Dahil sa coronavirus, Regine Velasquez son na si Nate nagtatanong daw kung bakit kailangan niyang magsuot ng face mask. Regine, nahihirapang ipaliwanag ito sa anak.
Regine Velasquez inaming nag-alala sa paglakat ng coronavirus
Hindi lingid sa ating kaalaman kung gaano ka-vocal si Regine Velasquez sa kanyang opinyon pagdating sa mga social issues na hinaharap ng Pilipinas pati na ng buong mundo. Madalas ay ibinabahagi nga ito ng singer sa kanyang social media accounts. Kaya naman hindi nakakagulat na sa kanyang nagdaang concert ay nagbahagi rin siya ng kanyang saloobin sa nangyayaring pagkalat ng sakit na novel coronavirus disease o COVID-19.
Regine Velasquez son on wearing mask: “Mom I can’t breathe.”
Ayon kay Regine, nahihirapan daw siyang ipaliwanag sa kanyang anak na si Nate kung bakit kailangan nitong magsuot ng face mask. Lalo na’t inirereklamo daw ito na hindi siya makahinga sa tuwing ito ay kanyang ginagawa.
“I am having a hard time explaining it to my 8-year-old son that he needs to wear a mask whenever he goes out. When he has to go to school, he needs to wear a mask. And he would tell me “Mom I can’t breathe.”
Pero sa kabila nito ay ini-encourage niya pa ring gawin ito ng anak. Upang siya ay maging protektado sa kumakalat na sakit.
Inamin rin ni Regine na nagpapanic siya sa mga nangyayari. Sa katunayan ay napupuyat daw siya sa pagbili ng mask at alcohol online. Dahil labis siyang nag-aalala sa kaligtasan ng kanyang anak at pamilya.
“But I am so scared. I mean there is not a time that I am not afraid. That you know something will happen to him. And at night I don’t sleep. I don’t really sleep. I go sa online shopping, bumibili ako ng mask saka ng alcohol. It’s funny that I know that I am not supposed to panic but I can’t help it.”
Bagama’t alam niyang hindi siya dapat mag-panic, mahirap daw itong iwasan. Dahil bilang isang ina, mahirap maging panatag lalo na kung kaligtasan ng iyong anak at pamilya ang pinag-uusapan.
“I know that I am not supposed to worry. But I am worrying, why? because I am a mother. And I am always constantly worrying about my son and my whole family.”
Regine Velasquez to parents: “We need to make this world a better place for our children.”
Magkaganoon man ay may positibong pananaw pa rin si Regine na malalampasan natin ang mga pagsubok na ating pinagdadaanan. At hinikayat niya ang bawat mga magulang na gawing better place ang mundo para sa ating mga anak.
“But you know guys, I know that one day with God’s grace you know malalampasan po natin lahat ng pinoproblema po natin. Hindi lang po dito sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo. Mayroon pa po tayong time to fix what we need to fix. But right now, we need to make this world a better place for our children.”
Ito ang mga pahayag ng singer tungkol sa kumakalat na sakit na novel coronavirus sa buong mundo.
Latest update about COVID-19
Sa ngayon ay umabot na sa mahigit na 1,600 katao ang nasawi dahil sa novel coronavirus disease o COVID-19. Karamihan nga sa mga naitalang nasawi ay mula sa China na pinagmulan ng sakit. Isa nga sa pinakabagong naidagdag sa bilang ng nasawi dahil sa sakit ay mula sa Taiwan. Habang ang bilang ng positibo sa sakit ay umabot na sa 69,000 sa buong mundo.
Samantala, hindi naman maiwasang mag-alala ng mga Pinoy sa nangyayari. Lalo pa’t dito sa Pilipinas naitala ang first coronavirus death na nangyari sa labas ng China. Dagdag pa ang pagdagsa ng mga Chinese sa bansa sa karukrukan ng pagkalat ng virus. Ngunit, sa kabila nito ay sinabi ng DOH na handa sila sa kung sakaling kumalat ang virus sa Pilipinas. At walang dapat ipag-alala ang mga Pilipino.
Paalala ng DOH
Pero paalala ng DOH, dapat pa ring manatiling alerto at vigilant upang maging protektado laban sa kumakalat na sakit. Tulad ng agad na pagpapa-konsulta sa doktor sa oras na makaramdam ng sintomas ng sakit. Ang mga sintomas nito ay lagnat, ubo, sore throat at hirap sa paghinga.
Kung walang pinapakitang sintomas ngunit nanggaling sa mga lugar na apektado ng sakit, makakatulong ang pagseself-quarantine. Ito ay upang masiguro na kung sakaling infected ay hindi na ito maihawa sa iba pa.
Paulit-ulit ring hinihikayat ang publiko na mag-suot ng mask kung magpupunta sa mga matataong lugar. Ugaliin rin ang paghuhugas ng kamay. O kaya naman ay ang paggamit ng alcohol upang masigurong malinis ito mula sa germs at virus na maaring may dala ng sakit. Higit sa lahat palakasin ang resistensya ng katawan sa pamamagitan ng pagkain ng mga masusustansiya, pagpapahinga at pag-inom ng mga bitamina.
SOURCE: Aljazeera
BASAHIN: Regine Velasquez on being a hands-on mom: ‘It’s the most fulfilling thing ever’
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!