Ikaw ba ay naka-pustiso at napapansin mong nagdudulot ito ng bad breath? Don’t worry dahil maiiwasan iyan! Kailangan lang ng tamangdisiplina at kaalaman.
Narito ang mga dapat gawin, ayon sa prosthodontist at orthodontist na si Dr. Aimee Yang-Co na nakausap namin sa launch ng Polident Cleansing Tablet.
Paggamit ng pustiso sa unang buwan
Sa unang buwan, medyo hindi talaga kumportable ang pagsusuot ng pustiso sapagkat nasa adjustment period ka pa lang ng pagsusuot ng pustiso. Ito ang mga dapat asahan kapag ikaw ay nagpapustiso na, ito ay ang mga sumusunod:
- Unang araw: Mahihirapan kang kumain ng mga normal mong kinakain lalo na kung mahilig ka sa karne o medyo matitigas na pagkain. Nangyayari ito sapagkat nag-aadjust pa lang ang iyong gilagid sa pustiso. Maaaring kumain muna ng mga malalambot na pagkain.
- Ikawalang araw hanggang ika-14 na araw: Sa pagkakataong ito maaaring makaranas ng sobrang paglalaway at pananakit ng ilang parte ng gilagid. Subalit huwag mag-aalala sapagkat mawawala rin naman ito sa mga susunod na araw.
- Ika-15 na araw: Mawawala na ang pananakit ng ilang bahagi ng gilagid at mababawasan na rin ang paglalaway subalit maaari ka pa ring mahirapang magsalita ng malinaw at kumain. Kapag hindi pa rin naging kumportable at nakakaranas pa rin ng pananakit ng gilagid sa pagkakataong ito ay mas mainam na makipag-ugnayan sa inyong dentista upang ma-adjust ang iyong pustiso
Benepisyo ng pagsuot ng pustiso
Para sa mga ibang mga nawalan na ng ngipin lalo na sa bandang harapan ay malaking bagay ang pagkakaroon ng pustiso. Sapagkat sa tulong ng pustiso ay maibabalik nila ang kanilang kumpiyansa sa sarili. Kung ikaw ay magsusuot pa lamang ng pustiso narito ang ilang mga benepisyo ng pagsusuot ng pustiso sa iyong buhay. Ito ay ang mga sumusunod:
- Makakapagsalita ng mas malinaw
- Pagkakaroon ng confidence
- Maaari mo nang makain ang mga gusto mong kainin
- Gaganda ang iyong mga ngiti
Pustiso at bad breath
Ayon kay Dr. Aimee Yang-Co, ang pangunahing dahilan kung bakit nagdudulot ng bad breath ang pustiso ay kapag hindi ito nalilinisan ng maayos.
Ito rin daw ang dahilan kung bakit madali itong nasisira o nababasag. Kaya naman para maiwasan ito ay dapat nalilinisan ng maayos ang mga pustiso na patuloy na magbibigay ng magandang ngiti mo.
Tamang paraan para maiwasan ang bad breath dahil sa pustiso
1. Pag-gamit ng denture adhesive
Ang maliliit na piraso ng pagkain na ating kinakain ay maaring maiwan sa denture na pinagsisimulan ng bad breath. At isang paraan para maiwasang ma-trapped ang mga food particles na ito sa iyong denture ay kailangang maayos ang pagkakadikit nito sa iyong gums o gilagid.
Kaya naman malaking tulong ang mga dental adhesive para masiguradong nakakapit ng maayos ang pustiso.
Hindi mo lang mai-enjoy ang pagkain mo sa pamamagitan nito, mababawasan rin ang tiyansa mong magka-bad breath.
Panlinis ng pustiso | Image from Unsplash
2. Paglinis ng denture o pustiso araw-araw
Ang mga pustiso ay dapat nililinis at least once a day. Ngunit hindi dapat gumamit ng toothpaste o dishwashing liquid dahil ito ay maaring makadulot ng scratches sa denture na puwedeng pagsimulan ng plaque build-up.
Kaya naman panatilihin ang paglinis ng pustiso. Ang payo ni Dr. Aimee Yang-Co ay gumamit ng mga denture cleanser tablet o cleaning agent na para talaga sa denture.
Una ay ibabad ang pustiso sa dental cleanser tablet. Ang cleanser tablet ay papatayin ang 99.9% ng odor-causing bacteria sa pustiso. Sunod ay brushin ang natitirang dumi sa iyong ngipin gamit ang soft bristle denture brush.
Isang tip ni Dr. Aimee Yang-Co sa tuwing maglilinis ng pustiso ay siguraduhing nakatapat ito sa isang palanggana na may tubig. Ito ay para sa kung sakaling aksidenteng malaglag ito ay hindi agad mababasag.
Matapos mababad at ma-brushan ay saka banlawan ang denture sa running water o umaagos na tubig.
3. Tanggalin ang pustiso bago matulog
Isa sa laging paalala ng mga dentista ay ‘wag hayaan o iwanang suot ang dentures kapag matutulog. Ito ay makakatulong para maiwasang pamahayan ng bacteria ang bibig at dentures kaya dapat tanggalin ito kapag matutulog. Ito rin ay para mabigyan ng pahinga ang iyong bibig at gilagid.
Panlinis ng pustiso | Image from Freepik
4. Pumunta sa dentista para sa regular check-up
Ugaliin ang panlinis ng pustiso o dentures. ‘Wag itong pabayaan at hayaang maging amdumi. Pumunta sa iyong dentista para matingnan at ma-check ang kondisyon ng iyong pustiso.
Makakatulong ang pagbisita buwan-buwaan sa iyong dentista para mapanatili ang healthy at maayos na dentures. Makakatulong rin ito para masigurong ayos ang fit ng dentures at hindi magdudulot ng discomfort sa may suot nito.
Ilan pang paalala sa pag-aalaga ng denture
Panatilihing moist ang denture kapag hindi ito suot upang hindi matuyo o mabago ang hugis o sukat nito.
Kapag hindi ito suot, ito ay dapat nakababad sa denture cleanser soaking solution o sa tubig. Ngunit, kung may metal attachments ang pustiso ay iwasang ilagay ito sa soaking solution dahil baka mag-tarnish o mangalawang at dumumi.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!