Rachelle Ann Go at husband nitong si Martin Spies, may special announcement para sa kanilang fans. Bago matapos ang November, inanunsyo ng singer na siya’y magiging mommy na next year! Is it a boy or a girl?
Mababasa sa article na ito ang:
- Pregnancy reveal ni Rachelle Ann Go at Martin Spices
- Early signs ng pregnancy
Rachelle Ann Go and husband, Martin Spies expecting first child
“New season in the Spies family!” ito ang pambungad na vlog ng singer-theater actress na si Rachelle Ann go kasama ang kaniyang husband na si Martin Spies. Inipasilip nila ang sweet moments as a couple at mapapansin ang baby bump ng singer. Yup, you heard it right! Inaasahan ang kanilang first baby next year, March.
“Surprise, it’s finally here! No more hiding secret. We’re so excited to tell you all about our 2020, which was undoubtedly, and quite literally, a rollercoaster of ups and downs! Martin and I are very happy and excited to share this wonderful new chapter of our lives with you all.”
Matatandaan na ikinasal sina Rachel at Martin noong April 18, 2018 via beach wedding sa Boracay. Kasalakuyang naka-based si Rachelle sa London kasama ang kaniyang asawa (at growing family!)
“It feels surreal.”
Mapapansin sa vlog na hindi maalis ang excitement sa mukha ng dalawa sa first doctor’s appointment ng prenatal scan ni Rachelle noong August 21, 2020. “We are so grateful for this new season. I can’t believe it, I’m going to be a mama.” pagbabahagi ng aktres dahil hanggang sa ngayon ay labis ang kaniyang pagkatuwa sa blessing na dumating sa kanila.
Nabanggit ng singer na hindi na niya kailangang itago pa ang kaniyang baby bump.
“Yes, finally we are expecting! And also I don’t need to hide my tummy anymore. We are so grateful for this new season, this new blessing.”
Para naman sa gender ng kanilang baby, hindi muna nila ito sasabihin sa publiko para manatiling surpresa. Malalapit na kaibigan at kamag-anak lang nila ang nakakaalam kung boy o girl ang kanilang first baby. “You guys will know next year na, ‘pag labas na [ng] baby.”
“The process of sharing it with the family was amazing. I’m very excited. Keep us in your prayers as Shin’s pregnancy continues.”
Ito naman ang hiling ng soon-to-be daddy na si Martin.
Again, Congrats Rachel and Martin!
5 early signs ng pregnancy
1. Labis na pagkapagod
Maraming mga babae ang nag-aakalang buntis sila kapag lagi silang nakakatulog kapag 3 PM ng hapon. Kung ikaw ay puyat sa gabi, maaaring ito ang dahilan. Subalit kung ikaw naman ay may sapat na pahinga at dinadalaw ka na ng antok bago ang dinner time, maaaring ikaw nga ay buntis.
Payo ng NSW Health, ugaliing matulog ng mga buntis nang nakatagilid para maiwasan ang stillbirth dahil maraming ebidensya na “sleep position can halve the risk of a late-pregnancy stillbirth.”
2. Mood swings
Maraming babae ang nakakaranas ng mood swings sa unang mga araw ng kanilang pagbubuntis. Uulitin natin, ang pagbabago ng level ng hormones ng mga babae ang dahilan nito at natatagpuan na lang ang sarili na umiiyak sa pinapanood na basketball at nagagalit sa cooking show.
Ito ay isang sintomas ng buntis at masasabing normal. Ngunit kung ika’y nakakaranas na ng kakaiba, kailangan mo nang magpatingin sa eksperto.
BASAHIN:
Aicelle Santos, ibinagi ang maternity photos plus gender reveal ng kaniyang baby
Ryza Cenon sa usapang pagpapakasal kay Miguel: “Masyado pang maaga.”
Isabel Oli-Prats: “Sobrang hirap talagang mabuntis at manganak during pandemic.”
3. Pagiging sensitibo ng nipples
Maraming babae ang nakakaranas ng pagiging sensitibo ang kanilang nipples dahil sa pagtaas ng kanilang hormones, estrogen at progesterone. Sa early pregnancy, ang suso ng babae ay nagsisimulang magkaroon ng extra fat at milk ducts dahilan para lumaki ito at nagiging sensitibo. Ang areolas ay nagiging maitim na nakikita sa unang linggo nito.
4. Cramps
Ito naman ay mahirap na sintomas. Maaari kasing ito ay pagkamalan na padating na ang iyong period. Ang ibang babae ay nakakaranas ng mahinang cramps sa unang week ng conception. Maaaring ito’y dahil sa implantation, paglaki ng uterus, o kaya naman sa corpus luteum cyst na naglalabas ng progesterone hanggang ang placenta ay umabot ng 12 weeks. Kung ikaw ay nag-aalala, ‘wag mahiyang magpatingin sa eksperto.
5. Pagkahilo
Parte rin ng morning sickness and pagkahilo at pananakit ng ulo. Ngunit kung ikaw ay hindi nakakaranas ng nausea pero pakiramdam mo ay gumagaan ang iyong ulo? Baka ikaw ay buntis na. Ito’y may kaugnayan sa pagtaas ng blood supply at pagbabago ng takbo ng circulatory system nila. Kasama na rito ang pagbaba ng blood sugar bilang early sign ng pregnancy.
Ang pagkain ng kaunti subalit madalas at pagsusuot ng komportableng damit ay isang magandang paraan para mabawasan ang pagkahilo. Kung nakakaramdam ka na ikaw ay mawawalan ng malay, humiga lang at humingi ng tulong medikal.