Ilang araw bago lumabas ang sintomas ng rabies sa tao? Alamin dito pati na ang iba pang mahahalagang impormasyon tungkol sa rabies na nakamamatay.
Ang rabies ay isang nakakamatay na virus mula sa laway ng mga hayop na mayroon nito. Ito ay napapasa sa tao dahil sa kagat.
Kapag ang isang tao ay nakitaan na ng mga unang sintomas ng rabies sa tao treatment o sintomas ng rabies, kadalasan ay nasa panganib na ang buhay nito.
Dahil rito, ang mga nasa panganib na mayroong rabies ay dapat agad makakuha ng bakuna para sa proteksyon.
May naiulat patungkol sa 24-anyos na lalaki na kinilalang si Renan Valsote mula sa Brgy. Bual Norte, Midsayap, North Cotabato.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano nga ba ang rabies?
- 14 na sintomas ng rabies
- Ano dapat gawin pag nakagat o nakalmot?
Si Valsote raw ay nakagat ng asong gala. Ngunit, sa halip na magpunta sa doktor, siya ay lumapit sa albularyo para magpagamot.
Naging madalas ang kanyang lagnat, nagsusuka at nakararamdam ng sobrang sakit ng katawan.
Patuloy lumala ang kanyang kalagayan at nadala pa sa ospital. Ngunit, kumalat na ang rabies sa kanyang katawan na ikinamatay niya.
Ano nga ba ang rabies?
Larawan mula sa iStock
Ang rabies ay isang viral na sakit, madalas na mailipat sa pamamagitan ng kagat ng isang hayop. Ang rabies virus ay naililipat sa isang mammal sa pamamagitan ng paggakat o kaya naman pagkalmot. Umaakyat ang rabies papunta sa utak na sanhi ng pagkakamatay ng isang tao o hayop nakagat ng asong may rabies.
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention o CDC, kada taon ay may naiuulat na namamatay dahil sa rabies; na galing sa mga hayop hindi lamang sa aso kundi pati sa paniki, raccoon, skunks, at foxes, bagaman ang anumang mammal ay maaaring makakuha ng rabies.
Paano nakakaapekto ang rabies sa iyo?
Larawan mula sa iStock
Pagkatapos makagat ng asong may rabies o iba pang hayop na may rabies virus, ay maglalakbay na ang rabies papunta sa sa utak. Wala munang makikitang sintomas kapag nakagat pero unti-unti kapag papalapit na ito sa utak ay lalabas na ang mga sintomas.
Sa ilang pagkakataon hindi lumalabas o nagpapakita ang sintomas ng rabies. Maaaring tumagal ito ng ilang linggo o buwan.
Iba-iba ang bilis o pagpapakita ng sintomas ng rabies depende sa kung saang parte ng katawan nakagat. Kapag malapit sa ulo nakagat kagaya sa kamay ay mas mabilis ang pag-akyat ng virus.
Larawan mula sa iStock
Isa sa mga unang sintomas ng rabies ay maaaring maging katulad ng sa trangkaso, panghihina ng katawan, lagnat, o sakit ng ulo. Ang mga sintomas na ito ay maaaring tumagal ng ilang araw.
Maaari ring magkaranas ng hirap sa paghinga o isang prickling o pangangati sa lugar ng kagat. Mararanasan ang mga matinding sintomas katulad ng cerebral dysfunction, pagkabalisa, at pagkalito kapag nagdaan pa ang ilang araw.
Habang nagpo-progress ang rabies virus sa katawan ng tao, maaari rin siyang makaranas ng delirium, abnormal na pag-uugali, guni-guni, hydrophobia (takot sa tubig), at hindi pagkakatulog.
Ilang araw bago lumabas ang sintomas ng rabies sa tao
Ang sintomas ng rabies sa tao ay karaniwang lumalabas mula 1 linggo hanggang 3 buwan matapos ang pagkakagat o pagkakalapat ng laway ng isang infected na hayop. Gayunpaman, maaaring magbago ang tagal na ito depende sa ilang factors, tulad ng kung gaano kalapit ang pagkakagat sa utak o spinal cord, pati na rin ang uri ng hayop na kumagat.
Sa mga kaso kung saan mabilis ang pagpapakita ng sintomas, maaaring magpakita ang mga unang palatandaan (tulad ng lagnat, pananakit, at pamamanhid sa lugar ng kagat) sa loob ng ilang araw hanggang linggo matapos ang exposure. Kung hindi maagapan, maaaring magtuloy-tuloy sa seryosong sintomas tulad ng pagkalito, agresibong behavior, at paralysis, at sa kalaunan, ang pagkamatay.
Ang matinding pagtama ng rabies ay tatagal lamang 2 hanggang 10 araw. Kapag lumabas na ang mga sintomas ng rabies ay ibig sabihin fatal na ito at nakakamatay na. Samantala, nasa 20 na kaso lang ng human survival ang naitala mula sa rabies.
Tandaan na iba-iba ang maaaring lumabas na sintomas sa iba’t ibang tao. Minsan pa nga ay hindi agad makakaranas ng sintomas.
Kaya naman nirerekomenda na kapag nakagat ng aso o anumang hayop agad na ipakonsulta ito sa doktor at magpabakuna ng anti-rabies
Larawan mula sa iStock
14 na sintomas ng rabies: Unang sintomas ng rabies sa tao treatment
Ang mga paunang sintomas ng rabies ay tulad ng sa trangkaso. Maaari itong magtagal ng ilang araw. Ang mga pahuling sintomas ay:
- Lagnat
- Sakit ng ulo
- Pagkahilo
- Pagsusuka
- Agitasyon
- Pagkabalisa
- Pagkalito
- Hyperactivity
- Hirap sa paglunok
- Sobrang paglalaway
- Takot sa tubig
- Hallucinations
- Hirap sa pagtulog
- Bahagyang paralysis
Mga sanhi
Ang rabies virus ay nakakalat sa laway ng hayop na mayroon nito. Naipapasa ito sa tao sa pamamagitan ng pagkagat sa ibang hayop o sa tao.
Maaari rin itong maipasa sa pamamagitan ng pagdila ng infected na hayop sa sugat, mata o bibig ng ibang hayop o tao.
May ilan ding kaso na naipasa ang virus sa pamamagitan ng tissue o organ transplant mula sa tao na infected nito.
Kailan magpapakonsulta sa doktor?
Pumunta agad sa ospital kapag nakagat ng hayop o kaya ay may kasamang hayop na hinihinalang mayroong rabies.
Kahit hindi sigurado kung nakagat, makakabuting magpakonsulta sa duktor. Base sa pangyayari, maaaring mapag-usapan ninyo ng iyong duktor ang mga kailangang gawin upang magamot o maiwasan ang rabies.
Mga paraan upang maka-iwas sa rabies
Larawan mula sa iStock
- Bakunahan ang mga alaga. Ang mga aso, pusa at daga ay maaaring bakunahan ng anti-rabbies. Magpa-konsulta sa mga veterinarian kung kai-kailan dapat pa-bakunahan ang alaga.
- Bantayan ang mga alaga. Maaaring ipanatili ang mga alaga sa loob ng bahay o kaya naman ay bantayan sila kapag nasa labas. Makakatulong ito na malayo sila mula sa mga hayop na may rabies.
- Huwag lumapit sa mga hayop na gala. Ang mga hayop na gala na may rabies ay tila hindi takot sa tao. Hindi normal sa mga hayop na gala ang mawalan ng takot sa tao kaya mas makakabuting huwag itong lapitan. Maaari rin itong i-report sa awtoridad upang walang ibang mahawa.
- Magpabakuna kapag pupunta sa ibang lugar. Kung may pupuntahan na ibang lugar, lalo na mga bansa na karaniwan ang rabies, maaaring magpakonsulta sa duktor kung kakailanganin ng bakuna sa rabies. Kasama dito ang pagpunta sa mga lugar na mahirap makakuha ng mga medikal na pasilidad.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!