Paano ba ulit magsimulang mag-breastfeeding ulit matapos kang tumigil? Paano ba ulit ang relactation?
Maraming babae ang nahihirapan na mag-breastfeed kaya naman tumigil sila sa pag-breastfeed sa kanilang anak. Ang ilang babae ang gumaan ang pakiramdam nang tumigil sa pag-breastfeed. Pero ang iba naman ay pinagsisihan ito.
Kung pinagsisihan mo ang pagtigil sa pag-breastfeed, baka maaari mong subukan ulit na mag-breastfeed. Kahit na wala ka ng milk supply. Posible ito kahit na tumigil ka na ng ilang linggo o buwan.
Bakit? Dahil COVID-19 at may mga sa sakit na bata
Maraming dahilan kung bakit ulit nanaisin ng isang babae ang relactation o pagbe-breastfeed ulit. Ang ilan kasing mga baby ay hindi gusto ang infant formula. Sa iba naman gusto nilang mag-breastfeed ulit dahil ang kanilang mga baby ay nagkasakit o naging sakitin. Kaya naman nagnanais ang ilang ina mag-relactation ulit para matulungan ang kanilang baby para makarekober ito.
Kung ang isang ina na nagbe-breastfeeding ay nakikita itong challenging sa unang bebes. Ang panibagong perspective, mas maraming tulog, o isang passage of time lang ay maaari itong maging sanhi ng panibagong perspectative tungkol sap ag-breastfeed. Nanaisin nilang magkaroon ulit ng relactation para sa kanilang mga baby.
Ninanais din ng ilang babae na mag-restart muli sa pag-breastfeed kapag humantong sila isang emergency situation. Katulad halimbawa kung nawalan ng services katulad ng tubig, kuryente, kapag nagkaroon sakuna katulad ng bagyo at katulad nga ngayon isang pandemya.
Sa simula ng COVID-19 pandemic maraming mga nanay na ang komunsulta at humingi ng tulong sa Australian Breastfeeding Association. Patungkol sa pagsisimula ulit ng relactation at pag-breastfeed ulit dahil nais nilang protektahan ang kanilang mga baby sa COVID-19 virus. Ang iba naman ay nag-aalala sa supply at availability ng mga infant formula sa merkado.
Halos lahat ng nanay na gusting mag-breastfeed ulit ay puwedeng-puwede ito. Mayroon lamang maliit na numero ng mga health condition na magiging inadvisable dahil sa ilang medical reasons.
Subalit tandaan na ang relactation ay isang bagay na nais mo talagang gawin dahil hindi ito magtatagumpay kung wala talaga ang puso mo para rito.
Paano magsimulang mag-breastfeeding ulit matapos mong tumigil?
Ang protein sa iyong gatas ay nagbibigay ng signal sa iyong breasts upang tumigil sa paggawa ng milk kapag ikaw ay tumigil sa pag-breastfeed. Ang pagbaba ng milk production ay maaaring umabot sa ilang linggo.
Kung mayroon pang kaunting gatas sa inyong breasts, maaari mong simulant ang pag-rebuild ng iyong milk supply sa pamamagitan ng pag-alis lagi ng gatas mula sa iyong breast lagi. Maaari mo itong gawin sa pamamagitan ng breastfeeding, kung willing pa ang iyong baby, o sa by pag-express ng gatas mula sa iyong mga kamay. Pwede rin sa pamamagitan ng breast pump.
Kung mayroon pang kaunting gatas sa inyong breasts, maaari mong simulant ang pag-rebuild ng iyong milk supply sa pamamagitan ng pag-alis lagi ng gatas mula sa iyong breast lagi. Maaari mo itong gawin sa pamamagitan ng breastfeeding, kung willing pa ang iyong baby, o sa by pag-express ng gatas mula sa iyong mga kamay. Puwede rin sa pamamagitan ng breast pump.
Kung ang inyong breasts ay hindi na gumagawa ng gatas, maaari mo itong maibalik sa pamamagitan ng relactation.
Para makapagsimula, kinakailangan niyong ma-stimulate ang inyong mga nipples ng madalas sa pag-encourage sa iyong baby na dumede sa inyong breasts. Pwede rin namang gumamit ng breast pump. Sa pamamagitan nito mati-trigger nito ay pag-release ng hormone na kung tawagin ay prolactin. Ang hormone na ito ay nagde-develop ng milk-making structures sa inyong breasts para masimula itong mag-produce ng gatas. Kapag nagsimula na ang milk secretion, ang pag-alis ng gatas mula sa inyong breasts ay nagbibigay ng signal upang mag-create pa ito ng mas maraming gatas.
Kapag ang inyong baby ay willing na dumede sa inyo, ito ang pinakamadaling paraan upang mag-re-lactate ulit. Sa madalas nilang pagdede sa inyo, ay magbibigay ito ng mas matinding mensahe sa inyong breasts upang mag-develop at magsimulang mag-produce ulit ng gatas.
Ang provide ng ekstrang gatas sa iyong baby mula sa inyong breasts habang sila’y dumedede ay makakatulong upang dumede pa sila ng mas matagal. Maaari kang mag-provide ng gatas sa pamamagitan ng breastfeeding supplementer. Ito ay isang container na mayroon tube na nagdadala ng expressed breastmilk o formula sa inyong mga nipple. Kapag ang inyong baby ay dumede na sa inyong breasts, ang gatas ay baba sa tube papunta sa bibig ng inyong baby, kasama na ang breast milk mula sa inyo.
Puwede rin gawin ang pag-drip ng gatas sa inyong breast habang dumede si baby.
Subalit, ang ilang baby na nasanay na sa bottle feeding ay maaaring maging reluctant sa breastfeeding sa una. Kaya naman mahalaga na hindi mo dapat pilitin ang inyong baby. Ang isang breastfeeding counsellor o lactation consultant ay maaaring makatulong sa inyo at makapagbigay ng suggestion para ma-encourage ang inyong baby.
Sa ngayon, maaari ka munang gumamit ng breast pump upang ma-stimulate ang inyong mga nipple. Para na rin alisin ang gatas mula sa inyong breasts. Maaari niyong maibigay sa inyong baby ang gatas na nakuha ninyo mula sa inyong pagbe-breast pump sa isang bote o baso.
Gaano katagal ang relactation?
Maaari ka nang magsimula ng milk-making sa loob lamang ng ilang araw o linggo. Depende ito kung gaano katagal ang huli mong pag-breastfeed sa iyong baby at kung gaano kadalas mong inii-stimulate ang inyong nipples.
Kapag ang inyong baby ay willing na dumede sa inyo, kinakailangan niyong mag-breastfeed at least 8 na beses sa loob ng 24 na oras sa unang mga linggo. Upang magsimula ang milk-making mo at para tumaas ang inyong milk supply.
Ang pag-allow sa inyong baby na mag-breastfeed kapag gusto nila. Kahit sila lang ang kumportable ay magreresulta sa mabilis na proseso ng relactation. Makakatulong din ito para laging malapit sa inyong katawan ang inyong baby hanggang sa gusto mo. Isa rin ito sa makakatulong upang ma-maximize mo ang opurtunidad ng pagdede ni baby. Ang paggamit ng baby sling o carrier ay maaaring makatulong .
Kung ang iyong baby ay hindi pa handa na dumede sa inyo. Maaaring gumamit ng electric breast pump sa dalawa ninyong breast. Mas epektibo ito kasi ito kaysa sa single-electric o manual pump. Kinakailangan mo itong gamitin ng 10-20 minuto, 6-8 na beses sa loob ng 24 na oras.
Ang pag-express ng milk gami ang kamay pagkatapos ng pag-breastfeed o paggmit ng breast pump ay makakatulong para matanggal ang mga natitira pang gatas. Kapag walang laman ang inyong breasts na gatas. Mas matindi ang mensahe nadadala nito para makapag-produce pa ng mas maraming gatas.
Maaari niyo ring tanungin ang inyong GP patungkol sa paggamit ng medication para tumaas ang production niyo ng prolactin, na maaaring mapabilis ang inyong relactation.
Epektibo ba ito?
Kapag ang inyong baby ay willing na dumede sa inyo ng madalas, magiging mas madali ang proseso. Pero para sa ibang nanay at baby na nahihirapan. Halimbawa, kapag ang milk-making ay madali pero mas matagal para sa inyong anak ang ma-breastfeed.
Kung ikaw ay tumigil sa pag-breastfeed dahil sa isang problema, katulad ng persistent nipple pain o mastitis. Baka kinakailangan mo ng tulong para maiwasan na itong bumalik. Lahat naman ng sitwasyon ay iba-iba.
Ang pagkakaro ng isang support network na nandiyan para i-cheer ka, at suporta mula sa inyong pamilya at kaibigan — katulad ng paggawa ng meals, pagtulong sa household work, pag-entertain sa mas matatanda mo pang anak (kung ikaw ay may anak pang iba) habang ikaw ay busy sa proseso ng inyong relactation — mas mapapadali ang proseso nito.
“I regret stopping breastfeeding. How do I start again?” ni Karleen Gribble, Adjunct Associate Professor, School of Nursing and Midwifery, Western Sydney University at Nina Jane Chad, Research Fellow, Sydney School of Public Health, University of Sydney
Ang artikulo na ito ay orihinal na nailathala sa The Conversation sa ilalim ng isang under a Creative Commons license. Basahin ang orihinal na artikulo.
Isinalin sa Filipino ni Marhiel Garrote ng may pahintulot mula sa theAsianparent Singapore
BASAHIN:
Help! Bakit nagbago ang kulay ng breastmilk ko?
5 breast milk storage bags na maaari mong gamitin
10 easy and delicious recipes to increase your breast milk supply