Problema sa sex o pagtatalik, ito ang isa sa sumusubok sa pagsasama. Lalo pa’t ang pagtatalik ay bahagi ng relasyon na kung saan naipaparamdam ng magkarelasyon ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.
Ito rin ang nagbibigay ng init at dagdag na satisfaction sa pagsasama. Pero hindi lahat ng mag-asawa o magkapareho, sa kabila ng matinding pagmamahal sa isa’t isa ay laging may exciting na pagtatalik.
Ayon nga sa sex therapist na si Marthy Klein, may mga pagbabago sa relasyon o hindi kaya naman ay sa magkarelasyon ang nakakaapekto sa kanilang sex life.
Madalas inaakala ng isa sa mag-asawa na ang kapareho niya ang problema. Pero kung ia-analyze ang problema nila sa pagsasama partikular na sa pagtatalik ay siya rin ang may gawa.
Para mas maintindihan, narito ang apat na madalas na mga problema sa pagtatalik ayon kay Klein. Pati na ang dahilan at paraan kung paano ito masosolusyonan.
Image by Freepik
Mga problema sa sex o pagtatalik ng mag-asawa
-
Feeling mo ay hindi ka na attractive, kahit para sa partner mo ay hindi naman ito totoo.
Ang mga babae madalas, lalo na kapag nagkaanak na ay nagkakaroon ng malaking pagbabago sa katawan. Ito ang pangunahing issue sa mga babae na kung saan nawawalan sila ng gana sa sex ng dahil sa hindi na daw sila sexy o kaakit-akit sa kanilang paningin.
Kahit na paulit-ulit na sinasabi ng iyong asawa na wala siyang pakialam sa physical appearance mo at mahal ka pa rin niya sa kabila ng pagbabago sa iyong katawan.
Ayon kay Klein, base sa mga mag-asawang nakausap niya, pagdating sa sexual satisfaction hindi mahalaga ang physical attractiveness. Kung tinitingnan ka ng mister mo, ito ay dahil nag-e-enjoy siya na tingnan ka.
At hindi niya kailangan ng opinion mo kung pakiramdam mo sa sarili mo ay ikaw ay sexy o mataba na. Dagdag pa niya, mas nagiging satisfying daw ang sex at mas nagiging intimate ang mag-asawa sa oras na nakikita nila ang kanilang partner na nakahubad o walang saplot na kahit ano.
Image by jcomp on Freepik
-
Gusto mong mag-sex kayo lagi ng partner o asawa mo araw-araw at ito ang batayan mo ng pagmamahal niya sa ‘yo.
May isa sa magkarelasyon lagi ang ayaw na nababakante o sabi nga ay may day-off sa pagtatalik. Dahil para sa kaniya, ito ang patunay ng pagmamahalan nilang mag-asawa.
Pero ayon kay Kleine, ay hindi ito totoo. Ang pagkagusto sa pagtatalik kahit na wala sa mood ang asawa mo ay hindi nangangahulugan na hindi ka niya na mahal. At ang pagtatampo mo o pag-iisip na may problema sa pagsasama ninyo ay ikaw ang may gawa.
Paliwanag ni Kleine, ang pagkagusto mo sa pagtatalik ay ang sarili mong sexual gratification o validation. Labas dito ang asawa mo na hindi mo natatanong kung ano ba ang gusto niya o nararamdaman niya.
Kaya kung pakiramdam mo ay may problema ang asawa mo pagdating sa pagtatalik, bakit hindi mo siya kausapin? Maaaring may mga issues sa inyong pagsasama na hindi mo napapansin o nakikita na nakakaapekto na sa init ng inyong pagsasama.
-
Pakiramdam mo ay hindi satisfied ang partner mo dahil hindi siya nag-orgasm sa ‘yo.
May mga pagkakataon talaga na may iba-iba tayong hilig. Tulad halimbawa sa hindi sinasadya dahil sa labis na excitement ay nag-cum ang asawa mo habang hinahand-job mo.
O kaya naman ay mas gusto niyang mag-oral sex na lang kayo kaysa magkaroon pa ng penetration. Pero hindi ibig sabihin nito na hindi ka niya na mahal.
Sadya lang talaga na may pagkakataon na nais niyang sumubok ng kakaiba sa inyong sex life. O kaya naman ay sa labis niyang excitement ay hindi niya napigilan ang sarili niya.
Image by jcomp on Freepik
-
Ginaganahan lang sa sex kapag nakikita ang iyong sexual fantasy.
Mayroon tayong hilig at minsan ay ipipilit natin sa ating partner na gawin ito para tayo ay ma-please. Kahit na minsan ay labag na ito sa loob niya. Pero sa oras na hindi niya ginawa ay kuwekuwestyunin mo na ang pagmamahal niya sa ‘yo.
Tulad na lang sa paggawa ng mga sexual fantasies mo. Dito ay sasabihin na nating hindi nagmamature ang ating asawa, dahil siya ay natatakot sumubok ng ibang bagay o kaya naman ay masyadong boring pagdating sa kama.
Pero sa puntong ito ang totoong immature ay ikaw. At ang tanging paraan para maayos ito ay mag-usap kayong mag-asawa. Para mas maging malinaw sa inyong dalawa ang mga gusto at ayaw ninyo partikular na sa pagtatalik. Ang susunod na hakbang ang pinakamahalaga. Ito ang pag-respeto sa choice ng isa’t-isa.
Mula sa mga nabanggit na problema sa sex o pagtatalik, isa lang ang malinaw. Ito ay ang pag-uusap at pagkakaroon ng honest communication sa iyong asawa ang paraan para ito ay maitama at hindi makasira sa inyong relasyon.