BASAHIN:
Panoorin: Madaling paraan kung paano linisin ang dila ng sanggol
Oral thrush
Ang puti sa dila ng baby ay maaring dahil rin sa oral thrush. Isa sa pangunahing dahilan nito ay ang pagkakaroon ni mommy ng nipple thrush. Ito ay malilipat sa sanggol at magde-develop sa nasabing kondisyon.
Bago magpanic, dapat mong malaman na ang nipple thrush ay very common na kondisyon sa mga newborn at mga older babies. Ito ay dulot ng fungus na kung tawagin ay candida albicans.
Ayon sa mga medical experts mula sa National Health Service UK o NHS, ang fungus na ito ay present sa bibig ng mga malulusog na tao. Hindi naman ito madalas na nagdudulot ng problema. Pero ito’y maaaring dumami o mag-overgrow at maaaring maapektuhan ang mga membranes sa bibig. Dito nagsisimula ang oral thrush.
Ano ang iba pang dahilan kung bakit nagkakaroon ng oral thrush ang baby?
Kung ang iyong sanggol ay nabigyan ng antibiotics kamakailan lang, ang oral thrush ay isa sa mga side effect na kaniyang mararanasan. Ito ay dahil ang level ng good bacteria sa kaniyang bibig ay nabawasan. Kaya naman mas naging mabilis ang pagdami ng fungus dito.
Ayon kay Dr. Pratibha Agarwal, isang consultant pediatrician, tumataas ang tiyansa na makaranas ng oral thrush ang isang sanggol kung mayroong vaginal fungal infection at nag-antibiotics ang kaniyang ina. Ito ay maipapasa sa sanggol sa pamamagitan ng pagsuso sa nipples ng ina na apektado rin ng nasabing impeksyon.