Puwede bang mabuntis pag nagpapadede?

Narito ang sagot ng mga eksperto sa karaniwang tanong o concern na ito ng mga nagpapasusong ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tanong ng mga breastfeeding mom: “Pwede ba mabuntis pag nagpapadede?”

Isa lamang ito sa madalas na concern at tanong ng mga nagpapasusong ina. Lalo na ang mga hindi pa handang masundan ang mga maliliit pang anak nila. Ngunit epektibo at advisable nga bang gawing uri ng birth control ang pagpapasuso?

Pwede ba mabuntis pag nagpapadede? |Larawan mula sa Freepik

Pwede ba mabuntis pag nagpapadede?

Ayon sa reproductive healthcare provider na Planned Parenthood Organization, ang breastfeeding ay isang natural na paraan upang matigil ang katawan ng isang bagong panganak na babae sa pag-oovulate o ang pagre-release ng mature egg cells ng kaniyang mga ovaries. Ang mature egg cells na ito ang nakikipagtagpo sa sperm cells ng lalaki na nagsisimula ng pagbubuntis.

Pero ayon sa pregnancy website na What To Expect, hindi kasiguraduhan ito na hindi na mabubuntis ang isang babae. At ang kanilang sagot sa tanong na pwede ba mabuntis pag nagpapadede ay oo.

“The simple answer is yes. Although breastfeeding offers some protection from ovulation, the monthly occurrence where you release a mature egg from one of your ovaries, it is possible to ovulate and become pregnant prior to getting your first period.”

“Oo kapag hindi eksklusibo ang pagpapasuso.”

Ito ay dahil umano sa tiyansang maaring mag-ovulate ang isang bagong panganak na babae bago pa man dumating ang kaniyang first period.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lalo na kapag siya ay hindi eksklusibong nagpapasuso sa kaniyang sanggol. Ito ang dagdag na pahayag naman ng Planned Parenthood Organization.

Dagdag pa nila, tumitigil lang sa ovulation ang katawan ng isang babae kapag siya ay eksklusibong nagpapasuso. Eksklusibo sa paraang tanging breastmilk lang ang idinedede ng kaniyang sanggol. At ang pagpapasuso ay ginagawa kada 4 na oras sa araw at kada 6 na oras naman sa gabi.

Ang pagpapasuso ay dapat diretso ring ginagawa ng isang ina sa kaniyang sanggol at hindi sa pamamagitan ng pag-pupump ng kaniyang gatas.

Dahil ang exclusive breastfeeding ay nagiging successful lang umano kapag may strong nursing relationship ang ina at ang kaniyang sanggol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Gaano kabilis ka mabubuntis pagkatapos manganak habang nagpapasuso?

Posibleng mabuntis anumang oras mula sa mga tatlong linggo pagkatapos manganak. Ito ay totoo kahit na ikaw ay nagpapasuso at wala ka pang regla.

Maraming kababaihan ang hindi gaanong fertile habang sila ay nagpapasuso, lalo na sa mga unang linggo at buwan. Ito ay dahil binabawasan ng pagpapasuso ang iyong mga antas ng ilang partikular na hormones (gonadotrophin-releasing hormone at luteinizing hormone), na kailangan para sa obulasyon at pagbubuntis.

Kung mas nagpapasuso ang iyong sanggol, mas mababa ang antas ng iyong hormone, at mas maliit ang posibilidad na ikaw ay mabuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung ang iyong sanggol ay wala pang anim na buwan at eksklusibong nagpapasuso araw at gabi, mababa ang iyong pagkakataon na mabuntis.

Paano malalaman kung buntis ang nagpapasuso?

Ang mga sintomas ng pagbubuntis habang nagpapasuso ay maaaring mahirap matukoy lalo na kung ikaw ay nag-aalaga sa isang maliit na bata at ikaw ay nagkakaroon ng hindi regular na mga cycle.

Gayunpaman, ang ilang mga sintomas ng pagiging buntis habang nagpapasuso ay ang mga sumusunod:

  • Missed o late period
  • Pagkapagod
  • Pagduduwal
  • Masakit na dibdib o sore breast

Ang mga sintomas ng maagang pagbubuntis ay halos kapareho din ng PMS, kaya maaari itong magdala ng kalituhan lalo na kung nakakaranas ka ng hindi regular na mga cycle pagkatapos manganak.

Kung nagdududa ka, kumuha ng pregnancy test at kumunsulta sa iyong doktor kung mayroon ka pa ring mga alalahanin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Birth control methods para sa mga nagpapasuso

Maraming kababaihan ang nag-iisip na hindi sila mabubuntis hangga’t hindi sila nagkakaroon ng kahit isang regla. Gayunpaman, ang iyong mga ovary ay maglalabas ng isang itlog bago dumating ang iyong regla. Kaya malamang na maging fertile ka ng hindi bababa sa ilang linggo bago mo mapansin ang anumang mga palatandaan.

Kung alam mong hindi mo gustong mabuntis habang nagpapasuso, pinakamahusay na simulan ang paggamit ng contraception sa sandaling magsimula kang makipagtalik muli. Alamin kung aling mga uri ng pagpipigil sa pagbubuntis ang ligtas na gamitin habang ikaw ay nagpapasuso.

LAM o lactational amenorrhea method

Ang ilang mga kababaihan ay aktwal na gumagamit ng pagpapasuso bilang isang paraan ng birth control. Tinatawag ang birth control method na ito na LAM o lactational amenorrhea method na kasing epektibo raw ng hormonal contraceptives tulad ng pills kung isasagawa ng tama at maayos.

Ngunit ang paggamit sa birth control method na ito ay may hangganan. Ito ay advisable lamang sa hanggang 6 na buwan matapos maipanganak ang sanggol.

Sapagkat pagtungtong nila sa edad na ito ay magsisimula na silang kumain ng solid foods na nagiging dahilan upang matigil na ang exclusive breastfeeding. Samantala, kapag hindi pa dumarating ang menstruation ng bagong panganak na ina na palatandaan na hindi pa siya nag-o-ovulate.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gayunpaman, walang mga garantiya sa LAM. Habang tumatagal ang iyong sanggol sa pagitan ng mga feed, mas malamang na maaari kang mabuntis muli.

Paggamit ng contraceptives upang makasigurado

Kaya naman upang mas masiguro ang hindi pagbubuntis matapos ang panganganak ay mas ipinapayo ng mga eksperto ang paggamit ng mga contraceptive methods.

Ang mga birth control methods tulad ng pills, IUD, injectables at iba pa na safe naman habang nagpapasuso. Dahil ang ovulation ng katawan ng isang babae ay hindi kayang i-predict at ang pagsasagawa ng exclusive breastfeeding ay mahirap i-achieve.

IUD

Isa nga sa inirerekumendang uri ng birth control method para sa mga babae ay ang IUD o Intrauterine devices. Dahil sa ito ay kayang magbigay ng proteksyon mula sa pagbubuntis hanggang sa 12 na taon.

Maaring agad na maibigay sa isang babae matapos maisilang ang kaniyang sanggol at walang epekto sa kaniyang pagpapasuso.

Mayroon itong dalawang uri: ang isa ay tanso at isa pa na naglalaman ng hormone na progestin. Alinman sa isa ay mainam para sa mga nanay na nagpapasuso.

Ang tansong IUD ay walang mga hormone na makakaapekto sa iyong supply ng gatas. Ang isa ay may mababang antas ng progestin, na hindi magdudulot ng mga problema sa iyong supply.

Mas mainam na maghintay hanggang sa iyong 6 na linggong pagsusuri upang maipasok ang iyong IUD. Kung makuha mo ito kaagad pagkatapos ipanganak ang iyong sanggol, may posibilidad na itulak ito ng iyong katawan.

Pills

Ang pag-inom ng birth control pills ay isa ring birth control method na tinatayang 99% effective para makaiwas sa pagbubuntis. Ngunit hindi dapat nakakalimutang inumin ito sa parehong oras araw-araw upang makasigurado. Hindi rin dapat mag-aalala sa epekto nito sa pagpapasuso dahil may mga pills na inirerekumenda ang mga doktor na ligtas para sa mga nagpapasusong ina.

Mayroong dalawang uri ng birth control pills:

  • Pills na may kombinasyon ng hormone na estrogen at progestin
  • Ang iba ay mayroon lamang progestin, tinatawag ito na “mini-pill.”

Maaaring narinig mo na ang ilan ay maaaring hadlangan ang iyong supply ng gatas, na magpapahirap sa pagpapakain sa iyong sanggol. Totoo na ang may ilang mga hormone ay magdulot ng ganoong epekto.

Ang estrogen ay maaaring magdulot ng mas mababang produksyon ng gatas. Kaya kapag sinabi mo sa iyong doktor na nagpapasuso ka, malamang na magrereseta sila ng mini-pill dahil hindi ito makaaapekto sa iyong supply ng gatas.

Kung sa tingin ng iyong doktor ay mas mabuti para sa iyo ang mga kumbinasyong tableta kaysa sa mini-pill, malamang na maghihintay sila ng 5 o 6 na linggo, bago sila magreseta ng isa para sa iyo.

Image from Freepik

Implant

Isa pang uri ng hormonal birth control method na ipinapayo ng mga doktor para sa mga nagpapasusong ina ay ang pagpapalagay ng contraceptive implant na kung tawagin ay Nexplanon.

Ito ay ang rod-shaped device na kasing laki ng isang stick ng posporo na inilalagay sa ilalim ng balat sa braso. Kaya nitong protektahan ang isang babae sa pagbubuntis hanggang sa 4 na taon.

Ngunit kailangan nilang umiwas sa mga gawaing mabibigat o gagamitan ng kanilang puwersa tulad ng pagbubuhat. Dahil sa pamamagitan ng mga ito ay maaring mawala sa pwesto ang implant na maaring mauwi sa komplikasyon.

Injectables

Isa pang opsyon upang masiguro ang hindi pagbubuntis at ligtas sa mga nagpapasusong ina ay ang pagpapainject ng Depo-Provera shot o DMPA.

Ang shot na ito ay sinasabing 97% effective upang maiwasan ang pagbubuntis. Ngunit kailangang ma-ibigay sa isang babae kada 3 buwan para sa mas matibay na proteksyon.

Maliban sa mga nabanggit ay maari ring gumamit ng mga barrier methods tulad ng condom, diaphragm at cervical cap. Bagamat ang mga ito ay mahigpit na ipinapayong gamitin sa wasto at tamang paraan upang maiwasan ang pagbubuntis.

Para sa mga nanay na hindi pa gustong magkaroon ng mga anak na malapit sa edad ng bagong panganak na sanggol, ang eksklusibong pagpapasuso ay maaaring makatulong na maiwasan (ngunit hindi magagarantiya) ang isa pang pagbubuntis kaagad.

Ngunit, kung ikaw ay may edad na oka na o may mga fertility issues na nararanasan at ang oras para s aiyo ay mahalaga, maaaring mahirap pumili sa pagitan ng pagpapasuso at pagsubok muli na magkaroon ng susunod na anak.

Maaaring hindi mo nais na talikuran ang espesyal na relasyon sa pagpapasuso sa iyong anak. Okay lang na magpasuso habang sinusubukan mong mabuntis.

Maaaring gumana ito para sa iyo dahil hindi naman parehas ang kaso ng lahat ng kababaihan. Kaya, kung nagkakaproblema ka o nag-aalala tungkol dito, maaari kang makipag-usap sa iyong doktor o fertility specialist para makuha ang lahat ng impormasyong kailangan mo at gawin ang pinakamagandang plano para sa iyo at sa iyong pamilya.

 

Karagdagan ulat mula kay Matt Doctor

Karagdagang sources:

NaturalCycles, ClevelandClinic

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.