PWD Barbie dolls, pati na rin plus-size at petite, ilulunsad!
Karamihan sa atin ay lumaking kinagisnan ang mga Barbie dolls bilang isa sa mga paboritong manika ng mga bata noon.
Iba-iba man ang kanilang mga suot na damit at accessories, halos iisa lamang ang itsura ng mga Barbie dolls noon – blonde at mahaba ang buhok, kulay asul ang mga mata, maputi ang kulay ng balat, at perpektong ‘hour glass’ ang hugis ng kanilang katawan.
60 taon na mula nang maimbento ang Barbie dolls at kasabay ng mga pagbabagong nangyayari sa lipunan ay sumasabay rin ang Barbie sa mga ito.
Kaya naman sa taong ito, napili nilang itampok ang mga PWD Barbie dolls sa publiko bilang parte ng kanilang misyon na bigyan ng iba’t-ibang representasyon ng kagandahan ang mga kabataan.
View this post on Instagram
A post shared by Barbie (@barbie) on
Bagong manika: Mga Barbie na naka-wheelchair at prosthetic limbs
Ipinakilala ng Mattel ang PWD Barbie dolls bilang parte ng kanilang 2019 Barbie Fashionistas line na Made to Move Collection. Makatutulong umano ito upang malabanan ang stigma na bumabalot sa anumang uri ng kapansanan at para maunawaan rin ng mga bata na walang mali sa pagkakaroon nito.
Ilalabas sa publiko ang naturang mga PWD Barbie dolls sa buwan ng Hunyo kung saan nakasuot ng detachable prosthetic limbs at nakaupo sa wheelchair ang mga manika para sa mas makatotohanang karanasan ng paglalaro.
“As a brand, we can elevate the conversation around physical disabilities by including them into our fashion doll line to further showcase a multi-dimensional view of beauty and fashion,” sinabi ng Mattel sa kanilang statement.
Ang mga nasabing PWD barbie dolls ay ginawa sa pakikipagtulungan ng 13-taong gulang na disability activist na si Jordan Reeves, isang PWD (persons with disability) na ipinanganak na walang kaliwang braso.
Nakipagtulungan din ang Mattel sa UCLA Matter Children’s Hospital para naman sa detalyadong disenyo ng mga wheelchair. Ayon sa Mattel, ang mga barbie doll na naka-wheel chair ang ‘most requested item’ na hiniling ng mga fans.
“While there are many types of wheelchairs, this chair is modeled after one that is designed for an individual who has a permanent physical disability,” ayon sa statement ng Mattel.
Maglalabas rin ang kumpanya ng mga Barbie DreamHouse na may built-in compatible ramp para sa wheelchair ng mga manika.
Positibong tugon sa mga bagong Barbie dolls
Umani naman ng positibong tugon mula sa mga disability activist ang hakbang na ito ng Mattel sa kanilang mga manika.
“It’s symbolic that a big icon of society like Barbie now demonstrates or shows that there are different types of people … [who] can be attractive and something kids want to play with,” sabi ni Curt Decker, executive director ng National Disability Rights Network.
“We want to see ourselves reflected in the culture, toys, products and everything around us,” ani Jennifer Laszlo Mizrahi, presidente ng RespectAbility, isang advocacy group para sa mga taong may kapansanan.
“Barbie joins a number of powerful companies who also understand that marketing, and including, people with disabilities is both the right thing to do and the profitable thing to do.” dagdag ni Mizrahi.
Iba pang bagong Barbie dolls na ilalabas ngayong taon
Ilalabas rin kasama ng mga PWD Barbie dolls ang mga manikang may mas realistic na itsura. Nariyan ang mga manikang may kulot na buhok at may iba’t-ibang body types (mga plus size Barbie dolls at petite Barbie dolls).
Maging ang mga Ken dolls ay mayroon na ring ganitong bersyon.
Parte ito ng kampanya ng Mattel na itampok ang diversity ng mga tao sa pamamagitan ng paglalabas ng mga manikang may iba’t-ibang kulay ng mata at balat, hairstyles, at pananamit.
“Out of it came increased ethnicity, body type — all things we had explored on the brand previously over the past 20 years I’d been here. So we then decided there would be a cadence of revisions done to the brand,” sabi ng vice president ng Barbie design na si Kim Culmone sa isang panayam sa Teen Vogue.
“It is a continuation of our mission to really show all girls they have limitless potential, that it’s not the end. This is just a continuing commitment thats about the present and the future.” dagdag ni Culmone.
Noong 2017 ay naglabas ang Mattel ng kauna-unahang Barbie na may hijab at noong nakaraang taon naman ay mga Barbie version ng mga role model women. Kasalukuyang pina-plano ng Mattel ang paglalabas ng mga same-sex Barbie wedding set para sa LGBTQ community.
Source: CNN, Teen Vogue, USA Today
Images: Barbie Instagram
BASAHIN: Mom creates breastfeeding Barbie dolls and they’re awesome
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!