Pinupulikat? 8 bagay na dapat malaman tungkol sa sanhi at lunas para dito

Paano nga ba nagkakaroon ng pulikat, at anu-ano ang mga mainam na gamot para sa kondisyong ito? Ating alamin sa article na ito. | Larawan mula sa iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lahat ng tao ay nakakaranas ng pulikat sa binti at paa, sa isa o higit pang pagkakataon. Kapag natutulog, madalas ay nagigising ka sa sobrang sakit at paninikip at paninigas ng muscles sa binti, at hindi na ito maigalaw. 

HIndi naman dapat ipag-alala dahil ito ay kadalasang biglaan, pero nawawala din kaagad at narerelax din muli ang muscles.

8 na bagay na dapat mong malaman tungkol sa pulikat

Ano ang pulikat?

Ang pulikat o cramps ay isang sudden at involuntary contraction ng isa o higit pa sa isang muscles ng isang tao. Kung ikaw ay nagigising sa gabi dahil sa pulikat sadyang masakit talaga ito. Hindi naman ito nakakabahala kadalasan pero ang pagkakaroon ng pulikat o muscle cramps ay posible rin na hindi mo maigalaw at makaranas ka ng matinding sakit dahil rito.

Ang pagkakaroon ng matagal na oras sa pag-eehersiyo o pisikal na trabaho partikular sa mainit na panahon ay makakapagdulot ng muscle cramps ayon sa Mayo Clinic.

Maaaring sanhi rin ito ng iba pang medical conditions, pero kadalasan naman ay magagamot ito sa bahay at siyempre sa pamamagitan ng self-care sa ating mga sarili.

Sanhi ng pulikat?

Larawan mula sa iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa Mayo Clinic, ang labis na paggamit ng muscles, kasama ng dehydration, at pag-upo o pagtayo nang matagal ay nagiging sanhi ng pulikat.

Dagdag pa dito ang ilang mineral deficiencies, tulad ng kakulangan sa potassium. Madalas ay nangyayari ito sa gabi. Lalo kung mali ang posisyon sa pagtulog.

Pero karaniwan din itong nagaganap sa maghapon, lalo kung matagal na nakaupo o nakatayo, o kapag dehydrated ang katawan. Isang binti lang palagi ang pinupulikat, at karaniwang ay sa calf o likurang bahagi ng binti.

Akala ko noon ay mga buntis lang ang nakakaranas nito. Pero kapag nanuod ka ng basketball games tulad ng PBA o NBA, o kapag may nakausap kang ballerina, malalaman mong kahit sino ay pwedeng pulikatin. Paliwanag ni Grace Alvarez, RN, maraming pwedeng maging dahilan ng pagkapulikat, tulad ng gamot na iniinom, pagbubuntis, o di kaya ay hindi sapat o tamang stretching bago mag-ehersisyo o maglaro ng sports.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maaari ka ring makaranas ng pulikat sa paa kung ikaw ay:

  • kung ikaw ay buntis
  • nag-e-exercise
  • nasa medication ka katulad ng statins o mga gamot na nagpababa ng cholesterol level
  • kung mayroon kang liver disease
  • may kidney failure
  • mababang thyroid gland function
  • mayroong hypothyroidism

Sanhi ng pulikat sa binti at paa na may underlying condition ay ang mga sumusunod:

  • Hindi sapat na suplay ng dugo sa paa o binti. Ang pag-narrow ng arteries na nagde-deliver ng blood supply sa iyong binti at paa ay maaaring maging sanhi ng pulikat at magdulot ng pananakit sa binti at paa, lalo na kapag ikaw ay nag-eehersiyo. Mawawala naman umano ito agad lalo na kung tumigil sa sandali sa pag-eehersiyo.
  • Never compression. Ang pagkakaroon ng compression sa iyong nerves sa spine o lumbar stenosis ay maaaring makapag-produce ng tila pulikat sa iyong binti at paa. Magtatagal ang pananakit kapag ikaw ay maglalakad o igagalaw ang binti o paa na nagkaroon ng pulikat.
  • Mineral depletion. Ito ay pagkakaroon ng maliit na amount ng potassium, calcium, at magnesium sa iyong katawan at mga kinakakain, na nakaka-contribute sa pagkakaroon ng pulikat sa binti at paa.

Sintomas ng pulikat sa binti at paa

Maaari kang makaranas ng mga sumusunod:

  • Matinding pananakit sa iyong muscle sa binti at paa
  • Makakaramdam na tila naninigas ang iyong binti at paa at may kasama rin itong tense
  • Makakakita ka rin ng twitching o pintig sa iyong paa o pwede rin sa binti

Isa rin sa maaaring maranasan ay ang bahagi ng katawan na pinupulikat katulad ng binti at paa ay maaaring hindi mo maigalaw ng ilang segundo o minuto at tinatawag din itong spasm.

Kapag tapos na ang spasm na ito ay maaari mo nang makontrol ang bahagi ng iyong katawan katulad ng binti o paa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa iStock

Ilang segundo o minuto nagtatagal ang pulikat?

Ayon sa WebMD, maaaring magtagal ang pulikat ng ilang segundo hanggang sa 15 minuto.

Risk factos na maaaring makaranas ng pulikat?

Ilan sa mga risk factor na makakaranas ka ng pulikat ay ang mga sumusunod:

  • Edad. Ang matatanda ay naglo-lose ng muscle mass, kaya naman ang kanilang mga remaining muscle ay maaaring ma-overstressed kaya sila ang mas mataas ang tiyansa na makaranas ng pulikat sa paa at binti.
  • DehydrationKapag ikaw ay dehydrated ay mataas din ang tiyansa na makaranas ka ng pulikat. Kadalasan nakakaranas nito ay ang mga atleta.
  • Pagbubuntis. Karaniwan sa mga nagbubuntis ang makaranas ng pulikat.
  • Medical Condition. Maaaring makaranas din ang isang tao ng pulikat kapag mayroon siyang diabetes, o nerve, liver, at thryoid disorders.

Paano maiibsan ang pulikat?

Larawan mula sa iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Stretching at masahe.

Banatin ang naninigas na muscle at marahang diinan at hagurin ito para ma-relax ulit. Ibali ng bahagya ang tuhod, at ituwid ang binti na walang pulikat. Makakatulong ang paghila ng dulo ng paa (mga daliri sa paa), at paghagod din ng talampakan.

Nare-relax nito ang “hamstring”. Kapag sa harapang bahagi ng balakang o pulikat ng quadriceps, tumayo at tumukod sa isang silya o lamesa, at banatin ang paa nang patalikod.

Kung palaging pinupulikat, kumunsulta sa doktor at magtanong ng tamang paraan ng stretching at masahe para maibsan ang sintomas.

  • Dampian ng hot o cold compress. 

Gumamit ng bimpo na binasa ng maligamgam na tubig, o di kaya ay heating pad para sa naninigas o nainikip na muscles; o gumamit ng ice pack o bimpo na binabad sa may yelong tubig at idampi sa pulikat. Kung madalas itong nangyayari, maligo gamit ang maligamgam na tubig, at imasahe ang bahagi ng katawan na palaging pinupulikat.

Ang pulikat ay isang sintomas din ng dehydration. Kapag kulang sa tubig ang katawan, nanunuyo ang labi, naluluha ang mga mata, hindi pinagpapawisan, at pinupulikat ang mga muscles. Huli dito ay ang magkahilo at pagsusuka. Kung lahat ito ay nararamdaman, kumunsulta kaagad sa doktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung hindi nag-improve ang iyong nararanasan ay maaari kang bumili ng mga over-the-counter na inflammatory medication katulad na lamang ng ibuprofen. Malaking tulong din ang magagawa talaga ng pag-stretch siya iyong muscles kaya gawin dapat ito.

Maaari kang gisingin ng pulikat sa gabi habanag ikaw ay natutulog. Kapag nangyari ito ay magpatingin sa iyong doctor at tanungin siya patungkol sa prescription ng muscle relaxer.

Ang medication na ito ay makakatulong upang ma-relax ang iyong muscles at pinapakalma rin nito ang pulikat at spasms.

Paraan upang maiwasan ang pulikat

  • Iwasan ang dehydration. 

Uminom ng maraming tubig araw-araw upang maiwasan ang pamumulikat. Ang amount ng tubig na kinakailangan mong inumin sa isang araw ay nakadepende sa iyong pagkain, level ng iyong activity, panaho, kalusugan, edad at mga gamot na iyong iniinom.

Makakatulong ang fluids o tubig sa iyong muscles na mag-contract at mag-relax. Ganun din makakatulong ito para ang iyong mga muscle cells ay ang hydrated at hindi maging iritable. Habang gumagawa ng aktibidad katulad ng exercise o pakikipagtalik mahalaga na ma-replenish ang fluids sa iyong katawan. Kaya laging uminom ng tubig upang maiwasan ang pagkakaroon ng pulikat sa paa o binti.

  • Kumain ng mga pagkain mayaman sa potassium, at calcium

Isa pang paraan upang makaiwas sa pagkakaroon ng pulikat sa binti at paa ay ang pagkain ng mga pagkain mayaman sa potassium at magnesium katulad na lamang ng saging, almonds, oranges at iba pa. Sa ganitong paraan magiging healthy ka na at makakaiwas ka pa sa pagkakaroon ng pulikat sa paa at binti.

Maaari ka ring uminom ng mga supplements na mayroong potassium at magnesium. Mahalaga na kumonsulta muna sa iyong doktor bago inumin ang mga ito upang siguradong magiging ligtas ito para sa ‘yo.

  • Huwag mag-exercise pagtapos kumain

Iwasan muna ang pag-eehersiyo lalo na pagkatapos kumain. Nagpapataas ito ng tiyansa ng pagkakaroon ng pulikat o muscle cramps.

  • Iwasan ang pagkain ng mga pagkaing mayroon caffeine

Makakatulong din ang pag-iwas muna o labis na pagkain o intake ng mga pagkaing mayroong caffeine katulad na lamang ng kape o chocolate.

Kailan ka dapat pumunta o magpatingin sa isang doktor?

Ang pulikat sa binti at paa ay kadalasan naman nawawala agad at kadalasan hindi naman talaga ito seryoso. Subalit kung nakakaranas ng mga sumusunod ay dapat ka nang magpatingin sa iyong doktor. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

  • Nagdudulot ng matinding discomfort
  • Pulikat na may kasamang pamamanas, pamumula ng balat o pagbabago ng balat
  • Kung associated ito sa pagiging mahina ng iyong muscle
  • Kapag nangyayari na ang pulikat sa binti at paa ng madalas
  • Hindi nag-iimprove kahit na ginawa mo ang mga sinabi kanina katulad ng pag-inom ng tubig at stretching.
  • Pagkakaroon ng pulikat na hindi naman related sa matinding paggalaw o gawain katulad ng exercise.

 

Grace Alvarez, RN, MayoClinic, Healthline, WebMD

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.