Picky eater ba ang iyong anak? Narito ang vitamins na dapat mong ibigay sa kaniya

Vitamins para sa batang mahirap pakainin? Propan TLC ang best at recommended ng mga duktor para sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang Propan TLC benefits na talaga namang inirerekumenda ng mga duktor para sa mga bata lalo na sa mga picky eater o mahirap pakainin.

Sa isang Facebook live na isinagawa ng theAsianparent Philippines kasama ang pediatrician at mom of two na si Dr. Gellina Suderio-Maala, ibinahagi niya kung kailan at bakit dapat uminom ng vitamins o supplement ang isang bata. Nagbigay rin siya ng kaniyang rekumendasyon kung ano ang perfect na vitamins para sa mga batang mahirap pakainin o picky eater. Ito’y ang Propan TLC na ipinaliwanag rin ni Dr. Maala kung ano ang nagiging epekto sa katawan ng iyong anak sa tuwing iniinom niya ito.

Propan TLC benefits: Kailan dapat bigyan ng supplements o vitamins ang isang bata?

Ayon kay Dr. Maala, mahalaga na mabigyan araw-araw ng mga healthy food ang isang bata. Katulad na lamang ng prutas at gulay, tamang portion ng kanin, isda, karne, at iba pa na kukumpleto sa nutrients na kailangan ng kaniyang katawan. Subalit hindi lahat ng bata ay mapapakain mo ng mga ito. Partikular na ang mga tinatawag na picky eaters o ang mga mapili sa pagkain. Ito umano ang isa sa mga palatandaan na kailangan ng bigyan ng supplements o vitamins ang isang bata. Sapagkat ang mga batang picky eater ay kadalasang nagkakaroon ng problema sa pagkuha ng adequate nutrition na kailangan ng kanilang katawan.

“Number one syempre, you have to offer healthy food. And then if talagang problematic yung weight at may problem sa adequate nutrition ang bata, kailangan nating magbigay ng supplement that can improve the appetite of the child.”

Pahayag ni Dr. Maala kung paano masisigurong healthy o malusog ang ating mga anak.

Dagdag pa niya, bagama’t bilang isang magulang ay maaari nating pilitin ang ating anak na kumain ay may limit naman tayo rito na kailangang sundin. Baka imbis na makatulong makasama pa ito sa kaniyang growth at development.

“After 30 minutes if the child is not eating anymore, not paying attention anymore, nag-aaway na kayo tama na kasi magkakaroon na ‘yan ng negative emotional effect dun sa child. So tapusin na lang ‘yung meal then pag nagutom offer an alternative healthy snack.”

Pahayag pa ni Dr. Maala sa limit kung hanggang saan mo lang maaring piliting kumain ang isang picky eater.

Palatandaan na picky eater ang isang bata

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Photo by Alex Green from Pexels

Ayon pa rin kay Dr. Maala, isa sa mga dahilan kung bakit nagiging picky eater ang isang bata ay dahil hindi sila nasanay na kumain ng mga healthy foods. O kaya naman ay late na natin na-introduce sa kanila ang complimentary feeding at nasanay na silang dumede o uminom na lamang ng gatas. Sa kanilang paglaki, ay unti-unti na nating makikita ang epekto nito na maaaring maging hadlang upang makakuha sila ng sapat na nutrisyon na kailangan ng kanilang katawan. Ang mga palatandaan nga na masasabing picky eater na ang isang bata’y ang sumusunod, ayon pa rin kay Dr. Maala.

  • Mas gusto niya ang mga liquids tulad ng milk, juice at water kaysa kumain.
  • Mas gusto nilang maglaro o kaya manood ng TV habang kumakain.
  • Gusto lang nilang ng iisang pagkain na kakainin.
  • Maaari silang mag-try ng ibang pagkain ngunit aayawan agad ito at hahanapin ang iisang pagkain na gusto lang nila o kanilang favorite.

BASAHIN:

4 parenting mistakes kaya lumalaking walang respeto ang bata

10 Tricky ways to deal with a picky eater

8 Pagkain na pampalakas at pampatangkad sa mga bata

Masasabi namang problem feeder na ang isang bata o nakakaapekto na sa kaniyang kalusugan ang sobrang pihikan niya sa pagkain kapag nagpapakita na siya ng mga sumusunod na sintomas.

  • Natatakot sila sa mga bagong dish o pagkain na ibinibigay mo sa kanila.
  • Iniiwasan nila ang mga pagkain na ayaw talaga nila tulad ng mga berde ang kulay gaya ng gulay.
  • Sobrang mapili sa pagkain at parang nasusuka kapag hindi nila gusto ang kanilang kinakain.
  • Dahil sa sobrang pihikan sa pagkain ay nahihirapan silang ngumuya o lumunok kapag ayaw nila ang kanilang kinakain.
  • Nagta-tantrums sila kapag pinapakain.
  • Nababawasan ang kanilang timbang dahil isa lang ang kanilang kinakain.

Positive parenting approaches sa mga picky eaters

Photo by Alex Green from Pexels

Ayon pa rin kay Dr. Maala, may magagawa naman upang mahikayat ang mga picky eater na kumain ng mga masusustansiyang pagkain. Tulad ng pare-parehong oras ng pagpapakain sa kanila. O kaya nama’y ang pagpapakain sa kanila ng 5 beses sa isang araw na binubuo ng 3 meal at 2 snacks na kung saan tubig lang ang kanilang iinumin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kailangan din umanong maging medyo creative sa paghahanda ng pagkain. Para makuha ang atensyon at interes ng iyong anak.

“Give one specific food sa loob ng 3 araw para masanay ‘yung panlasa nila sa pagkain na binibigay mo, Kasi it takes 15 times na ibibigay mo ‘yung pagkain bago nla matutunan na magustuhan ‘yung isang pagkain. Talk to your kids kung ano ba ‘yung kinakain nila. And let them eat rainbow. Offer ka ng fruit and vegetables Lagyan mo ng sauce and make it look fun.”

Ito ang mga tips pa ni Dr. Maala. Makakatulong din umano ito kung gagawin silang involve sa paghahanda ng kanilang kinakain. Tulad ng pagsama sa kanila sa pag-grogrocery o kaya naman ay sa pagluluto.

Pero para makasigurado na nakukuha ng iyong picky eater na anak ang mga nutrients na kaniyang kailangan, ipinapayo si Dr. Maala na painumin siya ng supplements. Tulad ng Propan TLC na nagtataglay ng sumusunod na benefits.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iba pang parenting tips para sa mga magulang na may anak na pihikan sa pagkain

  • Maging role model sa inyong mga anak. Tandaan na ang mga bata ay natututo ng kanilang food preferences sa pamamagitan ng pag-oobserba sa kanilang magulang. Kung nais mong pakainin ng masustansya ang iyong anak, tiyakin na masustansya rin ang iyong kinakain.
  • Hikayatin ang anak na makiisa sa meal planning at pagluluto. Hindi lang ito makatutulong upang maiwasan ang pagiging picky eater ng bata, magandang bonding activity rin ito para mas maging malapit kayo sa isa’t isa. Puwedeng isama ang iyong anak sa grocery store at sabay kayong mamili ng mga pagkain. Maaari din silang patulungin sa pagluluto at paghahanda ng pagkain.
  • Iwasan na magkaroon ng ano mang distractions habang kumakain. Tiyakin na mayroong distraction-free environment ang mga bata tuwing kumakain. Iwasan ang panonood ng tv o paggamit ng gadgets habang nakain. Hindi lang ito sa mga bata, mahalagang maging role model ang magulang sa pagsunod sa patakaran na ito.

Propan TLC benefits

Image from Propan TLC

  • Mayroon itong 100% Reni vitamin C na ibig sabihin, taglay na nito ang required vitamin C ng isang bata para mapalakas ang immune system ng kaniyang katawan.
  • Nagtataglay rin ito ng lysine at B vitamins na nakakapag-boost ng kaniyang gana sa pagkain at energy.
  • Mayroon din itong Chlorella Growth Factor o CGF at Vitamin D na nakatutulong sa growth o paglaki ng iyong anak.
  • Nagtataglay ito ng Taurine para sa brain development.
  • Mayroon rin itong Vitamin A at E na nakakatulong para luminaw ang paningin ng iyong anak at mas maging healthy ang kaniyang balat.

propan tlc benefits

May dalawang uri ng Propan TLC na ibinibigay sa mga bata. Ang una’y ang Propan TLC drops na para sa mga batang edad 7 buwan hanggang 2 taong gulang. Mayroon ring Propan TLC syrup para sa mga batang edad 1-12 taong gulang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para makasanayan ng mga bata ang pag-inom nito ipinapayo ni Dr. Maala na inumin ito sa pare-parehong oras araw-araw. Mas mainam nga daw kung ipapainom ito sa isang bata matapos ang agahan. Ito ay dapat ding inumin ng sapat o naaayon sa dosage prescription ng nasabing supplement sa edad ng iyong anak.

Maliban sa pang-bata, may Propan TLC rin para sa mga matatanda. Ito ang Propan Fit na nagtataglay naman ng multivitamins, minerals, korean ginseng at garlic extract. Nakakatulong naman ito para malabanan ang mga nararanasan nating mental at physical fatigue.

 

Karagdagang impormasyon isinulat ni Jobelle Macayan

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

theAsianparent PH, Healthline