Sa breastfeeding, madali lang sa karamihan ng kapapanganak na baby ang latching, pero para sa iba ito ay napakahirap. Lalo na kapag nasanay ang mga baby sa bottle feeding. Pero kung ano man ang rason mo, kung isa kang mommy na gustong ibalik si baby sa natural way ng pagpapasuso, ang Relactation Tips na ito ang sure na makakatulong sa’yo!
Nagtataka siguro kayo dahil kapag titignan natin ang ibang mommy na nagpapabreastfeed, tila ba may kulang pa sa atin na isang bagay. Maaaring gusto mo lang na ibalik si baby sa natural na paraan ng pagpapasuso. Ngunit sa kabilang banda, nagtataka rin siguro kung ano ang mga paraan para ibalik ang natural na breasfeeding kay baby kapag katapos ng bottlefeeding. Kung si baby ay hindi maiwasang mag tantrums, kailangan mong maintindihan ang mga bagay sa likod nito.
Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit ayaw ni baby magbreastfeed:
- Inaantok ang bata
- Mahinang paglabas ng gatas sa suso
- Tinatamad ang bata kumuha ng gatas
- Kulang ang pagkumbinsi ni mommy sa pagbreastfeed kay baby
- Fussy baby
- Mas sanay sa mabilis na paglabas ng gatas
- Medical reason
- Nursing strike
Bilang ina, malalaman mo ang problema ng isang bata sa breastfeed. Maaari mong gawin ang ilang Relactation Tips sa baba upang ma-improve si baby sa pagbreastfeed.
Relactation Tips
1. Sumubok ng ibang nursing position
Ang ibang baby ay okay na sa isang nursing position. Ang iba rin naman ay mas gusto ang isang suso kaysa sa isa. Kung susubukan mo nang i-breastfeed ulit si baby sa natural na paraan, maaari mong gawin ang ibang nursing position gaya ng cradle hold, cross-cradle at crossover hold, side lying at football hold.
Sa paggawa ng ganitong mga position, mahahanap at malalaman mo rin ang tamang position ni baby sa pagpapasuso.
2. Snuggle, cuddle and relax the baby
Bago mo tuluyang ikawala si baby sa bottle feeding, maaari mo munang pagaanin o libangin ang kaniyang isipan. Pwede mo siyang harutin at laruin. Sa pamamagitan nito, mararamdaman ni baby na kompotable siya sa iyo. At pagkatapos, maaari mo na siyang i-breastfeed.
Kung si baby ay sa tingin mo hindi interesado, marahan lamang i-massage.
3. Gumamit ng breastfeeding supplementer
Marami ring mga artificial na nipple and supplementers na nabibili. Maari kang gumamit nito para mapabilis at convenient ang pagpapasuso kay baby.
4. Pataasin ang lactation at ang tulo ng gatas
Madaling mairita si baby kapag wala siyang makuhang gatas sa iyong suso. Pwede rin itong maging dahilan ng pag-ayaw niya ng tuluyan sa breastfeeding. Kaya kung maaari, palakasin ang tulo ng iyong gatas. Pwede mong i-try ang ilang home remedies at food items para palakasin ito.
5. Skin-to-skin Contact
Maaari mong bigyan si baby ng skin to skin contact. Ito ay makakatulong ng maayos kay baby. Mararamdaman niya ang pagka komportable sa paligid.
6. Laging subukang i-breastfeed si baby
Kahit na pilit iniiwasan ni baby ang breastfeed at patuloy na hinahanap pa rin ang bottlefeeding, kailangan mo pa rin itong piliting i-alok ang iyong suso ngunit marahan lamang upang hindi siya mairita. Kapag ito ay gutom, maaari lang na i-breastfeed agad siya upang masanay.
7. Minimise the distractions
Kung posible, i-dim ang ilaw ng kwarto. Patayin ang mga tunog na nanggagaling sa kaniyang laruan. Bawasan ang mga distraction bago ito i-breastfeed upang mas lalo itong mag focus sa inyong dalawa.
Maaari mong pa unti-unting ilipat si baby sa pag-breastfeed. Ang combination lang Relactation Tips na ito ay ang pagiging positive at magrelax!
BASAHIN: Breastfeeding: Mga pagkain na dapat iwasan 6 karaniwang rason kung bakit hindi nagiging successful ang pag-breastfeed
Breastfeeding is more effective when both parents are involved