Isang panukala ang inihain sa House of Representatives para limitahan ang oras ng mga bata sa social media. Nasasakupan ng naturang panukala ang mga may edad 13 taong gulang pababa. Alamin ang mga nilalaman nito at bakit bawal mag gadgets ang bata.
House bill 5307
Nais ni Deputy Speaker Danilo Fernandez na maprotektahan ang mga 13 taong gulang pababa sa “pervasive-driven digital marketing system” ng mga social media companies. Ayon sa kanya, dapat maging mahigpit ang mga social media companies. Hindi dapat kolektahin ng mga social media companies ang datos ng mga ito nang walang pahintulot ng mga magulang.
Dagdag ni Fernandez, ginagamit ng mga kumpanya ang nakokolektang datos para mag-advertise sa mga platforms nila. Nakaka-alarma raw na isiping may nakatuon sa mga galaw ng bata sa social media. Ginagamit ang mga ito para pakitaan ng advertisements ang mga bata habang gumagawa ng homeworks o nakikipag-usap sa mga kaibigan.
Ang mga advertisements ay nakaka-impluwensya sa mga bata pagdating sa pagpili, leisure, at realidad. Nais ni Fernandez na kontrolin ang mga ito bilang proteksyon sa mga kabataan.
Kalakip nito ay kakailanganin ng mga social media companies na i-notify sa mga magulang kung lumagpas na ng 30 minuto ang mga bata sa paggamit ng social media. Kailangan din na magkaroon ng “stopping points” kapag umabot na sa itatalagang dami ng makikitang posts.
photo: dreamstime
Screentime sa mga bata
Bukod sa mga nabanggit sa itaas, ayon sa mga pag-aaral, hindi din talaga ina-advice ng mga eksperto na gumamit ng gadgets ang mga bata.
Sa isang pananaliksik ng National Institutes of Health, nakita ang mga epekto ng screentime sa bata. Sinusuportahan nito ang desisyon ng mga magulang kung bakit bawal mag gadgets ang bata.
Mula sa 11,000 mga bata na may edad 9 at 10 taong gulang, kinunan ng bran scan ang mga bata na gumagamit ng mga gadgets ng higit 7 oras kada araw. Dito nakita na ang mga batang ito ay nagkakaroon ng maagang pagnipis ng cortex. Ito ang panlabas na layer ng utak na nagpro-proseso ng iba’t ibang impormasyon.
Sinuri rin ang mga batang may higit 2 oras na screentime kada-araw. Dito napansin ng mga mananaliksik na ang mga ito ay masmababa ang mga grado pagdating sa tests sa pag-iisip at pagsasalita.
Simula rin ng pagdami ng maaaring gamitin na gadgets, nadagdagan pa ang epekto ng screentime sa mga bata. Naiuugnay ang screentime sa pagtaas ng bilang ng may obesity at kulang sa tulog. Nakikita rin na ang mga teens na gumagamit ng social media sa gabi ay kadalasang naaapektuhan ng depression.
Media guidelines
Ang payo ng American Academy of Pediatrics pagdating sa screentime sa mga bata ay:
- Walang screentime sa mga wala pang 18 buwang gulang.
- Piling papanoorin lamang kasama ang mga magulang para sa mga 18 hanggang 24 buwang gulang.
- Hindi hihigit sa 1 oras ng screentime kada araw para sa mga 2 hanggang 5 taong gulang.
Bukod sa seguridad ng mga bata sa internet, kailangang alalahanin ang mga maaaring maging epekto ng social media at screentime sa mga bata. Sa edad na ito na ang mga bata ay halos hindi mailayo sa kanilang gadgets, makakabuting kausapin sila tungkol sa mga consequences ng mga ito.
Basahin din: How to raise kids who prefer reading to screentime
Sources: GMA News Online, Healthline
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!