X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

LOOK: Rachel Peters took snaps of her body 8 months after giving birth

5 min read

Mapapa-sana all ka nalang sa sexy at fit na katawan ni Rachel Peters, 8 months postpartum o matapos niyang manganak. Pero ang dating beauty queen hindi lang daw basta pagbabalik alindog ang goal kaya niya ito ginawa.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Rachel Peters postpartum body
  • Karanasan ni Rachel Peters bilang isang first time mom

Rachel Peters postpartum body

LOOK: Rachel Peters took snaps of her body 8 months after giving birth

Larawan mula sa Instagram account ni Rachel Peters

Sa Instagram ay ibinida ng dating beauty queen na si Rachel Peters ang katawan niya ngayon. Siya ay 8 months ng nakapanganak sa panganay nila ni Camarines Sur Governor Migz Villafuerte na si Kaia Rose.

Si Rachel proud na siya ay back to her old self again. Maliban pa dito ang pagiging fit sa tulong ng kaniyang coach ay nakatulong din daw na maiwasan ni Rachel ang postpartum depression.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Rachel Peters (@rachelpetersx)

“Feeling like myself again! Photos are 2 vs 8 months postpartum and I’m pretty freakin’ proud of myself. But beyond the physical changes, working with coach Pat has done so much more for my mental health.”

Ito ang bahagi ng post ni Rachel Peters tungkol sa kaniyang postpartum body.

rachel peters postpartum

Larawan mula sa Instagram account ni Rachel Peters

Dagdag pa ni Rachel ang kaniyang pagwo-workout at pagiging fit ay hindi lang basta para ibalik ang dati niyang katawan. Ginawa niya daw ito para sa kaniyang anak na si Kaia na lumalaki at bumibigat na.

“I workout not with the goal of going back to my pre pregnancy weight or measurements. But to be the healthiest, strongest (necessary cuz Kaia is getting heavy!!!) version of myself for my daughter.”

At para nga daw magawa ito, sabi pa ni Rachel ay naging malaking tulong ang pagkakaroon ng coach at schedule na masusunod mo. Dagdag pa ang kagustuhan niyang ulit na masuot ang mga dati niyang damit.

 “It’s really all about consistency and having a coach plus a schedule to hold you accountable has been the key for me.”

“Being able to fit into some of my clothes again has also been motivation because I hate spending money. Hahaha”

Ito ang sabi pa ni Rachel sa kaniyang IG post.

rachel peters at migz villafuerte

Larawan mula sa Instagram account ni Rachel Peters

Karanasan ni Rachel Peters bilang isang first time mom

Sa hiwalay na IG post sinabi rin ni Rachel na maliban sa pagiging beauty queen at pagre-represent sa bansa, mas binibigyan niya daw ng honor sa ngayon ang pagiging isang ina.

“Things didn’t go as planned for us then but now as I hold my baby in my arms and have taken on another great challenge & have been given the greatest honour of being this girls mum, I’ve never been so sure that everything happens for a reason.”

Ito ang sabi pa ni Rachel.

Marami rin daw pagbabago sa buhay niya ang naidulot ng pagiging isang ina, ayon kay Rachel. Isa na nga rito ang walang tigil niyang pagpipicture sa anak niya na nakaubos na ng phone storage niya.

“My phone storage is almost full and I get a headache every night from scrolling through all 10,000 photos & videos I’ve taken of her because I miss her while she sleeps.”

Ito ang natatawang sabi pa ni Rachel.

Hindi man daw siya makasuklay ng maayos dahil sa busy kakaalaga ng kaniyang anak, wala daw reklamo si Rachel na siya ngayon ay isang certified mommy na.

“Crazy hair morning- have brushed mine and cut off her little dreadlock (which I named Bob) since this photo was taken. I think I’m doing okay at this whole motherhood thing.”

rachel peters baby

Larawan mula sa Instagram account ni Rachel Peters

BASAHIN:

Weight gain during pregnancy: How quickly will you gain weight during pregnancy

Angeline Quinto nilalabanan antok para alagaan si Sylvio: “Kinukurot ko na ‘yong sarili ko para magising.”

Iya Villania nagpayo sa mga mommies tungkol sa postpartum workout: “Please wait until bleeding subsides.”

Matatandaang noong nakaraang taon inanunsiyo nila Rachel at Migz sa kanilang vlog na sila ay magkaka-baby na. Sabi noon ni Rachel, ang pagiging isang ina ay talaga nga naman daw pinangarap niya.

“There is nothing that I wanted more in this world than to become a mother.”

Ito ang pahayag ni Rachel sa kanilang vlog.

Kuwento pa nila Migz at Rachel, hindi naging madali ang journey ng kanilang pagbubuntis.  Para ito ay maging posible ay kinakailangan umanong dumaan ni Rachel sa iba’t ibang blood test, check-ups at treatment upang mabalanse ang kanyang hormones at makapagdalang-tao. Matapos nga ang isang taon sa paggawa ng mga ito ay nabuntis si Rachel na talaga nga namang inaasam-asam nila.

Kung babalikan nga ang kanilang journey ay hindi nila umano maiwasang magpasalamat at maging grateful sa kanilang baby.

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

“We are incredibly grateful for this blessing that’s come at such a crazy time in the world and we’re so excited to see what the future has in store for us,” dagdag pa ni Rachel.

Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Rachel Peters took snaps of her body 8 months after giving birth
Share:
  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.