Rachelle Ann Go ibinahagi kung paano niya tinatandem breastfeeding ang dalawa niyang anak na sina Lukas at Sela.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Rachelle Ann Go on tandem breastfeeding.
- Paano ba masisigurong mapapasuso mo ng maayos ang iyong anak habang nagtratrabaho?
Rachelle Ann Go on tandem breastfeeding
View this post on Instagram
Sa Instagram ay ibinahagi ng singer na si Rachelle Ann Go ang struggle ng pagpapasuso sa dalawa niyang anak. Si Rachelle nagtatandem breastfeeding sa mga anak na sina Lukas, 2yo at Sela na 4 months old na sa ngayon. Sa larawan nga na kalakip ng IG post ni Rachelle ay makikita kung paano niya napagsasabay ang pagpapasuso sa dalawa ng anak. Pero si Rachelle, bilang isang working mom ay sinusubukan ring balansehin ang kaniyang oras sa pagpapasuso at pagtratrabaho.
Base sa caption ng kaniyang post, ay dapat nasa rehearsals na siya ng Hamilton International Tour niya sa New York. Pero ang mga anak niyang sina Sela at Lukas ay hindi pa ready na mag-let go sa kaniyang suso at ini-enjoy pa ang liquid gold na taglay nito.
“So so so… We are all supposed to be in NYC now for the rehearsals of @hamiltoninternationaltour but these 2 are not ready to let go of me yet. 😅”
Ito ang bahagi ng post ni Rachelle.
Ayon pa sa kaniya, sinusubukan niya ring sanayin si Baby Sela na dumede ng gatas niya sa bote. Kaya naman nagpupump rin siya para sa oras na may performance siya ay maka-adjust agad si Sela at maarin maiwan sa kaniyang mister na si Martin Spies.
Larawan mula sa Facebook acount ni Rachelle Ann Go
“I love nursing them but I’ve been trying to pump too to increase my milk supply and take a break!!! I tried giving Sela my milk in a bottle so when we get to Manila and I’m on stage Martin won’t have a hard time. She has been drinking it so hooray!”
Ito ang pagbabahagi pa ni Rachelle.
Paano ba masisigurong mapapasuso mo ng maayos ang iyong anak habang nagtratrabaho?
Hiningi rin ni Rachelle ang advice ng mga netizens moms pagdating sa breastfeeding at work. Ito ang tanong ni Rachelle na nakatanggap ng mga sagot based on experience ng mga followers niya.
“To all the working mamas out there, how do you do it? Do you pump at work? Where do you store it? Should I just bring Sela at the theatre and feed her whenever I can? Hahaha I have so many questions! oh well…Everything’s gonna be fine. 🙏🏽”
#poordedes #breastfeeding #worldbreastfeedingweek
Larawan mula sa Facebook acount ni Rachelle Ann Go
Sagot ng ilang netizen mas mabuting mag-pump nalang si Rachelle ng kaniyang breastmilk habang nasa trabaho at store ito sa isang freezer o kaya naman ay cooler.
“I used to tandem pump every 3hrs at work, I bring along a cooler with lots of ice bags to store my milk. When I get home, I then freeze them and direct latch my daughter (after a quick warm shower).”
Habang may iba namang nakapagsabi na dalhin niya nalang sa trabaho ang kaniyang baby na si Sela. Para naman on the spot kung puwede niya itong padedein ay magagawa niya. Mahirap lang daw, pero kakayanin naman.
“I bring my babies at work so i feed them whenever i can.. glad we have a bedroom at my workplace where my kids stays. Mahirap pero kinaya naman. 👍🏼”
Ikaw mommy nasubukan mo narin bang mag-tandem breastfeeding? O kung working mom ka, paano mo nasisigurong exclusively breastfed ang iyong baby? Ano pa man ang iyong style o strategy, saludo kami sayo mommy!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!