Primo Arellano, anak ni Iya at Drew Arellano, nabakunahan na para sa kaniyang first dose na panlaban sa sakit ng COVID.
Mababasa sa artikulong ito:
- Primo Arellano nabakunahan na ng COVID vaccine
- COVID vaccine para sa mga batang edad 5-11 years old
Primo Arellano nabakunahan na ng COVID vaccine
Kahapon lamang kasabay ng pagdiriwang ng araw ng mga puso, binakunahan ang anak ni Iya at Drew Arellano na si Primo para sa kaniyang first dose ng COVID vaccine.
Ibinahagi ito ng ama na si Drew sa kaniyang Instagram story kung saan kasama niya ang anak na si Primo papunta sa vaccination site.
“We are on our way to the hispital to get..” pagbabanggit ni Drew habang inaantay na sundan ito ng anak.
“Vaccine,” taimtim na sambit ni Primo.
Screenshot mula sa Instagram account ni Drew Arellano
Mapapansin na hindi masyadong makulit at tahimik lamang si Primo habang bumabyahe patungo sa ospital. Kaya naman nang siya ay tanungin ng ama kung ano ang kaniyang kasalukuyang nararamdan, hindi siya natakot sabihin ang totoo.
“I’m a bit scared,” sagot ni Primo.
“[but] I’m gonna be okay,” dagdag niya.
Dahil alam ni Drew na bahagyang natatakot ang panganay na anak sa gagawing pagbabakuna ay pinalakas niya ang loob nito. Hinalikan niya ang anak sa ulo, at saka sinabing,
“Papa’s gonna be there, okay?”
Simpleng pasasalamat naman ang sinambit ni Primo sa ama nang marinig ang mga katagang iyon. Dahil si Drew ang sumama, siya ang tila nagsilbing lakas ng loob ng anak upang tuluyang magpabakuna.
Matapos magpakabakuna si Primo Arellano ay agad naman itong tinanong ng ama kung ano ang nararamdaman nito.
“Zero % of awwie!” ang masiglang sagot nito.
Kapansin-pansin sa videos na ibinahagi ni Drew sa kaniyang IG story ang pagbabago sa anak na si Primo ilang oras bago si bakunahan at nang ito ay matapos.
Screenshot mula sa Instagram account ni Drew Arellano
Tila bumalik ang normal at karaniwang sigla nito. Makulit habang confident na sinabing hindi naman siya nasaktan nang siya ay turukan ng bakuna laban sa COVID.
Natatawa naman ang kaniyang ama na si Drew dahil sa klase ng tugon na sinabi at ipinakita niya ni Primo sa kaniya.
Makikita rin sa video na St. Luke’s Medical Center – Global city ang ospital at vaccination site ang pinuntahan ng mag-amang Drew at Primo Arellano.
Larawan mula sa Instagram account ni Drew Arellano
BASAHIN:
LOOK: Judy Ann Santos sinamahan ang mga anak na si Luna at Lucho na magpabakuna laban sa COVID
Pagbabakuna ng COVID vaccine sa mga batang edad 5-11 anyos sisimulan na!
LOOK: Zia Dantes bakunado na kontra COVID
COVID vaccine para sa mga batang edad 5-11 years old
Sa pagpasok ng ikatlong taon na paglaban ng bansa kontra COVID, naglabas na ng bagong panukala ang gobyerno. Ang layon nito ay ang mabakunahan ang mga batang nasa edad 5 hanggang 11 years old.
Matatandaan na noong Oktubre ng nakaraang taon ay sinimulang bakunahan ang mga kabataang nasa edad 12 hanggang 17. Sa pagpasok naman ng buwan ng Pebrero taong 2022 ay sinimulan na ring bakunahan ang mga batang nasa edad 5-11.
Safe ba ang COVID vaccine sa mga bata?
Sa kasalukuyan, Pfizer-BioNtech lamang ang brand ng bakuna na maaaring gamitin para sa mga batang nasa edad 5 hanggang 11.
Ito pa lamang ang kaisa-isang bakuna na nakatanggap ng emergency use approval mula sa FDA o Food and Drug Administration.
Safe ang COVID vaccine na ito para sa mga bata dahil may mas mababa ang dosage at lower concentration kumpara sa bakuna na ginamit sa mga kabataang nasa edad 12 – 17 years old.
Sinisigurado rin ng mga doktor, mga Pediatricians, sa mga magulang ng bata na ang COVID-19 vaccines ay napatunayan nang safe at effective para sa mga bata.
Bukod pa rito, mismong Philippine Pediatric Society ang nag-endorse at nanghihikayat sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak. Dahil ayon sa pag-aaral, ang bakunang ito para sa mga bata ay napatunayan nang ligtas at epektibo.
Ayon sa Philippine Pediatric Society at Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines,
“We are glad that as a nation, we are able to extend the protection given to adults and adolescents to now include children as young as 5 years old.
Parents and guardians of children aged 5–11 years are enjoined to discuss vaccination with their healthcare provider and obtain their information from reputable sources with the right experience and expertise.”
Vaccination sites para sa mga batang nasa edad 5-11
Nagsimula ang pagbabakuna ng mga batang nasa edad 5 hanggang 11 sa bansa mula sa anim na lugar sa Metro Manila. Ito ang mga lugar:
- Philippine Heart Center
- Philippine Children’s Medical Center
- National Children’s Hospital
- Manila Zoo
- SM North Edsa (Skydome)
- Fil Oil Gym sa San Juan city.
Samantala, nito lamang nakaraang linggo ay sinumulan na ang malawakang pagbabakuna sa Central Luzon, CALABARZON, at iba pang panig ng bansa.
Kung nais mong magpa-schedule at pabakunahan ang iyong anak, makipag-ugnayan lamang sa inyong Local Government Unit at health care provider sa inyong lugar.
Ayon naman kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, na head din ng Philippines’ National Vaccine Operation Center, target nilang bakunahan ang 15.5 million mga batang nasa edad 5-11 sa bansa.
Ang hakbang na ito ay isa rin sa itinuturing na paghahanda upang masigurado ang kaligtasan ng kabatan kapag tuluyan ng binuksan ang lahat ng paaralan.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!