X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Bakit mabilis ang pulso ng isang buntis?

3 min read
Bakit mabilis ang pulso ng isang buntis?Bakit mabilis ang pulso ng isang buntis?

May iba't ibang mga pagbabago sa katawan ang mararamdaman ng isang nagdadalangtao. Kabilang sa mga pagbabagong ito ang pagbilis ng pulso ng isang buntis. | Photo by rawpixel on Unsplash

May iba't ibang mga pagbabago sa katawan ang mararamdaman ng isang nagdadalangtao. Kabilang sa mga pagbabagong ito ang pagbilis ng pulso ng isang buntis.

Sa pamamagitan ng pagsukat ng pulso ng isang buntis, makapagbibigay ng nararapat na rekomendasyon ang kaniyang duktor tungkol sa kaniyang kalusugan pati na sa batang kaniyang ipinagbubuntis.

Hindi kailangang mabahala sa pagbilis ng pulso ng isang buntis. Ibig sabihin lang nito ay kailangan ng puso na magbomba ng dobleng supply ng dugo sa buong katawan ng isang nagdadalang-tao. Siguraduhin lang na regular na namo-monitor ng duktor ang pulso ng isang buntis pati na ang ibang vital signs tulad ng blood pressure, dapat ay nasa normal na bilang ang mga ito.

Pagbabago sa tibok ng puso at daloy ng dugo

Habang nagde-develop ang fetus, mas maraming dugo ang kailangan sa uterus upang magkaroon ng tamang nutrisyon ang sanggol na ipinagbubuntis. Dahil dito, maaaring tumaas mula 30 hanggang 50 percent supply ng dugo na kakailanganin ng isang buntis, ayon sa Merck Manual.

Ang babaeng hindi buntis ay may normal na heart rate na mula 60 hanggang 100 beats per minute. Tumataas ito mula 10 hanggang 20 points kapag nabuntis ang isang babae, ayon sa “Circulation” na isang review na na-publish noong September 2014.

Nakasaad din dito na pagdating sa ikatlong trimester, umaakyat ang heart rate sa 20 hanggang 25 percent mula sa normal na heart rate ng isang hindi buntis.

Mag-ehersisyo kung buntis

Noon, matinding ipinagbabawal ang pag-eehersisyo dahil may takot na maaaring makasama ito sa mga nagdadalang-tao. Ngayon, iminumungkahi na ito ng ilang eksperto, ngunit may kaukulang pag-iingat.

Mas tumataas ang heart rate habang nag-eehersisyo. Ibig sabihin nito, mas malaki rin ang posibilidad na magbomba pa ang puso ng mas maraming dugo sa buong katawan.

Iminumungkahi ng American College of Obstetricians and Gynecologists na gawin lamang ang tamang intensity ng ehersisyo, kung saan ang isang buntis ay kaya pang magsalita habang ginagawa ang mga ito.

Iba pang makaaapekto sa pulso ng isang buntis

Bukod sa physical activities, marami pang ibang bagay ang nakaaapekto sa pagbilis ng pulso ng isang buntis. Kabilang dito ang sobrang init ng panahon, ang stress at pagkabahala, pati ang dami ng tubig na iniinom ng isang buntis.

Sa pagkakataong tumaas nang sobra ang heart rate ng isang buntis, bigyan agad ng gamot na prescribed ng doktor ang buntis upang mapangalagaan siya at ang dinadala niya.

Mga Paalala

Laging kumonsulta sa doktor, lalo na kung may abnormal na pagbabago sa pulso ng buntis o di kaya'y nakararanas siya ng pagkahilo o panghihina.

Bago mag-ehersisyo, tanungin muna ang doktor kung safe ito. Laging sundin ang limitasyong ibibigay ng doktor sa mga gawaing puwede lang gawin ng isang buntis.

 

Source: Livestrong, Pagbubuntis

Napili mo na ba kung saang ospital ka manganganak? Alamin dito ang mga maternity packages ng mga iba't ibang ospital sa Metro Manila.

 

Partner Stories
The Art of Travel Planning Made Easy with Airbnb Wishlists
The Art of Travel Planning Made Easy with Airbnb Wishlists
What is team parenting and what makes it effective?
What is team parenting and what makes it effective?
Skin Care Tips for Kids!
Skin Care Tips for Kids!
How is Your Child Coping with Online Learning?
How is Your Child Coping with Online Learning?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

theAsianparent Philippines

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagbubuntis
  • /
  • Bakit mabilis ang pulso ng isang buntis?
Share:
  • #AskDok: Totoo bang malalaman kung buntis ang isang babae sa pamamagitan ng pulso?

    #AskDok: Totoo bang malalaman kung buntis ang isang babae sa pamamagitan ng pulso?

  • 8 pagbabago sa breasts na mararanasan ng buntis

    8 pagbabago sa breasts na mararanasan ng buntis

  • Anthony Taberna sa birthday ng anak na lumalaban sa Leukemia: "Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday sa iyo Anak"

    Anthony Taberna sa birthday ng anak na lumalaban sa Leukemia: "Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday sa iyo Anak"

  • Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

    Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

app info
get app banner
  • #AskDok: Totoo bang malalaman kung buntis ang isang babae sa pamamagitan ng pulso?

    #AskDok: Totoo bang malalaman kung buntis ang isang babae sa pamamagitan ng pulso?

  • 8 pagbabago sa breasts na mararanasan ng buntis

    8 pagbabago sa breasts na mararanasan ng buntis

  • Anthony Taberna sa birthday ng anak na lumalaban sa Leukemia: "Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday sa iyo Anak"

    Anthony Taberna sa birthday ng anak na lumalaban sa Leukemia: "Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday sa iyo Anak"

  • Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

    Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.