Noong nakaraang linggo, nagkaroon ng tell-all interview ang celebrity stylist na si Liz Uy sa Philippine Star. Sinagot niya rito ang mga katanungan sa kaniyang pagbubuntis, panganganak, at tatay ng kaniyang anak—si Raymond Racaza. Nabanggit sa panayam na hiwalay na si Raymond sa wife nito nang makilala niya ito noong February 2017. Ilang buwan matapos silang nagkakilala, nagkaroon daw sila ng relasyon. Ayon din sa artikulo, annuled na si Raymond at ang asawa niyang si Dr. Geraldine “Ging” Zamora-Racaza.
Matapos lumabas ang kontrobersyal na panayam, hindi naringgan ng pahayag si Dr. Ging tungkol dito. May isang netizen na nagtanong sa kaniya kung nabasa niya ang artikulo, sinagot naman ito ng duktora ng, “Unfortunately yes,” sa kaniyang Instagram account.
Kahit tikom ang bibig ng duktora, nagpahayag naman ng saloobin ang kaniyang kaibigan na si Doray Delarmente, isang councilor, tungkol sa isyu sa isang Facebook post.
Ging “broke down”
Ikinuwento ni Doray na matagal na silang magkakilala ni Ging, mula pa nang maging mag-kaklase sila sa pag-aaral ng medisina. Matalinong babae daw ang duktora at parati itong valedictorian ng klase.
“She is a very sweet, soft spoken and kind person. She would put others first before herself. For her patients, she would go above and beyond her duty as a physician. Ask anyone who has encountered her in PGH, and they would say ‘walang masamang tinapay’ kay Dra. Ging.”
Nagsulat si Doray ng open letter sa kaniyang kaibigan ng 20 taon. Pinasalamatan niya ito sa pagiging mabuting kaibigan at mabuting ehemplo bilang duktor. Hindi raw “deserve” ni Ging na tratuhin nang ganito.
“I am crying as I write this piece. No one deserves this pain … and no one deserves to be treated like this, especially for someone as kind as you.”
Hindi tinukoy ni Doray kung ano ang ibig niyang sabihin, ngunit ikinuwento nito kung paano nasaktan si Ging nang magsimula ang hearing para sa annulment nila ni Raymond noong May 2017. Sinabi rin nito na na-finalize ang pagkakawalang bisa ng kasal ng dalawa noong January 2018—apat na buwan matapos ipanganak ang anak ni Raymond kay Liz.
“I felt your pain when he filed the annulment, and during the first court hearing last MAY 2017, and even more pain when the judge signed the petition last JANUARY 2018. I felt your pain after your court hearing. You were very anxious and sad.”
Dagdag pa nito, “I remember you telling me that when you took the stand for the annulment, detailing your private life to complete strangers, it was a very harrowing experience for you. You broke down. A person as nice as you do not deserve that kind of experience. You and you daughter do not deserve that!”
Alam daw ni Doray na bagaman nasaktan si Ging nang masira ang relasyon nila bilang mag-asawa, mas nasasaktan daw ang kaniyang kaibigan tuwing naiisip nito ang anak nila ni Raymond.
“It is hard to lose someone you love to someone else … but I know that what hurt for you more is thinking of the pain & trauma that this will cause your daughter. As a mother, I feel you.”
Sinabi ni Doray na alam niyang kakayanin ng kaibigan niya lahat ng pagsubok na ito.
“Think of this as a big bump in the road. And you, being a strong person, alam ko kaya mo ito.
Bilang pang-huli, sinabi ni Doray na hindi raw siya manununulat ngunit ninais niyang isulat ang kaniyang saloobin upang maisiwalat ang “truth” na kung gaano kabait na tao ang kaniyang kaibigan.