff of The New York Times.

This story was originally published on 28 April 2020 in NYT Parenting and translated with permission from theAsianparent Singapore

Translated in Filipino by Mach Marciano

Sinulat ni

NYT Parenting