Rabiya Mateo patuloy ang paghanap sa ama: “Wala talagang bitterness in my heart.”

Rabiya may panawagan sa ama at sa mga taong posibleng nakakakilala dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Rabiya Mateo hindi parin tumitigil sa paghahanap sa kaniyang ama.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Patuloy na paghahanap ni Rabiya Mateo sa amang inabandona sila ng kaniyang ina at kapatid.
  • Panawagan ni Rabiya para sa kaniyang ama.

Patuloy na paghahanap ni Rabiya Mateo sa kaniyang ama

Larawan mula sa Instagram account ni Rabiya Mateo

Hindi parin tumitigil ang beauty queen na si Rabiya Mateo sa paghahanap sa kaniyang ama. Matatandaang isa ito sa mga hangarin ni Rabiya kung bakit siya sumali sa Miss Universe Philippines noong taong 2020.

Base sa kuwento ni Rabiya, maliit pa siya ng iwan sila ng ama. Ito ay nangyari ng biglaan at tanging ang ina niya lang ang nagtaguyod sa kanila ng kapatid niya.

Mula daw noong umalis ang ama ng limang taong gulang palang si Rabiya ay hindi niya na ulit ito nakita. Kaya naman sa tulong ng pagsali sa Ms. Universe ay inisip niyang mas mapapadali ang paghahanap niya rito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero halos dalawang taon narin ang nakalipas mula ng makilala si Rabiya, hanggang ngayon ay hindi parin sila nagkikita ng kaniyang ama.

Sa kabila nito si Rabiya, hindi parin umano tumitigil at nawawalan ng pag-asa na ito ay mangyayari pa. Sa katunayan, si Rabiya patuloy umano sa pag-iipon para makapunta sa Amerika para siya mismo ang maghahanap sa tatay niya.

“I wanna really look for him. Kaya isa rin yun sa goal ko talaga that’s why I want to save money. I wanna really go to the US, to Chicago to look for him. Cause I know he’s not getting any younger then ayokong magkaroon ng regrets sa buhay ko that I didn’t try.”

Ito ang sabi ni Rabiya sa panayam sa kaniya ng showbiz reporter na si Nelson Canlas.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Rabiya hindi galit sa ama sa kabila ng pang-iiwan sa kanila nito ng kapatid niya at ina

Paliwanag pa ni Rabiya, kahit iniwan sila ng ama hindi ito nawala sa isip niya. Ito nga daw ang naging inspirasyon niya para magtagumpay siya sa buhay. Dahil malayo man sa isa’t isa at hindi niya ito nakikita ng matagal na, hindi nawawala dito ang pagmamahal niya bilang ama.

“My dad is always a part of me kahit hindi ko lumaki na kasama siya. He’s always been my source of inspiration na gagalingan ko, pagbubutihan ko para kapag nakita niya ko, sasabihin niya na ‘yang anak ko kahit pinabayaan ko ‘yan, she turned out to be to do well sa buhay. Mahal ko talaga yung daddy ko. I really love him.”

Pag-amin ni Rabiya, masakit para sa kaniya at syempre sa ina at kapatid niya ang pag-iwan ng ama. Pero wala daw siyang nararamdamang bitterness dito. Hindi rin siya galit. Sa katunayan kung makita niya daw ang ama ay yayakapin niya ito. Si Rabiya very positive na mangyayari ang tagpong ito.

“In my mind alam ko na magkikita pa kami ng daddy ko. I know in my heart. At pag nangyari yun wala talagang bitterness in my heart. Like yayakapin ko lang talaga siya. Mamahalin ko lang tatay ko ng buong puso.”

Kahit daw ang ina niya, kuwento ni Rabiya ay hindi parin nawawalan ng pag-asa na makikita pa nila ulit ang kaniyang ama. May tanong man sa kung bakit iniwan sila, hindi na ito ang priority ni Rabiya na malaman. Ang nais niya lang makita ito at maiparamdam dito ang pagmamahal niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I know kahit masakit iniwan niya kami kasi may rason siya. Actually ayoko na ngang marinig yung rason na yun ang gusto ko lang malaman e kung ok siya, safe siya at kung kailangan niya ako bilang anak. I’m gonna be there to serve him.”

Ito ang sabi pa ni Rabiya.

Panawagan ni Rabiya para sa kaniyang father

Larawan mula sa Instagram account ni Rabiya Mateo

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pa niya sa ngayon, ang mayroon lang siya ay ang pangalan at birthday ng ama. Ganoon rin ang huling lugar kung saan ito nakita. Wala siyang bagong larawan nito.

Ang tanging naiwan lang na alaala kay Rabiya ng ama ay ang larawan nilang magkasama noong baby siya. Bukod dun ay wala na siyang alam pa. Pero hindi ito dahilan para panghinaan at itigil niya ang paghahanap sa ama.

Kung sakali nga daw may nakakakilala dito, ito ang panawagan ni Rabiya.

“If somebody knows Syed Mohammed Abdullah Moqueet Hashmifrom Chicago, you have a daughter here in the Philippines. My name is Rabiya. You named me.”

“I hope that you are okay. I hope that you are doing very well. If you need somebody, if you need me I’m just here. I’m waiting for you.”

Ito ang mensahe pa ni Rabiya sa amang matagal niya ng hinahanap at inaasahang makikita pa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement