Narito ang limang resorts sa Laguna na perfect bakasyunan ng buong pamilya.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Limang resorts sa Laguna na pampamilya.
Limang resorts sa Laguna na pampamilya
Bakasyon na mula sa eskwela ng mga bata. Kaya naman siguradong nais ninyong sulitin ang pagkakataon na ito para magkaroon kayo ng quality time sa isa’t-isa. Isa nga sa gustong gawin ng mga bata tuwing bakasyon ay ang pagswiswimming. Kaya naman narito ang limang resorts sa Laguna na maari ninyong puntahan. Maliban sa dito ay maaring magsawa kakalangoy o kakatampisaw sa tubig ang iyong anak ay maganda rin ang ambiance ng mga resorts na ito. Kaya naman maliban sa kanila ay mag-ienjoy at makakapagrelax rin kayong mag-asawa.
-
Sol Y Viento Mountain Hot Springs Resort
Ayon sa travel website na TripAdvisor, nangunguna sa mga resorts sa Laguna na perfect para sa pamilya ay ang Sol Y Viento Mountain Hot Springs Resort. Ito ay isang twelve-hectare mountain spring resort na matatagpuan sa Makiling Heights, Pansol, Calamba City, Laguna. Perfect ang resort na ito kahit sa maulan na panahon dahil sila ay mayroong hot spring jacuzzis. Dito ay maalis ang sakit ng iyong katawan at bahagyang marerelax at malilimutan ang stress sa trabaho. Mayroon din silang natural lagoon pool na may mga slides at iba pang paandar na talagang mai-enjoy ng mga bata.
-
Caliraya Ecoville Recreation and Farm Resort
Perfect getaway rin para sa family ang Caliraya Ecoville Recreation and Farm Resort na matatagpuan sa Cavinti, Laguna. Kung gustong ma-detox ang katawan habang nagrerelax ay perfect itong puntahan. Dahil sila ay nag-ooffer ng mga farm-to-table lifestyle. Ibig sabihin ang mga pagkain na ini-offer nila ay fresh mula sa kanilang farm. Ang mga bata siguradong mag-ienjoy rin sa kanilang pool. Habang ikaw ay relax na nagbabantay sa kanila sa mga katabing lakeside cottages.
-
Villa Socorro Farm
Kung gusto namang ma-introduce sa iyong anak ang magandang buhay sa isang farm ang Villa Socorro Farm sa Pagsanjan, Laguna ang dapat ninyong puntahan. Sila ay may mga accommodations na pampamilya. Dito ay maaring mag-tour sa farm ang buong pamilya. Maaring matuto dito ang iyong anak kung paano magtanim at mamitas ng gulay. O kaya naman ay magpakain ng mga alagang hayop sa farm. Kung gusto naman ng adventure para sa family puwede ninyong bisitahin ang Pagsanjan Falls. O kaya naman ay mag-camping kung saan puwede kayong mag-bonfire. Ang marshmallows at hotdogs on sticks available sa farm!
-
Mountain Lake Resort
Adventure at fun din ang maaring ma-experience ng pamilya sa Mountain Lake Resort sa Cavinti, Laguna. Perfect din ang resort na ito kung gusto ng medyo sosyal na bakasyon. Dahil ang resort may word-class golf course. Mayroon din silang spa services at exciting na water sports at activities na siguradong maglalabas ng stress sa iyong katawan habang gumagawa ng most unforgettable memories ang iyong anak.
-
88 Hotspring Resort
Kung hotspring naman ang gusto, ang 88 Hotspring Resort sa Calamba City, Laguna ang isa sa mga dapat ninyong puntahan. Dito maari ring magswimming sa kanilang 100% natural mineral spring water swimming pool. O kaya naman ay ma-relax sa kanilang malinis na hotspring. May massage services din dito. At higit sa lahat maaring mag-enjoy sa authentic Korean foods ang buong family.
Ilan lang ang mga nabanggit na resorts sa Laguna na maaring puntahan ng pamilya kung saan siguradong lahat ay ma-rerelax at mag-ienjoy.