Priscilla Meirelles at John Estrada mukhang sinusubok ang relasyon. Dating beauty queen sunod-sunod ang parinig sa social media.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Pagsubok sa relasyon nina Priscilla Meirelles at John Estrada.
- Love story nila Priscilla Meirelles at John Estrada.
Pagsubok sa relasyon nina Priscilla Meirelles at John Estrada
Magkakasunod ang cryptic post ng dating beauty queen na si Priscilla Merielles sa kaniyang Instagram account. Ang isa sa mga post ni Priscilla patungkol sa mga babae at lalaking may asawa na naghahabol pa umano sa mga single boys o girls.
“Married men/women who chase single boys/girls are seriously so pathetic!”
Ito ang isa sa mga post ni Priscilla.
Sinundan pa ito ng isa pang post na tila parinig ng dating beauty queen sa mister niya namang si John Estrada. Si Priscilla at John ay may anak na isang babae na nagngangalang Anechka na 11-anyos na ngayon
“Guys, close your eyes. Imagine you have a daughter. Imagine she is dating a guy like you. Did you smile? No. Then change.”
Mas lalo pa ngang napaisip ang mga netizens ng mag-post pa ulit si Priscilla ng patungkol naman sa kung ano ang tawag sa mga babaeng nakikipag-usap pa sa mga lalaking may asawa at kasal na.
Ang mga netizens agad namang nagbigay ng kani-kanilang sagot kay Priscilla na mas lalong nagpatunog na dumadaan sa pagsubok ang pagsasama nila ni John.
Sa iba pang IG stories ni Priscilla ay may pa-charades pa ang dating beauty queen. At mula sa game na ito ni Priscilla ay mas nagkaroon ng clue ang mga netizens sa kung sino ang tinutukoy niya.
Sinundan naman ito ng pagkalat ng mga screenshots ng mga messages ni Priscilla sa isang Cebuana influencer na nagngangalangang Chiyo Dela Vega.
Si Priscilla dineretso ang naturang influencer na nakapalitan daw ni John ng messages sa Viber. Pinakilala niya rin ang kaniyang sarili na misis ng aktor kung sakali daw hindi aware ang nasabing influencer.
Agad namang sumagot ang influencer sa mga banat sa kaniya ni Priscilla at sinabing hindi sila nagkakausap ng mister nito.
Dagdag pa niya, kinuha lang daw ni John ang number niya para sa mga susunod na events na maari itong makabilang.
Si Priscilla idiniing may nakita siyang “inappropriate” na pag-uusap ng influencer at kaniyang mister.
Nanatili namang magalang ang pagsagot ng influencer kay Priscilla. Ang dating beauty queen ininvite pa ang influencer na makipagkita sa kaniya sa Cebu. Sabi niya pa, sasama niya pa ang kanilang buong pamilya at mister na si John.
Sinundan ito ng mensahe pa ni Priscilla na sinasabihan ang influencer na burahin ang number ng mister niyang si John sa mga contacts nito. At kung sakali man daw na magkaroon ng events in the future ay siya daw mismo ang kokontak sa nasabing influencer.
Samantala, sa isa mga post ni Priscilla ay may pa-hashtag din ang dating beauty queen na sinasabing huwag siyang idamay sa hiwalayan ng iba.
Love story nila John Estrada at Priscilla Meirelles
Matatandaang si John Estrada ay ang dating mister ng aktres na si Janice de Belen. Nagkaroon sila ng apat na anak. Taong 2002 nang maghiwalay si Janice at John.
Ito’y dahil umano sa pagkakaroon ng relasyon ni John sa co-host niya sa programang Magandang Tanghali Bayan na si Vanessa del Bianco. Makalipas naman ang dalawang taon tuluyang na-annull ang kasal ni Janice at John.
Sa isang panayam ay ibinahagi ni John at Priscilla kung paano sila nagkakilala. Ito daw ay noong 2004 sa isang restaurant noong reigning Ms. Earth pa si Priscilla.
Noong panahong iyon ay kapwa sila may karelasyon. Si John sa aktres at host na si Vanessa del Bianco. Habang si Priscilla naman sa host na si Marc Nelson.
Makalipas ang tatlong taon ay muli silang nagkita. Noong panahon na iyon ay pareho na silang single. Doon na daw nagsimulang lumabas si John at Priscilla una muna bilang magkaibigan lalo na’t pareho silang nanggaling sa break-up. Hanggang sa magkaroon ng relasyon ang dalawa na nauwi sa kasalan noong February 2011.
Nitong nga lang Pebrero ay nagdiwang si John at Priscilla ng kanilang 12th wedding anniversary. Ang aktor may sweet na mensahe sa kaniyang misis sa Instagram kalakip ang larawan nilang magkasama.
View this post on Instagram
“Just can’t thank you enough for what uv done for the two of us for the past 15 years now, 3 years dating, and 12 years married, and now we are three❤.”
“Thank you for being the perfect partner that anyone could wish for. I love you my love, happy 12th year anniversary to us.”
Ito ang mensahe ni John sa kaniyang misis.
Ngunit nitong nakaraang araw ay nagsimula ang usap-usapan na may ibang babae na namang kinahuhumalingan ang aktor base sa mga cryptic post ng kaniyang misis.
Larawan mula sa Instagram
Sa kaniyang pinaka-latest na IG post, ito naman ang mensaheng iparating ni Priscilla sa kaniyang mga followers at fans.
“Sometimes you just have to throw on your Crown and remind them who they’re dealing with.”
Sa panayam sa kaniyang ng Philippine Entertainment Portal ay kinumpirma na may problema nga sa pagsasama nila ngayon ni John Estrada. Ayon sa kaniya, may katagalan naring hinaharap ni Priscilla ang hirap at sakit sa kanilang relasyon.
“I have been going through a rough time in my marriage for a while already for many reasons. And just like with anyone else, it has been tough. I constantly pray for strength and wisdom and hope for better days ahead but the truth is napuno na ako.”
Ito ang pahayag ni Priscilla sa naturang panayam.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!