Ang isang relasyon ay binubuo ng dalawang tao pero mahalaga rin unahin ang iyong sarili sa pag-sasama.
Iba’t ibang dahilan bakit mahalagang unahin ang relasyon sa iyong sarili
Mahalaga na alam mo ang iyong halaga sa isang relasyon upang ito ay maging long-lasting relationship. Marami ang nagsasabi na eksperto na kung mahal mo ang iyong sarili ay ganun ka rin magmamahal. Ngunit mas mahalaga na unahin mo ang iyong sarili sa kahit anong relationship na iyong pinapasukan.
1. Naggo-grow ka as an individual.
Ikaw ay unti unting nagmamature at mas lumalawak ang iyong isip sa iba’t-ibang bagay na nasa ating paligid. Malaki rin ang chance na ikaw ay mas nakakaunawa sa iyong partner o kasama sa buhay. Kung mahal mo ang iyong sarili, malaki ang chance na mamahalin mo rin ng tama ang iyong partner.
2. Nagiging grateful sa iyong partner.
Sa maliit na mga bagay o efforts ay nagiging grateful ka dahil alam mo ang iyong worth.
3. Kaya magkaroon ng ibang hobbies.
Mahalaga na mayroon kang pinagkakaabalahan na hindi kasama ang iyong partner. Ito ay isa sa susi sa long lasting relationship dahil mas nagma-mature ang isang tao kung ito ay mas nakikilala ang sarili.
4. May kumpiyansa sa sarili.
Isa sa mga magandang katangian ng isang partner ay ang confidence niya sa kanyang sarili. Nagkakaroon ito kung inuuna mo ang iyong sarili sa loob ng isang relationship.
5. Kaya maging independent.
Kung sakali man na mag-hiwalay kayong iyong partner, ikaw ay may kakayahan pa ring tumayo sariling mga paa.
Ang pagpa-priotize ng iyong sarili sa loob ng isang relasyon ay hindi ibig sabihin na ang ikaw ay makasarili, ang ibig sabihin nito ay ikaw ay matured enough para pumasok sa isang commitment.
Kahit inuuna ang iyong sarili, dapat na priority rin ang inyong relasyon sa ibang bagay. Mahalaga na alam mo kung paano unahin ang iyong sarili sa kahit anong relationship, romantic man o hindi.