Masayang isipin ang pagkakaron ng pangalawang anak, lalo’t bata pa rin ang mag-asawa. Gusto ng new baby? Sure. Pero ang tanong, handa ka na ba para sa baby number 2? Dalawa man o tatlo, o higit pa ang gustong maging supling, importanteng maging handa ang mga magulang sa pag-aalaga ng panibagong anak.
Madaming mag-asawa ang gusto ng new baby pagkatapos medyo lumaki ang kanilang unang anak. Marahil nami-miss nila ang mag-alaga ng sanggol lalo na kapag sobrang likot na ng kanilang toddler. Ang maganda rin sa pangalawang anak, may mga gamit ka nang nakahanda para sa kanya.
May ilan namang mag-asawa na gusto dahil nais magkaroon ng lalake o kaya ay babae. Wala naman talagang paraan para makakuha ng lalake o babae na anak kaya may ilang mag-asawa na napaparami ang anak para makuha ang kanilang pinakahihiling.
Kaya ngayon na napapaisip ka na dahil gusto mo ng new baby, importante talagang itanong sa sarili mo kung handa ka na ba para sa panibagong journey na ito. Sapat na ba ang kaalaman n’yo na nakuha mula sa pangangay n’yong anak? Madaming dapat i-consider na bagay. Sagutan ang QUIZ na ito para matingnan mo kung gaano ka na kahanda!
BASAHIN: 7 tips para tumaas ang chance na makabuo ng baby boy