Gaano nga ba dapat katagal ang moving-on process mula sa dating relasyon para masabi kung ikaw ba ay tunay na naka move on na.
Moving on? Gaano nga ba katagal para masabing “moved on” na sa relasyon
Ikaw ba ay kagagaling lang sa isang hiwalayan mula sa dati mong relasyon. Simula sa Break-up may ilang weeks bago ka tuluyan maka move on ayon sa experts.
1 Day to 3 Weeks
Ito yung mga panahon na saan ikaw ay nakakaramdam ng pagka-miss sa iyong dating partner. Ito rin ang panahon na na hahabulin mo pa ang inyong memories. Madalas rito ay ikaw ay umiiyak o nagpapakalasing para makaiwas o makalimot.
3 Weeks hanggang 6 Weeks
Ito na ang mga panahon na kung saan makakahanap ka na ng bagong hobbies. Makakahanap ka rin ng bagong kaibigan na hindi connected sa iyong dating partner.
6 Weeks to 8 Weeks
Mga panahon nakakapag usap na ulit kayo ng iyong dating karelasyon at nakakapagbalik ng mga gamit ng isa’t isa. Kung ikaw ay may anak sa iyong dating relasyon, ganito rin ang inyong pakikipag-usap sa iyong ex para maayos ang inyong co-parenting.
8 weeks to Isang taon
Nasa point kana kung saan ikaw ay hindi na nakakaramdam ng sakit o hinanakit sa tuwing nakikita ang iyong ex. Isa itong magandang sign kung saan ay ikaw ay malapit na maka-move on mula sa iyong dating relasyon.
Isang taon mahigit
Ito ang panahon kung saan ikaw ay matagal nang nasanay sa iyong pagiging single.
Ang ganitong panahon ay madalas na nagsisimula ang paghahanap ng bagong makaka- relasyon.
Iba iba ang coping mechanism ng ating puso, mayroong 3 months palang nakamove on na, merong hindi maka move one naman.
Pero nasa atin pa rin tagal kung kailan tayo makaka-move on sa dating relasyon. Ang pag-momove on ay isa lang sa mga hakbang na iyong tatahakin upang maka move forward sa iyong future.