PWD benefits na P500 at monthly allowance para sa mga Grade 12 students, senior citizens at solo parents, dalawa sa unang ordinasang nilagdaan ni Mayor Isko Moreno para sa mga Manileño.
P500 student, solo parent, senior at PWD benefits para sa mga Manileño
Maliban sa patuloy na paglilinis ng kalakhang Maynila ay may dagdag na magandang balitang hatid ang munisipyo ng Maynila sa mga Manileño.
Dahil kahapon lang, July 25 ay nilagdaan na ni Mayor Isko Moreno ang unang dalawang ordinansa sa ilalim ng kaniyang pamumuno. Ito ay ang Ordinance No. 8564 at Ordinance No. 8565.
Sa ilalim ng Ordinance No. 8564 ay makakatanggap ng P500 monthly allowance ang mga Grade 12 students na nag-aaral sa mga public school.
Habang sa ilalim naman ng Ordinance No. 8565 ay makakatanggap rin ng P500 monthly cash aid ang mga senior citizens, solo parents at persons with disability o PWDs.
Sino ang qualified na makatanggap ng P500 cash aid?
Para sa mga estudyante na gustong makatanggap ng P500 monthly allowance ay kailangan sila ay:
- Grade 12 students na naka-enroll sa isang pampublikong paaralan
- Kailangan rin ay mayroon silang good standing o magagandang grades sa kanilang paaralan
- Sila rin ay dapat bonafide resident at registered voter sa lungsod ng Maynila
- Kung masyado pang bata ang estudyante o wala pa sa legal age ay maari pa rin siyang makatanggap ng allowance basta ang kaniyang magulang o legal guardian ay registered voter ng lungsod
- Samantala, sa ilalim parin ng ordinansa ay maaring ma-disqualify ang estudyante na makatanggap ng montly allowance kung hindi niya matatapos ang buong school year.
Habang para sa dagdag na P500 sa PWD benefits at cash aid para sa mga senior citizens at solo parents ay kailangan ang sumusunod na kwalipikasyon:
- Ang tinutukoy na senior citizen sa bagong ordinansa ay ang mga matatandang may edad na 60 years old pataas. Sila rin ay dapat bonafide resident at registered voter sa lungsod ng Maynila. At kailangan ang kanilang pangalan ay kabilang sa listahan ng Senior Citizen’s Affairs ng Maynila.
- Para naman sa solo parents at PWDs, para makatanggap ng cash aid ay kailangang residente at registered voter sila ng lungsod ng Maynila. At ang pangalan nila ay dapat kabilang sa listahan ng Manila Department of Social Welfare.
Ayon kay Mayor Isko Moreno, ay P1 bilyong budget ng Maynila ang inilaan para ma-sustain ang ordinansa.
Source: ABS-CBN News, Inquirer News
Basahin: Solo parent’s guide: Your rights and privileges
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!