Pagsisisi ng isang ina: “Kung ako kaya ang nagbantay sa baby ko, buhay pa kaya siya?”

Kuwento ng ina, tandang-tanda niya noong gabing iyon ay ayaw magpababa ng baby niya sa pagkakatulog sa kaniyang mga braso.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maraming tanong ang isang ina matapos pumanaw dahil sa SIDS o Sudden Infant Death Syndrome ang anak niya. Alamin kung ano ang kondisyon na ito na madalas na nagiging sanhi ng maagang pagkawala ng mga sanggol na isang taong gulang pababa.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Hinagpis ng isang ina sa pagkawala ng kaniyang sanggol na pumanaw dahil sa SIDS o Sudden Infant Death Syndrome.
  • Ang mahahalagang bagay na dapat malaman tungkol sa Sudden Infant Death Syndrome o SIDS.

9-weeks-old na sanggol pumanaw dahil sa SIDS

Sa pamamagitan ng isang vlog ay ibinahagi ng inang si Judea Arthur ang nangyari sa baby niyang si Noah na pumanaw dahil sa SIDS o Sudden Infant Death Syndrome.

Kuwento ni Judea October 8,2020 ng mangyari ang hindi niya malilimutang insidente. Noong araw na iyon ay wala naman daw kakaiba sa 9-weeks at 3 days old niyang baby girl na si Noah.

Sa katunayan, ay itinuturing niya ang araw na iyon na isa sa best days nilang mag-iina. Dahil noong habang pinapadede niya ang anak ay saglit itong tumingin sa kaniyang mga mata. I

yon umano ang unang pagkakataon na ginawa ito ng anak. Dahil madalas sa tuwing nagbe-breastfeed ay nakatingin lang ito sa bandang braso o kili-kili niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Noong araw na iyon, tandang-tanda ni Judea, nahihirapan siyang ibaba ang anak mula sa pagkakarga niya. Maliban sa napuyat siya kahihintay sa asawa niya nang 1am na umuwi noong gabi na iyon mula sa trabaho, ay hindi umano talaga nagpababa ang baby niya noong si Noah.

Bandang alas-3 ng umaga ay muli niyang pinasuso ang anak. Hindi niya akalaing ito na pala ang huling beses na magagawa niya ito sa baby girl niya.

Kuwento ng ina, tandang-tanda niya ayaw magpababa noon ng kaniyang anak

People photo created by freepik – www.freepik.com 

Kuwento ni Judea, madalas matapos ang 10 minuto ng pagpapasuso ay nakakatulog na ang baby girl niyang si Noah. Pero noong araw na iyon, sa tuwing ibaba niya nito mula sa kaniyang braso ay agad na nagigising umano ang sanggol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman hinayaan niya lang ang anak na mahilmbing na matulog sa braso niya. Ito ay sa kabila ng labis niyang antok at kagustuhan na mahiga sa kama at makapagpahinga ng maayos.

Hanggang sa magising umano mula sa saglit niyang pagkakatulog ang mister niya. Nag-offer ito na siya na muna ang magkakarga sa anak para makatulog lang si Judea.

Noong una, ayaw sana ni Judea na pumayag dahil alam niyang pagod din ang mister. Pero dahil sa sobrang antok niya, ay ibinigay niya nalang muna ang anak na si Noah sa kaniyang mister.

Kinarga niya ito palabas ng kanilang kwarto at dinala sa kanilang sala para doon maupo habang hindi inaalis sa braso nito ang anak. Noong papalabas sa kwarto ang kaniyang mag-ama ay naririnig niyang umiyak si baby Noah. Pero mas matindi ang antok na nararamdaman niya kaya nahiga na siya at natulog na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagising na lang sila na wala ng buhay ang kanilang sanggol

Bandang alas-7 ng umaga ay nagising siya sa ingay ng pagsigaw ng kaniyang asawa. Ito rin sana ang oras na pasusuhin niya na muli ang anak na si Noah.

Pero nang tumakbo papasok sa kwarto nila ang mister ay karga nito si Noah na hindi na umano nagre-respond at lupaypay na ang katawan.

Sinubukan niyang manatiling kalmado at tumawag ng ambulansiya. Habang hinihintay ang pagdating ng ambulansiya ay nag-perform siya n CPR sa anak pero ito talaga ay hindi na nagre-respond.

Nadala sa ospital ang baby niya. Ayon sa doktor na tumingin sa kaniyang anak ito ay nasawi dahil sa kondisyon na Sudden Infant Death Syndrome o SIDS. Hindi ito matanggap ng inang si Judea. Marami siyang tanong na hanggang ngayon ay hinahanapan pa rin niya ng sagot.

“Kung hindi ko kaya siya inalis sa tabi ko, buhay pa kaya siya? Kung binigyan ko ng pacifier si Noah noong gabing iyon, hindi kayo ganoon ang mangyayari sa kaniya? Baka kung mas maaga akong nagising baka hanggang ngayon buhay pa siya.”

Ito ang ilan sa mga tanong na patuloy na tumatakbo parin sa isipan ni Judea magpahanggang ngayon. Matapos ang halos isang taon ng maagang pagkawala ng anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero alam niya na ang SIDS ay hindi maiiwasan. Ito ay isang kondisyon na dahilan ng maagang pagkawala ng mga sanggol na hanggang ngayon ay wala pang tukoy na dahilan.

BASAHIN:

Ano ang dahilan Sudden Infant Syndrome o SIDS?

May tumutunog sa paghinga ng sanggol? Mga dahilan at posibleng gamot sa halak ng baby

5 healthy eating habits that benefit moms during breastfeeding and beyond

Ano ang SIDS o Sudden Infant Death Syndrome?

Image by FotoRieth from Pixabay 

Ang kuwento na ito ni Judea ay nakaantig ng puso ng napakaraming ina. Sila ay nagpahatid ng kanilang pakikiramay sa sakit na nararamandaman niya sa pagkawala ng kaniyang Baby Noah.

Ang Sudden Infant Death Syndrome o SIDS ay ang hindi maipaliwanag na biglang pagkamatay ng mga sanggol na isang taong gulang pababa.

Bagama’t hindi pa matukoy ang eksaktong dahilan nito, ito umano ay maaaring dahil sa dalawang bagay. Maaaring ito ay dahil sa physical factors o kalagayan ng kalusugan ng isang sanggol at sa sleep environmental factors o posisyon at sitwasyon ng pagtulog nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ilan sa physical factors na may kaugnayan sa SIDS ay ang sumusunod:

  • Pagkakaroon ng brain defect o ang hindi pa mature na portion ng utak ng baby na nagkokontrol sa kaniyang paghinga at paggising mula sa pagtulog dahilan sa hindi maayos na pagana nito.
  • Mababang timbang tulad ng mga premature babies at mga multiple babies ng isilang ay mas mataas ang tiyansa na makaranas ng SIDS. Ito ay dahil hindi pa kompleto ang maturity o development ng kanilang utak na responsible sa kanilang paghinga at heart rate.
  • Pagkakaroon ng respiratory infection tulad ng sipon. Karamihan ng mga namatay na sanggol sa parehong kaso ni Baby Karson ay mayroon ding sipon na dumagdag sa nararanasan nitong breathing problems.

Mga sleep environmental factors na may kaugnayan sa SIDS:

  • Pagtulog ng nakadapa o nakatagilid. Ang mga baby na natutulog sa ganitong posisyon ay mas nahihirapang huminga kumpara sa mga baby na natutulog sa kanilang likod.
  • Pagtulog sa malambot na bagay na nakadapa gaya ng sa malambot na comforter o waterbed ay humaharang sa daanan ng hangin o infant’s airway na nakakaapekto sa kaniyang paghinga.
  • Ang pagtulog sa iisang kama kasama ang magulang, kapatid o alaga ay nakakapagdagdag din ng tiyansa ng SIDS. Bagama’t nakakabawas naman ng tiyansa nito ang pagtulog ng isang baby na may kasama sa isang kwarto.
  • Overheating o ang sobrang init ay maaaring magpataas din ng tiyansa ng SIDS sa isang baby.

Ilan pa sa dahilan na maaaring maging dahilan ng SIDS ay ang sumusunod:

  • Pagkakaroon ng family history na nakaranas din ng SIDS
  • Pagiging premature na kadalasan ding tumatama sa pangalawa o ika-apat na buwan ng isang baby
  • Pagiging passive smoker o ang pagkakalanghap ng second hand smoke.
  • Ina na nanganak sa gulang na mas mababa sa bente anyos
  • Naninigarilyong ina
  • Ina na may bisyo o umiinom
  • Ina na walang maayos na prenatal care noong nagbubuntis

Narito naman ang mga paraan para makaiwas sa SIDS bagama’t hindi pa ito ganap na napatunayan ngunit makakatulong naman para masiguradong ligtas ang pagtulog ng iyong sanggol.

Paano maiiwasan ang SIDS sa sanggol? Mga paraan na maaaring gawin

Image by adiretoriaeventos from Pixabay 

  • Pagpapatulog kay baby sa kaniyang likod at hindi sa kaniyang tiyan o nakatagilid.
  • Iwasan maglagay ng maraming bagay sa loob ng crib ni baby. Iwasan din ang paggamit ng sobrang lambot na matress o comforter para hindi ito mahirapang huminga.
  • Huwag masyadong painitan ang baby. Gumamit ng sleep sack para mapanatili lang siyang komportable at huwag ng magdagdag ng kahit ano pang takip o kumot rito. Huwag tatakpan ang kaniyang ulo.
  • Patulugin si baby sa loob ng iyong kwarto ngunit sa hiwalay na higaan tulad ng crib o bassinet para maiwasan ang suffocation.
  • Pasusuin si baby. Ang pagpapasuso ay nakapagbaba ng tiyansa ng SIDS.
  • Paggamit ng pacifier. Ang pagsipsip ng pacifier habang natutulog si baby ay nakakabawas ng tiyansa ng SIDS. Kung nagpapasuso, hintaying mag-tatlo o apat na linggo muna ang iyong baby bago ito bigyan ng pacifier.
  • Ipa-imunize ang iyong baby para mabawasan ang tiyansa ng SIDS.

 

Source:

Mayo Clinic