Gabay kung paano mapapanatiling safe ang iyong anak sa Facebook

ALAMIN: Protektahan ang iyong anak laban sa masamang dulot ng social media. Mabuting malaman ang privacy checkup ng facebook!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga dapat malaman sa privacy checkup ng facebook

Tumaas ng halos 2.2 billion ang bilang ng mga active users ng Facebook ngayong 2020. 2.8 naman billion naman ang gumagamit sa Instagram, Whatsapp at Messenger. Naitala rin na karamihan na gumagamit dito ay mga minors. Ayon sa pag-aaral ng Ofcom, nasa 71% ng mga minor na may edad na 12 hanggang 15 ang mga active users ng social media katulad ng Facebook. Hindi natin maikakaila na sa likod ng mga ito, may sariling downside pa rin ang Facebook. Ang mga menor de edad kadalasang delikado dito. Bilang isang magulang, hindi mo maiiwasan na malingat at hindi mabantayan ang anak mo dito.

Pero paano mo sila mapoprotektahan sa social media?

Mga gabay kung paano mapapanatiling safe ang iyong anak sa Facebook

Image from Kon Karampelas on Unsplash

 

1. Age Matters

Ang age limit na pwedeng makagamit sa Facebook ay nasa edad na 13 years old pataas. So, ang kailangan mong gawin ay iwasang pagamitin ng Facebook ang iyong anak kung ito ay hindi pasok sa age limit. Maaari mo rin silang pagbawalan na magbrowse sa social media o gumamit ng Parental Control para matigil sila kung sakaling gagamit sila into. Marami din ang gumagamit ng pekeng birthday na isang violation sa terms and conditions ng facebook.

2.Use the new facebook privacy checkup tool

Bukod sa existing privacy settings, ang revamped privacy checkup tool ng Facebook ay makakatulong sa’yo upang maimanage mo ang privacy. May apat itong section kasama na ang:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Who can see what you share

Makakatulong ito para makapili ka ng mga information na maaring makita ng mga taong titingin ng iyong profile. Katulad na lamang ng contact details, email address at iyong mga posts. Maaari mo ding makita dito ang mga blocked contact list mo.

4. How to keep your account secure

Ang setting na ito ay naka-focus kung paano mapahusay ang security ng iyong account. Kailangan mong mag set-up ng protected password at maglagay ng login alert kung may unusual activity na nadetect nito.

5. How people can find you on Facebook

Image from William Iven on Instagram

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bigyang pansin ang setting na ito dahil ito ay makakatulong sa’yo kung paano ka makikita o mahahanap ng mga tao sa Facebook. Maaari mong kontrolin ang mga unwanted na requests na matatanggap mo.

6. Your data settings on Facebook

Isa din ito sa mga importanteng setting ng Facebook. Maaari mong makontrol ang mga informations sa mga shared website na konektado sa iyong Facebook. Ang mga application na hindi mo na ginagamit ay maaari mong ma-delete:

Setting – Your Data Settings on Facebook – Apps and Websites – Remove

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

7. Avoid request from strangers

Siguraduhin na ‘wag mag aaccept ng mga hindi kilalang tao ang anak mo sa Facebook. Ang ganitong sitwasyon ay delikado lalo na kung hindi mag-iingat. Maaari mong i-edit ang iyong privacy sa ‘Who Can Send Friend Requests’ at ilagay ito sa ‘Friends of Friends’ para maiwasan ang pagsesend ng mga friend requests sa mga hindi kilalang tao.

8. Beware of third-party applications

Image from Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marami ang nagkalat na third party apps sa Facebook na pwedeng ginagamit ng mga bata at matatanda. Maaaring ito ay gaming app o iba pang klase. Marapat na ipaliwanag sa iyong mga anak na ito ay maaaring scams o malwares. Ang ganitong mga klaseng apps ay makikita sa mga random links at posts na nagkalat sa Facebook at pwedeng-pwedeng ma-click ng isang bata. Mas magandang mag-install ng ad-blocker at up-to-date antivirus software upang ma-detect ang ganitong klase ng threat.

Ang simpleng pagsunod sa privacy tips ng Facebook ay makakatulong sa’yo para mabantayan o mapanatili ang kaligtasan ng iyong anak laban sa panganib na dulot ng social media.

 

Republished and translated with permission from theAsianparent Singapore.

BASAHIN: House bill 5307: Panukalang batas na nagbabawal ng social media sa mga bataNegatibong epekto ng social media: Sanhi nga ba ng kalungkutan?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano