Nagplaplano ka ba ng holiday vacation get away kasama ang pamilya? Tunay nga namang masarap gugulin ang bakasyon kung pamilya ang kasama. Kaya naman kung naghahanap ka ng mapupuntahan ngayong holiday season kasama ang pamilya, narito ang listahan namin ng murang resorts sa Laguna na maaari niyong puntahan.
Murang resorts sa Laguna para sa bakasyon ng pamilya
Resorts sa Laguna: Caliraya Resort Club
Kahit na higit sa dalawang dekada na ang edad, ang Caliraya ay isa pa rin sa isa sa pinaka-paboritong destinasyon ng bawat pamilya o grupo ng magkakaibigan.
Ang bawat pagbisita ay nag-aalok ng bagong thrill at kapana-panabik na mga pambihirang karanasan.
Para sa inquiries at reserbasyon, bisitahin ang www.caliraya.net
Address: Brgy. Lewin, Lumban, Laguna
Splash Island Resort and Spa
Kilalang-kilala ang resort na ito dahil ito lang naman ang largest waterpark sa bansa. Maraming pamilya, barkada, at magkaka-opisina ang nagpupunta rito tuwing summer at holidays. Matatagpuan ang Splash Island Eco Centrum sa Binan, Laguna. 35 Km away lang ito mula sa Manila.
Tampok sa resort na ito ang maraming aquatic attractions tulad ng water slides para sa mga maliliit na bata, giant slides, wave pool, lazy river, at malaking water splash park.
Address: Southwoods Ave, Biñan, 4024 Laguna
Resorts sa Laguna: Doña Jovita
Isang oras ang layo mula sa Maynila, matatagpuan sa Calamba, Laguna ang Doña Jovita Garden Resort.
Isa ang resort na ito na mayroon ng sikat na mainit na bukal ng Laguna. Ang tubig na pumupuno sa karamihan ng mga pool sa Doña Jovita ay nanggagaling direkta mula sa Hot Springs sa Mt. Makiling.
Para sa ilan pang impormasyon, bisitahin ang www.jovitaresort.com
Address: Km. 57 National Highway, Calamba, 4027 Laguna
Porta Verde Resort Villas Caliraya
Isa sa mga best resorts sa Laguna ang Porta Verde Resort Villas Caliraya. Matatagpuan ito malapit sa man-made na Sierra Lake, 107 KM lamang mula sa Maynila. Kaya naman accessible ito by land transport sa South Luzon Expressway.
Mayroong outdoor pool ang nasabing resort. Maaari ding mag-enjoy ang mga guest sa masasayang lakeside activities tulad ng wakeboarding, kayaking, water tubing, jet skiing, at syempre pagsakay sa speedboat.
Kung mas relaxing activity naman ang bet ng pamilya, puwedeng-puwedeng mag-fishing o kaya nman ay mag-book ng boat tour at i-explore ang lake.
Address: 7G7X+J8V, Lumban – Caliraya – Cavinti Rd, Cavinti, Laguna
Sol Y Viento Mountain Hot Springs Resort
Katulad ng ilang resorts sa Laguna, ang Sol Y Viento Mountain Hot Springs Resort ay maraming swimming pools na puno ng pinaniniwalaang nakapagpapagaling na mountain spring water.
Ang sadyang lamang nga ng resort na ito sa ibang resorts ay ang in-room experience nila na kanilang inaalok—maaari mong piliin na magkaroon ng indoor natural spring na jacuzzi sa iyong kuwarto habang nakatingin sa bay at bundok.
Para sa karagdagang inquiries, bisitahin ang www.syvhotelsandresorts.com
Address: KM 55, Makiling Heights, Pansol, Calamba, Laguna
Resorts sa Laguna: 88 Hotspring Resort
Lumangoy sa kanilang mga outdoor pools, octagon, kiddie pools, o di kaya naman simpleng tumambay sa kanilang jacuzzi at hot spring.
Ang 88 Hotspring Resort ay isang napakagandang garden resort na matatagpuan malapit sa Mt. Makiling.
Siguradong mage-enjoy ang mga bata sa resort na ito sapagkat mayroon silang malaking lawa kung saan puwede silang sumakay sa mga swan boats.
Bisitahin ang www.88hotspring.com upang mag-inquire sa kanilang presyo at reserbasyon.
Address: #9061 National Highway, Bagong Kalsada St, Calamba, 4030 Laguna
Hannah’s Garden
Ang Hannah’s Garden ay isang resort na napakatahimik at relaxing ngang maituturing dahil nga siguro sa kaniya ring lokasyon.
Marami silang pools kung saan puwede kang mag-swimming at mag-relax. Mayroon din silang mga body massage kung gusto mo namang mas ma-relax ang iyong stay sa resort.
Mayroon din silang mga inaalok na mga masasayang aktibidad tulad na nga lamang ng kanilang table tennis, basketball, at bilyaran.
May mga obstacle course din sila sa mga guests nila na nagsasagawa ng mga team building. Ika nga, hindi lang pampamilya, pangi-sports pa!
Bisitahin ang kanilang website https://www.hannahsgarden.ph para sa ilang pang impormasyon.
Address: Silangan Rd, Calamba, 4027 Laguna
Hidden Valley Springs Resort
Isa sa tinaguriang top Laguna tourist spots to visit ang Hidden Valley Springs Resort. Isa itong tropical rainforest sa pagitan ng dalawang kilalang bundok sa Laguna, ang Mount Makiling at Mount Banahaw.
Tampok sa naturang resort ang anim na natural springs na mayroong iba’t ibang temperature kung saan ay maaari kang mamili kung ano ang akma sa iyo. Natural ang jacuzzi at thermal pool ng Hidden Valley Springs Resort.
Bukod pa rito, puwedeng mag trekking sa forest ang mga guest kung saan ay mae-enjoy niyo ang pagtingin sa 150 plant species, kabilang na ang large collection ng wild orchids, giant ferns, at 300-year old trees. Kaya kung nature lover ang pamilya, swak na swak sa inyo ang resort na ito.
Address: 53P3+7C4, Calamba, 4027 Laguna
Riverview Resort and Conference Center
Napaka-convenient ng resort na ito sa Calamba, Laguna. Dahil hindi lang ito budget-friendly, maganda rin ang location nito. Malapit kasi ang Riverview Resort and Conference Center sa mga shopping center at restaurants sa Calamba.
Bukod pa rito, 20 minutes drive lang mula sa resort ang Enchanted Kingdom. Kaya pwedeng mag-relax sa resort pagkatapos ay ipasyal naman ang mga chikiting sa EK.
Dagdag pa riyan, 3o minutes drive din mula sa resort na ito ang mga hot spring sa Los Banos.
Komportable pa ang mga kwarto sa resort. Equipped ito ng lahat ng kailangan niyong amenities. Pwede ring gumamit ng free-wifi at ng en-suite bath na may kasama nang towels at bath essentials.
At ang bongga pa, may terrace kung saan ay pwede kayong mag-chill.
Address: National Highway, Barrio Parian, Laguna
Caliraya Ecoville Recreation Farm & Resort
Tampok sa resort na ito ang mga amazing features, outdoor man o sa loob ng room. Mayroong iba’t ibang type ng room ang Caliraya Ecoville Recreation Farm & Resort. Nakadepende sa uri ng room na kukunin niyo ang presyo at facilities.
Pero ang maganda rito, ano mang room ang piliin nito, mayroong magandang view ng lake, garden at pool. Lahat din ng kwarto ay mayroong en-suite bath na may free toiletries, seating area, patio, at syempre malambot at komportableng kama.
Address: Lumban – Caliraya – Cavinti Road
Updates by Jobelle Macayan
Basahin: 6 Beach Resorts sa Batangas na Dapat Bisitahin