TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Rectal prolapse, nangyayari sa ilang nanay matapos manganak

3 min read
Rectal prolapse, nangyayari sa ilang nanay matapos manganak

10% ng mga nanay na nanganak via normal delivery ang tahimik na hinaharap ang problemang ito.

Sinasabing ang buhay ng isang ina ay nasa bingit na ng kamatayan kapag siya ay nanganganak. Matinding hirap kasi ang dinaranas ng mga ina kaya naman may ilan sa kanila ang nagkakaroon ng ilang problema sa katawan pagkatapos manganak.

Isa na rito ang pagkakaroon ng rectal prolapse pagkatapos manganak kung saan bumababa at lumalabas ang rectum o dulong bahagi ng bituka sa puwitan ng ina. Dulot ito ng pagkakaroon ng punit sa anal sphincter o tumbong dala ng hirap sa panganganak.

rectal prolapse pagkatapos manganak

Rectal prolapse pagkatapos manganak

Sa datos ng Royal College of Obstetricians and Gynaecologists’ (RCOG), lumalabas na ang bilang ng mga inang nagkakaroon ng fourth degree tears o pagkapunit sa perineal muscle, anal sphincter at rectum pagkatapos manganak ay tumaas ng tatlong beses sa nakalipas na sampung taon noong 2012 at nananatili pa ring mataas ang bilang hanggang sa ngayon.

Tinatayang sampung porsiyento ng mga nanay sa buong mundo na nanganak via normal delivery ang nagkakaroon ng rectal prolapse pagkatapos manganak ayon sa Masic Foundation, isang charity foundation na tumutulong sa mga inang may obstetric anal sphincter injuries (OASI).

Karamihan sa mga inang nagkakaroon nito ay hindi na makapamuhay ng normal gaya ng dati dahil sa nararanasan nilang hiya sa tuwing hindi nila napipigilan ang kanilang pagdumi. Ang iba ay hindi na muling bumalik sa pagtatrabaho o hindi na lumalabas ng bahay dahil sa takot na madisgrasyang madumi.

Ayon sa isang propesor ng obstetrics at gynecology sa University of Sydney na si Hans Peter Dietz, mas mataas pa ang aktuwal na bilang ng mga may rectal prolapse pagkatapos manganak kumpara sa mga datos na pinag-aralan nila noon.

“These cases are becoming more common. I cannot think of another area of medicine where a practice would continue unchecked in the face of such compelling evidence that it harms patients.” sabi niya.

Ang malungkot na balita ay hindi kaagad napapansin ang pinsala sa delivery room. Nalalaman lamang ito pagkatapos ng ilang linggo mula nang manganak ang ina. Ang ilang injury ay nagiging habambuhay na at hindi na kaya pang ayusin sa pamamagitan ng operasyon.

rectal prolapse pagkatapos manganak

Sa isang pag-aaral na ginawa nina Dr. Ranee Thakar at Dr. Abdul Sultan ng Croydon University Hospital noong 2006, lumabas na 87% ng mga midwives at 28% naman ng mga doktor ang hindi napapansin ang obstetric anal sphincter injuries ng mga ina.

Sa ngayon ay bumuo na ang team nina Dr. Thakar at Dr. Sultan ng 450 training courses sa Croydon University Hospital at 90 internationally upang maturuan ang mga health professionals na masuri ng maayos ang mga bagong panganak na ina at maisaayos ang obstetric anal sphincter injuries.

Naniniwala naman ang retired colorectal surgeon at isa sa mga founder ng Masic Foundation na si Professor Michael Keighly na dapat na tulungan ang bawat ina na magsalita ukol sa pagkakaroon ng rectal prolapse upang masolusyonan ito at mawala ang stigma sa pagkakaroon nito.

“The stigma is still so great — women feel diminished and ashamed — we need to change that so they can get help,” sabi niya.

Para sa mga inang may ganitong karanasan, hinihimok ni Professor Keighly na sila ay magtungo sa kanilang doktor upang matulungan sa kanilang rectal prolapse.

Maaari ding humingi ng payo mula sa Masic Foundation sa pamamagitan ng pag-search sa kanilang website na masic.org.uk at magtungo sa ‘coping’ page.

 

Source: Daily Mail

Images: Shutterstock

BASAHIN: VBAC o C-Section: Alin ang pipiliin ko para sa aking susunod na pagbubuntis?

Partner Stories
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
A Simple Guide To Gentle Parenting
A Simple Guide To Gentle Parenting
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Yddette Civ Alonzo-Cruz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Para Sa Magulang
  • /
  • Rectal prolapse, nangyayari sa ilang nanay matapos manganak
Share:
  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

    Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

  • How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

    How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

    Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

  • How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

    How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko