Regine Velasquez naging emotional nang alalahanin ang pagiging third party niya sa hiwalayan ng ngayong mister na si Ogie Alcasid at dating misis nito na si Michelle Van Eimeren.
Mababasa sa artikulong ito:
- Pag-alala ni Regine Velasquez sa pagiging third party niya sa relasyon nina Ogie Alcasid at Michelle Van Eimeren.
- Payo ni Regine sa mga third party o kabit.
Regine Velasquez sa pagiging third party: “It was so difficult.”
Image from Regine Velasquez-Alcasid’s Facebook account
Naging emosyonal ang pagbabahagi ng singer na si Regine Velasquez sa kaniyang thoughts sa pagiging third party sa programang kaniyang kinabibilangan ngayon na Magandang Buhay sa ABS-CBN.
Si Regine ibinahagi ang pagsisimula ng relasyon nila ng mister na ngayong si Ogie Alcasid na dati ay kasal sa ex-wife niyang si Michelle Van Eimeren.
Ang Asia’s songbird aminado na siya ang third party at dahilan ng paghihiwalay ng dating mag-asawa na ayon sa kaniya ay hindi naman niya sinasadya.
“My husband and I started that way. ‘Yon naman kasi we were good friends hindi ko naman sinasadya. Kasi hindi mo naman pinipili yung mga mamahalin mo.
Gusto ko bang may masaktan? May matitinong tao na hindi naman yun yung iniisip nila. It is just that sometimes it happened.”
Ito ang sabi ni Regine.
Ayon pa nga sa kaniya, kung bibigyan siya ng pagkakataon na balikan ang nakaraan, bagamat mahal niya ang asawa ay hindi niya pipiliing maging third party ulit.
Sapagkat napakahirap umano ng pinagdaanan niya. Dagdag pa ang mga taong nasaktan niya na hindi niya naman talaga intensyon at sadya.
“Hindi ko alam kung anong nangyayari sa marriage nila at that time kasi hindi naman ako kasali doon, but it happened. I just have to say that it was so difficult.”
“If I could bring back the time, I love my husband but siguro mas gugustuhin ko na wala kaming nasaktan, na walang dalawang bata na nag-suffer because we wanted to be together.”
Ito ang naluluhang kuwento pa ni Regine.
Sa ngayon, ayon kay Regine kahit tuluyan ng nagkahiwalay sina Ogie at Michelle, at sila naman ni Ogie ay ikinasal na, nakakaramdam parin siya ng guilt sa nagawa niya.
Ito ay kahit paulit-ulit na sinasabi sa kaniya ni Ogie na wala naman siyang kasalanan at ang mister ang dapat sisihin sa lahat.
“For a while, I have to say, I have to live with that guilt forever. My husband would say, ‘It was not about you, it was about me and Michelle,’ but even then, I was there. I was part of it. I was the third party.”
Kahit nga daw napatawad na siya ni Michelle at sila ay may maayos ng relasyon sa ngayon ay nahihirapan pa rin si Regine na patawarin ang kaniyang sarili. Hanggang ngayon siya pa rin ay nagi-guilty.
Image from Regine Velasquez-Alcasid’s Facebook account
“For a time, na-forgive na ako ni Michelle, na-forgive na ako ng mga tao except me. I wasn’t forgiving myself and I’m still working on it. Every now and then I would remember what happened to us and I’d still be guilty.”
Kaya naman payo niya sa mga babaeng nasa parehong sitwasyon, siguraduhing kaya mong panindigan ang pinasok mo. Dahil ang pagiging third party o kabit sa isang relasyon ay hindi madali. May mga tao kang masasaktan kabilang na dito ang sarili mo.
“Kunyare may nagustuhan ka na tao, may asawa pala hindi mo alam, before you really make yourself involve with this person isipin mo din sa sarili mo kung kaya mo din panindigan yun. Kasi it’s really very very difficult.”
“Mahirap din to be in that situation, na hindi mo naman sinasadya na magmahal ng tao. And I’m a decent person and I do not want to hurt anyone and that’s the last thing I would want in my life. But it happens.”
Ito ang naluluha pang sabi ni Regine.
BASAHIN:
Philmar noong nagsisimula ang relasyon nila ni Andi: “Hindi tayo bagay. People don’t like us to be together because taga-isla lang ako.”
Pauleen Luna sa relasyon nila ni Vic Sotto: “A lot of people didn’t want us to succeed.”
Zoren Legaspi, pabirong ini-reveal ang tunay na “kabit&” sa relasyon nila ni Carmina Villaroel
Regine Velasquez and Ogie Alcasid love story
Image from Regine Velasquez-Alcasid’s Facebook account
Kuwento ni Regine sa isang panayam, hindi pa man naikakasal noon ang mister na si Ogie Alcasid sa ex-wife nitong si Michelle Eimeren ay minsan na silang lumabas ni Ogie for a date.
Bagama’t sa nasabing date ay grupo sila at kasama pa ni Regine noon ang kaniyang ama. Pero dahil hindi pa siya ready noon sa pagboboyfriend ay hindi siya niligawan ni Ogie.
Hanggang sa sumunod nilang pagkikita sa isang weekend noon-time show, nagkasamang muli si Regine at Ogie. Si Ogie noong panahong iyon ay kasal na kay Michelle at sila ay may anak na. Doon daw nagpatuloy ang pagkakaibigan ni Regine at Ogie na sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nauwi sa pag-iibigan.
Naging very close sila Regine at Ogie. Hanggang sa pagkakataon na nag-confess na si Ogie ng feelings niya kay Regine na hindi na daw nito ikinagulat pa.
“I was kind of expecting it and I was also kind of wanting it to happen. Pero hindi ako sure because he was married. And then it happened.”
Ito ang kuwento ni Regine na ayon sa kaniya ay hindi masaya sa umpisa. Pero ngayon ay kasal na sila ni Ogie at mayroon ng isang anak na si Nate. Masaya siya na nag-workout ang relasyon nila at kahit paano ay may naging magandang bunga ang mga sakripisyo at pinagdaanan nila.
“Hindi siya masayang umpisa. Madami kaming pinagdaanan. But in the end, it all worked out and now we are here. We are married.”
Ito ang kuwento pa ni Regine.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!