Tinitignang buwan ngayon ang August para sa muling pagbubukas ng klase sa ilang private schools ngayong school year 2020. Ito ay matapos maagang nasuspinde ang pagtatapos ng klase noong nakaraang school year. At hindi agad masisimulan sa tamang oras at buwan ang pasok ngayong June dahil sa banta ng COVID-19 sa Pilipinas.
Private schools school year 2020
Ilang private school administrators sa isang grupo ang nagsabing maaaring simulan na ang pagbubukas ng klase ngayong August para ngayong school year 2020-2021. Ito rin daw ay isang ‘realistic’ month para na rin maiwasan ang problema sa mga educational institution.
Ayon sa managing director ng Coordinating Council of Private Educational Associations (Cocopea) na si Joseph Noel Estrada, maaari talagang magkaroon ng problema ang mga private school kung madedelay ang pasok ng mga studyante. Ang mga private school na ito ay pwedeng magsara o magbawas ng mga tao.
Dagdag pa nito, bilang pagsunod sa nakakataas, hindi kailangang pumunta ng mga studyante sa school o ‘face-to-face’. Ito ay kung papayagan ang mga pribadong eskwelahan na magsimula ng klase ngayong August. Kailangan rin nilang humanap pa ng ibang alternatibong bagay sa pagsisimula ng klase na hindi sinasaalang-alang ang kalusugan ng mga studyante. Katulad na lamang ng online learing tools.
“We’re not saying naman na we go straight to face-to-face learning, open our schools. But we have to look at and explore flexible learning options.”
Ayon rin sa kanya, maaaring madelay ang sahod ng mga teacher.
“The later we start school, the operations, of course, the more costs it will be for the schools to absorb. Right now, they don’t have the funds to pay their teachers,” he said in an interview.
Samantala, naglabas naman ng pahayag ang nasabing grupo alinsunod sa ibinigay na pahayag ng Interagency Task Force on Emerging Infectious Diseases na wala munang magbubukas na klase hanggang September.
Public and Private schools: School year 2020-2021
Matatandaan na ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ang mga klase sa Pilipinas ay kailangang ipagpatuloy na lang sa September. Ito ay dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.
Ayon naman kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan sa interview sa kanya sa DZMM, sa pagbubukas ng school year 2020-2021 ay hindi nangangahulugang papasok ang studyante sa paaralan. Lalo na ngayong nakataas pa rin ang ECQ sa buong Luzon. Dahil ito ay maaaring may iba pang paraan upang makapag-aral ang bata kahit nasa bahay.
“When we say school opening it doesn’t mean that necessarily that the students will be coming to school. Kung hindi baka may ibang pamamaraan upang madeliver yung kanilang mga lesson.”
Ito ay dahil maaaring magkaroon ng pansamantalang educational platform para sa mga studyante. Katulad ng TV at radyo. Ito ay kung hindi pa rin magiging maayos ang lahat. At kung nakataas pa rin ang Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.
“When we say we were opening the school year hindi necessarily nito na face to face in all areas of the country. Kundi, malamang ay multi-modal ito. Dahil base sa mga forecast at projections na nakikita natin, itong full containment ng COVID-19 ay hindi magiging madali globally. Sa mga lugar na hindi posible ang classroom-based instruction, tinitingnan natin itong ICT (information and communication technology) platforms saka ang telebisyon, radyo,”
Ayon rin kay Education Secretary Leonor Briones, may ilan ring paaralan ang balak mag bukas sa August. At maaari pa rin silang magtapos sa March sa susunod na taon kung magkakaroon ng Saturday classes ang mga bata ngayong school year.
Kung sakali namang opisyal na magbubukas na ang mga paaralan, mahigpit na ipinag-uutos na dapat ay nasa 20 na studyante lang bawat classroom. Ito ay para mapanatili pa rin ang social distancing.
Source: ABS-CBN
BASAHIN: Lessons sa TV at radyo, tinitignan ng DOH para sa S.Y 2020-2021