Priscilla Meirelles inaming matagal ng sinusubok ang relasyon nila ni John Estrada: “I’ve done my part”
Si Priscilla ibinahagi ring minsang nag-reach sa kaniya ang ex-wife ni John na si Janice de Belen sa kaniya at na-appreciate niya ito.
Priscilla Meirelles suko na daw sa relasyon nila ni John Estrada. Ayon sa kaniya, nagawa niya na ang papel niya bilang misis nito at napuno na siya.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Priscilla Meirelles suko na sa relasyon nila ni John Estrada.
- Lessons learned ni Priscilla sa pagsasama nila ni John.
Priscilla Meirelles suko na sa relasyon nila ni John Estrada
![priscilla meirelles john estrada relationship](https://static.cdntap.com/tap-assets-prod/wp-content/uploads/sites/11/2024/05/priscilla-meirelles-john-estrada-relationship.jpg?width=450&quality=10)
Larawan mula sa Facebook account ni Priscilla Meirelles
Sa isa sa latest interview kay Priscilla Meirelles ay inamin nito na matagal na ngang sinusubok ang pagsasama nila ng mister niyang si John Estrada. Ayon kay Priscilla, nag-uusap naman na daw nila ni John tungkol sa relationship problems nila. Pero naabot na daw nito ang limit niya at nagawa niya naman na daw ang papel niya bilang misis nito.
“I am in the situation right now, of course, we’re married pa rin, and we’re laughing, we’re having a great time. But I’m not gonna take anything of what I already took up to this point. So alam niya nasa limit na ako. So, whatever happens from this point on, it’s on him. I’ve done my part.”
Ito ang sabi ni Priscilla na hindi dinetalye ang dahilan ng problema sa pagsasama nila ng aktor.
Lessons learned ni Priscilla sa pagsasama nila ni John
![john estrada priscilla meirelles](https://static.cdntap.com/tap-assets-prod/wp-content/uploads/sites/11/2024/05/john-estrada-priscilla-meirelles.jpg?width=450&quality=10)
Larawan mula sa Facebook account ni Priscilla Meirelles
Sa naging pagsasama nila ni John ay may mahalagang natutunan daw si Priscilla. Ito daw ay pagmamahal sa sarili niya at pag-prioritize ng kaniyang peace of mind.
“Sa nangyari, ang natutunan ko ay at the end of the day, ‘yung pinakaimportanteng bagay sa buhay natin is peace of mind.”
Ito ang sabi pa ni Priscilla na ibinahagi ring minsang nag-reachout sa kaniya ang ex-wife ni John na si Janice De Belen. At ayon sa kaniya, kahit hindi sila close nito ay na-appreciate niya ang
“Never kami naging close pero na-appreciate ko siya nang sobra kasi last year, actually, nag-reach out siya sa akin.”
“But woman-to-woman, I think she can feel me and I think she understands where I’m coming from,” she continued. “And I think she appreciates the fact that I’m good to her kids and they love me and I love them.”
Ito ang pagbabahagi pa ni Priscilla na nilinaw din na hindi siya ang naging dahilan ng paghihiwalay ng dating mag-asawa. Matagal na daw annulled ang kasal ng mga ito ng maging ka-relasyon niya si John Estrada.
![priscilla meirelles john estrada](https://static.cdntap.com/tap-assets-prod/wp-content/uploads/sites/11/2024/05/priscilla-meirelles-john-estrada.jpg?width=450&quality=10)
Larawan mula sa Facebook account ni Priscilla Meirelles
- Rodjun Cruz sa bagong panganak na misis na si Dianne Medina: “So proud of you wife wife! Ang tapang mo.”
- Maxine Medina sa mister na si Timmy Llana: “I can’t wait to see you in your new dad role, and please know that I love you more than anything in the world.”
- 12 indoor plants na puwedeng pangontra sa dengue at lamok