Pakikipagkaibigan sa ex, narito kung bakit hindi ito makakabuti sa isang relasyon

Ikaw payag ka bang makipag-kaibigan ang ex ng asawa o partner mo sa kaniya?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa tingin mo pwede bang maging kaibigan ang ex? Ang ating mga mommies sa theAsianparent community app ay may magkakaibang sagot at opinyon sa tanong na ito. Pero karamihan ang sagot ay isang malaking “NO”. Lalo na kung ang tinutukoy na pagkakaibigan ay sa pagitan ng kanilang partner at ex nito.

Narito ang kanilang mga naging sagot.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Tanong: Pwede bang maging kaibigan ang ex ng partner mo sa kaniya?
  • Sagot ng pag-aaral patungkol sa pagiging magkaibigan ng mag-ex
  • 7 Dahilan kung bakit nagiging magkaibigan pa ang mag-ex

Tanong: Pwede bang maging kaibigan ng partner mo ang ex niya?

“No, what for ‘di ba? Kahit FB friends, BIG NO. Kasi they might still have online encounters haha!”

“Kung before ako dumating friends na sila, ayos lang. ‘Wag lang close😅. In my experience friend ko rin naman mga ex ko. Pero ‘yung bigla na lang gusto niya friends sila, nope ayoko. Haha! Baka may hidden agenda na ‘yun.”

“Siguro casual lang pero ‘di sobrang close.”

“No. Hindi sila pwedeng maging magkaibigan. Kapag sinabi mong kaibigan kase ibig sabihin natatakbuhan mo nasasabihan mo ng mga rants mo sa buhay. Magkakilala na lang sila pero ‘di sila pwede maging magkaibigan.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Hindi for everyone’s peace of mind. Hahaha!”

“It depends po siguro. Alam naman po natin na once we enter having a family we have to be matured persons and that includes prioritizing your family. Now, kung ang purpose ng pakikipagkaibigan kay ex is solely for friendship bakit hindi? But if it means the other way around, better not.”

“Depende siguro sa situation and maturity Level ng both sides. Friendship kami ng ex ko at ng misis niya plus ninang din ako ng first baby nila.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

People photo created by prostooleh – www.freepik.com 

“NO!” Ang sagot ng isang pag-aaral.

Ikaw, anong magiging sagot mo sa nasabing katanungan? Kung hindi pa man buo ang desisyon mo at isa itong isyu na gumugulo sa isip mo, ayon sa isang pag-aaral mabuting hindi na lamang payagan ito.

Sapagkat ang pakikipagkaibigan sa ex ng iyong partner ay mataas ang tiyansang hindi makakabuti sa inyong relasyon. Ito ang natuklasan ng research nina Justin K. Mogilski at Lisa L.M. Welling na pinamagatang “Staying Friends with an Ex: Sex and dark personality traits predict motivations for post-relationship friendship.”

Sa pag-aaral na ito ay tinukoy nila ang posibleng dahilan o motibo kung bakit nagiging magkaibigan pa ang mag-ex. Ginawa nila ito sa pamamagitan ng pagpapasagot ng 348 volunteers sa kung ano ang mga posibleng dahilan kung bakit gusto pang maging magkaibigan ng isang mag-ex.

Sa 153 na nalistang dahilan ng mga volunteers, may pitong dahilan ang nangibabaw at nag-summarize ng lahat. Ang mga dahilan na ito ay ang mga sumusunod na majority ay hindi makakabuti sa isang relasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Kailan nagiging cheating ang chatting? Narito ang sagot ng mga eksperto

STUDY: Mga couples na sabay matulog, mas matatag ang relasyon

How to successfully raise a child as a single parent

7 Dahilan kung bakit nagiging magkaibigan pa ang mag-ex

People photo created by jcomp – www.freepik.com 

  • Reliability/sentimentality. Naniniwala silang reliable, trustworthy at may sentimental value ang kanilang ex.
  • Pagiging praktikal dahil sa mapapakinabangan nila ang kanilang ex tulad ng marami itong pera o koneksyon.
  • Continued romantic attraction. Sila’y may romantic attraction o nararamdaman pa rin sa kanilang ex.
  • Children and shared resources. Mayroon silang anak o parehong pinagdadaanan.
  • Diminished romantic attraction. Nawala na ang romantic feelings nila dito at gusto lang nila itong maging kaibigan.
  • Social relationship maintenance. Pareho sila ng group of friends.
  • Sexual access. Para sa mas mabilis na access sa pakikipagtalik kung nanaisin nila.

Sa mga nabanggit na dahilan, nanguna ang reliability at sentimentality sa mga dahilan kung bakit nagiging magkaibigan pa rin ang mag-ex. Pinaka-least na dahilan naman ang pagiging praktikal o dahil sa mapapakinabangan nila ito.

Habang ang mga sumagot naman na for easy sexual access kaya kinakaibigan pa nila ang kanilang mga ex, majority ay mga lalaki.

Natuklasan din ng pag-aaral na ang mga sumagot na for reliability at sentimentality reasons kung bakit nakikipagkaibigan sila sa kanilang ex ay dahil sobrang nasaktan sila noong sila’y maghiwalay. Ito rin ang dahilan kung bakit nakikipagkaibigan sila sa kanilang ex dahil sa attracted at hindi pa rin sila nakaka-move on dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

People photo created by pressfoto – www.freepik.com 

Maaari pa ring maging magkaibigan ang mag-ex pero dapat ay may limitasyon

Sa kabuuan mula sa resulta ng ginawang pag-aaral, makikita na ang pagkikipagkaibigan sa isang ex ay hindi mabuting ideya kung mayroon ng bagong karelasyon. Sapagkat sa ito’y magpapakumplikado lang sa sitwasyon at maaaring pagsimulan ng problema.

Kung sakali namang ang partner mo ang may kagustuhan nito ay mabuting kausapin at alamin ang dahilan niya. Ito’y para malaman mo ang expectations at nasa isip niya.

Maaaring kasing gusto niya lang na pagaanin ang loob niya at makampanteng wala silang samaan ng loob ng ex niya. Subalit dapat ang friendship nilang ito’y may limitasyon o tapat at may pagrespeto sa ‘yo na bago niya ng karelasyon.

Source:

Psychology Today, Digest, Science Direct, The Asianparent Community

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement