Ang iyong biyenan ay importanteng bahagi sa buhay ng iyong asawa. Dahil dito, sila rin ay nagiging importanteng bahagi ng buhay ng isang tao.
Minsan hindi madaling pakisamahan ang pamilya ng iyong mister. Marami ang nagkakaroon ng problema sa biyenan dahil na rin sa magkakaibang pananaw at kaugalian.
Ngunit kailangan tanggapin na parte na rin sila ng iyong buhay at siya ay parte na rin ng iyong pamilya.
Narito ang 10 tips upang maiayos ang iyong problema sa biyenan:
1. Magkipag-isa sa asawa
Sa pagharap sa problema sa biyenan, kailangan kasama ang asawa sa kahit anong desisyon.
Tandaan, ang mga biyenan ay importanteng bahagi ng buhay nila. Huwag ilagay ang asawa sa sitwasyon na kinakailangan siyang pumili. Intindihin ang nararamdaman ng asawa at, kung maaari, suportahan siya.
2. Magtalaga ng mga hangganan at limitasyon
Kasama ang asawa, mag-desisyon kung ano sa mga patakaran sa bahay at sa mga bata ang importante at hindi.
Halimbawa, maaaring kumain ang mga bata ng kahit ano nilang gusto basta magagawa lahat ng assignments. Italaga ang mga patakaran at iparating sa mga biyenan.
3. Ipatupad ang mga hangganan at limitasyon
Maging mahigpit sa mga naitalagang hangganan at limitasyon.
Halimbawa, isa sa mga importanteng patakaran ay ang hindi pagkakaroon ng biglaang bisita. Iparating ito ng maayos sa mga biyenan at sabihan sila na magsabi bago bumisita. Kapag biglaan parin silang magpunta, ipahayag ang mga naka-schedule na dapat gagawin sa araw na iyon at ipagpatuloy ang naunang plano.
4. Makipag-usap nang direkta
Hangga’t maaari, huwag ipasabi sa iba ang mga gustong sabihin. Huwag sabihan ang mga kapatid ni mister o mga taong malalapit sa iyong biyenan. Kausapin mismo ang biyenan na pinoproblema.
Isa pang dapat tandaan, huwag ipag-palipas ang problema sa biyenan. Mas maganda kung mapaguusapan agad kung ano man ang problema. Maaaring seryosong pagtatalo ang mangyari o malaman na hindi lang pala pagkaka-intindihan.
Dapat din tandaan na makipag-usap nang maayos. Maaaring maganda ang pagpili ng mga salita sa pagkonpronta ngunit malaki ang nadadagdag ng tono ng boses. Kung hindi lang pala pagkakaintindihan ang problema, baka mas malaking di pagkaka-unawaan ang mangyari.
5. Kilalanin ang sarili
Ayon kay Shakespeare, huwag baguhin ang sarili sa kung ano ang gusto ng mga biyenan. Hindi kailangan maging ibang tao o magbago ang ugali sa tuwing haharap sa mga biyenan. Tandaan din lamang na sila ay dapat kinikilala bilang mga magulang mo rin.
6. Kalimutan ang mga stereotypes
Hindi lahat ng mga biyenan ay sakit sa ulo ng mag-asawa. Ang pag-iisip nito ay maaaring makapagpabago sa kung paano mo tatanggapin ang kung ano mang sabihin nila.
Kalimutan ang mga stereotypes ng mga biyenan at ayusin ang pag-iisip sa totoong nangyayari.
7. Matutong mag-palamig ng ulo
Huwag basta-basta makipag-away sa unang senyales ng di pagkaka-intindihan. Maaaring may masabi ang mga biyenan sa asawa na para sayo ay nakakasakit.
Magtimpi lang at magpalamig muna, huwag agad i-konpronta. Kausapin ang asawa at magpalamig ng ulo bago pag-usapan muli ang naging problema sa biyenan.
8. Maging mature
Sila man ay magulang mo na dahil sa iyong asawa, hindi parin sila ang mga magulang na nagpalaki sa iyo. Asahan na magkaiba ang magiging pagtrato ng mga magulang at mga biyenan.
Kung may nagagawa ang biyenan na parang pag-atake sayo, ilagay ang sarili sa lugar nila. Kapag hindi sang-ayon sa mga ginagawa nila, maging mature at hayaan nalang ito.
9. Maging mabait
Kahit pa mahirap gawin, magpahayag ng kabaitan. Kung wala talagang masasabing maganda, manahimik nalang at ngumiti.
10. Huwag masyadong seryosohin ang mga bagay
Kung may nagawa man ang biyenan na maaaring nakakagalit, tawanan nalang ang sitwasyon. Imbis na magbuhos ng oras at enerhiya sa pag-iisip ng masama, idaan nalang sa tawa ang mga problema sa biyenan.
Hindi kailangan gawing personal lahat ng nagagawa nila. Maaaring mabuti ang intensyon ngunit mali ang pagpapa-tupad. Maaari rin na nais lang talaga subukan ng biyenan ang hangganan mo.
Ano pa man yan, tawanan na lang.
Source: Family Education
Basahin: 4 na senyales na hindi ka gusto ng biyenan mo