Randy Santiago naiiyak nalang sa tuwing nangungulila sa pumanaw niyang anak na si Ryan.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Randy Santiago sa pangungulila sa pumanaw na anak.
- Dahilan ng pagkasawi ng anak ni Randy.
Randy Santiago sa pangungulila sa pumanaw na anak
Talaga nga namang napakahirap sa isang magulang na mawalan ng anak. Ito ang ibinahagi ng singer na si Randy Santiago sa isa sa kaniyang latest na panayam. Nang matanong kung anong ginagawa niya sa tuwing naalala ang nasawi niyang anak na si Ryan, sagot ni Randy ay iniiyak niya nalang ito. Saka sinusundan ng dasal na sana ay bantayan nito ang kanilang buong pamilya.
“Kapag naghahanap ka ng mga pictures, makikita mo ang anak mo ‘di ‘ba. Tapos ‘di lang pictures, pati yung mga videos, biglang malulungkot ka na lang. Lalo na noong may sakit siya.”
Ito ang pagbabahagi pa ni Randy sa panayam sa kaniya ng veteran talkshow host na si Boy Abunda.
Dagdag pa ni Randy, kahit pitong taon na ang nakakaraan ay masakit parin daw alalahanin ang pagkawala ng anak niya.
“Seven years na ‘yan. Pero andon pa rin yung kirot. Masakit.”
Ito ang sabi pa ni Randy.
Dahilan ng pagkasawi ng anak ni Randy
Ang anak ni Randy na si Ryan ay nasawi noong 2017. Ito ay dahil sa sakit na rare brain disease at multiple sclerosis. Si Ryan ay pangalawa sa tatlong anak ni Randy at misis niyang si Marilou Coronel. Pumanaw si Ryan sa edad na 24-anyos.
Si Ryan ay may very active lifestyle at mahilig magwork-out sa gym. Kaya naman laking gulat ng kaniyang pamilya ng biglang bumigay ang katawan nito dahil sa taglay na sakit.
Larawan mula sa Instagram account ni Randy Santiago
Si Ryan ay malapit na kaibigan rin ng panganay na anak ni Marjorie Barretto na si Dani Barretto. Isa ito sa nagpahayag ng kaniyang kalungkutan sa biglaang pagkawala noon ni Ryan.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!