Rabies sa baka at baboy? Rabies outbreak naitala sa dalawang bayan sa Marinduque

Isinailalaim sa state of calamity ang dalawang bayan sa Marinduque dahil sa pagdami ng kaso ng rabies. Ang rabies naitala rin sa mga baka at baboy!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isinailalim na umano sa state of calamity ang bayan ng Boac at Buenavista sa lalawigan ng Marinduque. Ito ay dahil sa mataas na kaso ng rabies, na hindi lang naitala sa mga aso at pusa kundi maging sa mga baka at baboy.

Rabies outbreak, pati mga baka at baboy apektado?

Ayon sa report ng GMA News, sinabi umano ni Provincial veterinarian Josue Victoria na dalawang tao na ang namatay sa Marinduque nang dahil sa rabies. Bukod pa roon ang 89 kaso ng rabies sa mga aso na naiulat kung saan ay 42 sa mga ito ang nagpositibo sa laboratory testing.

Larawan mula sa Shutterstock

“Nag-start ‘yung outbreak sa Boac, ‘yung capital town. Nag-spill over na ito sa bayan ng Gasan. Nag-spillover na rin ito doon sa northern part, ‘yung bayan ng Mogpog. And meron na ring mga cases sa, mabilis ‘yung pagkalat ng rabies sa bayan ng Buenavista,” saad ni Victoria.

Nagsagawa na ng animal disease investigation ang Department of Agriculture mula pa noong Setyembre nang mamatay ang isang 16-anyos.

Sa rabies outbreak na ito, hindi lang aso at pusa ang apektado kundi maging baboy at baka.

Ayon sa report ng Philstar, hindi bababa sa anim na baboy, dalawang baka at isang usa ang naiulat na tinamaan na ng rabies sa Marinduque.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

Hindi naman daw nakahahawa ang rabies ng usa. Pero posible kasing mapasok ng asong gala o stray dog ang kanilang wildlife sanctuary. At magresulta ng pagkalat ng rabies sa iba pang hayop.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nitong nakaraang linggo, nagsabi ang Department of Agriculture na babakunahan na ang 40 hanggang 50% livestock. Pati na rin ang mga aso’t pusa sa Marinduque. Ito ay upang masugpo ang pagkalat ng rabies sa mga baka at baboy, gayundin sa iba pang hayop.

Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala, ayon pa sa report ng Philstar, sinabi umano ng Department of Health na ang sino mang makakain ng karne ng baka o baboy na may rabies ay nararapat na magpakonsulta agad sa doktor.

“It is best to consult your nearest doctor or emergency room for proper guidance. Rabies is transmitted through bites, scratches, or licks from infected animals,” saad ng DOH.

Ano nga ba ang sintomas ng rabies? Maaaring basahin ang article na ito: Rabies: Sanhi, sintomas, at paraan para maka-iwas dito

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan