TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

5 limang resorts sa Laguna na perfect pampamilya

3 min read
5 limang resorts sa Laguna na perfect pampamilya

Naghahanap ng lugar na puwedeng bakasyonan na malapit lang sa Maynila? Heto ang limang resorts sa Laguna na maari ninyong pasyalan ng iyong pamilya.

Narito ang limang resorts sa Laguna na perfect bakasyunan ng buong pamilya.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Limang resorts sa Laguna na pampamilya.

Limang resorts sa Laguna na pampamilya

Bakasyon na mula sa eskwela ng mga bata. Kaya naman siguradong nais ninyong sulitin ang pagkakataon na ito para magkaroon kayo ng quality time sa isa’t-isa. Isa nga sa gustong gawin ng mga bata tuwing bakasyon ay ang pagswiswimming. Kaya naman narito ang limang resorts sa Laguna na maari ninyong puntahan. Maliban sa dito ay maaring magsawa kakalangoy o kakatampisaw sa tubig ang iyong anak ay maganda rin ang ambiance ng mga resorts na ito. Kaya naman maliban sa kanila ay mag-ienjoy at makakapagrelax rin kayong mag-asawa.

  1. Sol Y Viento Mountain Hot Springs Resort

mga resorts sa laguna -Sol Y Viento Hotels & Resorts

Larawan mula sa Sol Y Viento Hotels & Resorts

Ayon sa travel website na TripAdvisor, nangunguna sa mga resorts sa Laguna na perfect para sa pamilya ay ang Sol Y Viento Mountain Hot Springs Resort. Ito ay isang twelve-hectare mountain spring resort na matatagpuan sa Makiling Heights, Pansol, Calamba City, Laguna. Perfect ang resort na ito kahit sa maulan na panahon dahil sila ay mayroong hot spring jacuzzis. Dito ay maalis ang sakit ng iyong katawan at bahagyang marerelax at malilimutan ang stress sa trabaho. Mayroon din silang natural lagoon pool na may mga slides at iba pang paandar na talagang mai-enjoy ng mga bata.

  1. Caliraya Ecoville Recreation and Farm Resort

mga resorts sa laguna - Caliraya-Ecoville

Larawan mula sa Caliraya Eco Ville Resort

Perfect getaway rin para sa family ang Caliraya Ecoville Recreation and Farm Resort na matatagpuan sa Cavinti, Laguna. Kung gustong ma-detox ang katawan habang nagrerelax ay perfect itong puntahan. Dahil sila ay nag-ooffer ng mga farm-to-table lifestyle. Ibig sabihin ang mga pagkain na ini-offer nila ay fresh mula sa kanilang farm. Ang mga bata siguradong mag-ienjoy rin sa kanilang pool. Habang ikaw ay relax na  nagbabantay sa kanila sa mga katabing lakeside cottages.

  1. Villa Socorro Farm

mga resorts sa laguna - villa socorro farm

Larawan mula sa Villa Socorro Farm

Kung gusto namang ma-introduce sa iyong anak ang magandang buhay sa isang farm ang Villa Socorro Farm sa Pagsanjan, Laguna ang dapat ninyong puntahan. Sila ay may mga accommodations na pampamilya. Dito ay maaring mag-tour sa farm ang buong pamilya. Maaring matuto dito ang iyong anak kung paano magtanim at mamitas ng gulay. O kaya naman ay magpakain ng mga alagang hayop sa farm. Kung gusto naman ng adventure para sa family puwede ninyong bisitahin ang Pagsanjan Falls. O kaya naman ay mag-camping kung saan puwede kayong mag-bonfire. Ang marshmallows at hotdogs on sticks available sa farm!

  1. Mountain Lake Resort

mga resorts sa laguna - Mountain Lake Resort

Larawan mula sa Mountain Lake Resort

Adventure at fun din ang maaring ma-experience ng pamilya sa Mountain Lake Resort sa Cavinti, Laguna. Perfect din ang resort na ito kung gusto ng medyo sosyal na bakasyon. Dahil ang resort may word-class golf course. Mayroon din silang spa services at exciting na water sports at activities na siguradong maglalabas ng stress sa iyong katawan habang gumagawa ng most unforgettable memories ang iyong anak.

  1. 88 Hotspring Resort

88 hotspring

Larawan mula sa 88 Hotspring Resort website

Kung hotspring naman ang gusto, ang 88 Hotspring Resort sa Calamba City, Laguna ang isa sa mga dapat ninyong puntahan. Dito maari ring magswimming sa kanilang 100% natural mineral spring water swimming pool. O kaya naman ay ma-relax sa kanilang malinis na hotspring. May massage services din dito. At higit sa lahat maaring mag-enjoy sa authentic Korean foods ang buong family.

Ilan lang ang mga nabanggit na resorts sa Laguna na maaring puntahan ng pamilya kung saan siguradong lahat ay ma-rerelax at mag-ienjoy.

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Bakasyon
  • /
  • 5 limang resorts sa Laguna na perfect pampamilya
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko