Narinig niyo na ba ang kung ano ang ano ang rsv o Respiratory Syncytial Virus? Alamin ang kwento ng isang ina patungkol sa karanasan niya at ng kaniyang anak patungkol rito!
Respiratory Syncytial Virus o RSV ito ang sakit na nakuha ng isang sanggol na naging dahilan para manawagan ang isang ina sa mga kapwa niya adults. Pakiusap ng ina, please huwag mang-hahalik ng mga baby! Dahil baka sila mahawaan ng sakit na maaring maging banta sa kanilang buhay.
Baby na nagkaroon ng Respiratory Syncytial Virus o RSV
Sa pamamagitan ng isang Facebook post ay pinabatid ni Ariana DiGrigorio ang kaniyang pakiusap sa ibang mga adults. Ang sigaw niya, “please huwag manghalik ng mga baby”. Dahil kung para sayo, ito ay simpleng pagpapakita ng pagkagiliw mo sa ka-kyutan ng isang sanggol. Para sa sanggol, ito ay daan upang siya ay magkaroon ng sakit na hirap pang labanan ng mahina niya pang kalusugan.
Ito ang naging pakiusap ni Ariana matapos mahawaan ng sakit na Respiratory Syncytial Virus o RSV ang 8-buwang sanggol niya.
RSV sakit na nagdulot ng takot sa isang ina
Sa isang panayam sa programang “Good Morning America” ay ikinuwento ni Ariana kung paano nagdulot ng takot sa kaniya bilang isang ina ang pagkakaroon ng sakit na RSV ng anak niyang si Baby AJ.
Ayon kay Ariana, Disyembre noong nakaraang taon ng magpakita ng flu-like symptoms ang 8-buwang sanggol noon niyang si Baby AJ. Ito ay napauwi mula sa kaniyang day care center dahil sa pagkakaroon ng lagnat. Dinala naman agad ni Ariana ang anak sa doktor na kung saan ay nag-negatibo ito sa sakit na RSV.
Ngunit paglipas ng dalawang buwan ay hindi parin nawawala ang flu-like symptoms na ipinapakita ni Baby AJ. Kaya naman ibinalik niya ito sa ospital upang mapatingnan muli. Sa pagkakataong ito ay nag-positibo na si Baby AJ sa sakit na Respiratory Syncytial Virus o RSV.
“It was scary. Before he was transferred into the ICU he was in a regular room and he went into respiratory failure. They said he was doing better with Albuterol [breathing] treatments they were giving him and then it went downhill from there.”
Ito ang naging pahayag ni Ariana habang inaalala ang pinagdaanan ng anak na si Baby AJ dahil sa sakit na RSV.
Sa ngayon si Baby AJ ay isang taong gulang na at magaling na sa sakit na RSV. Ngunit kinakailangan niyang bumisita sa respiratory physician kada buwan at dumaan sa breathing treatments ng apat na oras. Isa sa naging epekto at pasakit ng sakit sa kaniya.
Ano ang Respiratory Syncytial Virus o RSV?
Ayon kay Dr. Saumya Bhutani, resident doctor ng website na ABC News, ang sakit na RSV ay maaaring maihawa sa pamamagitan ng respiratory droplets.
Ito ay ang mga droplets na makukuha sa ubo at atsing ng isang tao na maaring maihinga o dumeretso sa ilong, bibig, mata o kamay ng mga bata at sanggol na kung ano-ano pa ang hilig isubo.
Madalas ito ay tumatama sa mga batang may edad na 2-taong gulang. Ngunit, maari ring dumapo sa mga matatanda.
Base naman sa CDC, ang RSV ay nakakahawa sa unang tatlo hanggang walong araw ng sakit sa isang tao. Ngunit, ang mga infants at adults na may mahina pang immune system ay maaring maikalat ang virus hanggang apat na linggo kahit wala na silang pinapakitang sintomas nito.
Ano ang mga sintomas ng Respiratory Syncytial Virus o RSV?
Larawan mula sa iStock
Ayon naman sa Mayo Clinic, ang RSV ay nagdudulot ng impeksyon sa lungs at respiratory tract ng isang tao. At ang mga sintomas nito ay maihahalintulad sa pagkakaroon ng sipon na lumalabas sa ika-apat hanggang ika-anim na araw ng exposure sa virus. Ang mga ito ay ang sumusunod:
- Congested o runny nose
- Dry cough
- Low-grade fever
- Sore throat
- Mild headache
Ang RSV ay maari ring lumala at magdulot ng pneumonia o bronchiolitis. Ang mga sintomas naman na ito ay malala na ay ang sumusunod:
- Fever
- Severe cough
- Wheezing o ang high-pitched noise na maririnig kapag humihinga
- Rapid breathing o difficulty breathing
Para sa mga sanggol ang hirap sa paghinga ay matutukoy kung sila ay humihinga gamit ang kanilang tiyan o neck muscles.
- Bluish color na balat dahil sa kakulangan ng oxygen o cyanosis
Para sa mga sanggol ang mga sintomas na dapat bantayan kung siya ay severely affected ng RSV ay ang sumusunod:
- Short, shallow at rapid breathing
- Cough
- Poor feeding
- Unusual tiredness o lethargy
- Irritability
Ang mga sintomas na ito ay palatandaan na dapat mo ng dalhin sa doktor ang iyong anak dahil maaring siya ay may RSV na maaring pang mas lumala kung hindi agad maagapan.
Ano ang lunas sa RSV?
Karamihan ng kaso ng RSV ay mild lang at hindi kailangan ng medical treatment. Ngunit, sa mga hirap huminga ay nagbibigay ang doktor ng gamot para lumuwag ang airways ng pasyente.
Hindi naman inirerekumenda ang antibiotics sa sakit na ito dahil ito ay dulot ng isang virus. Ngunit, para sa mga sanggol ay mas makakabuting makatanggap sila ng treatment mula sa ospital para sila ay matingnan ng mas maigi at mabigyan ng fluids na kinakailangan nila.
Sa pag-aalaga naman sa bahay ng pasyenteng may RSV ay siguraduhing sila ay nakakahinga ng maayos at komportable. Painumin sila ng maraming tubig at kung masyado pa silang bata at hindi pa marunong suminga gumamit ng nasal aspirator para masipsip ang sipon nila.
Kung gumagamit naman ng cool-mist humidifier ay linisin ito araw-araw gamit ang household bleach para maiwasang manirahan dito ang mga bacteria. Iwasan din ang paggamit ng hot-water at steam humidiers dahil ito ay maaring magdulot ng scalding o burning sa balat.
Para sa lagnat ay gumamit ng non-aspiring fever medicine sa mga bata tulad ng acetaminophen. Dahil ang aspirin sa mga bata ay natuklasang may kaugnayan sa sakit na Reye syndrome na nakamamatay.
Karamihan naman ng bata o matanda na may RSV ay gumagaling sa loob ng isang hanggang dalawang linggo.
Larawan mula sa iStock
Paano maiiwasan ang RSV?
Walang vaccine para maiwasan ang RSV ngunit may mga paraan para maiwasang maikalat o makuha ang virus. Ito ay ang sumusunod:
- Regular na paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang exposure ng inyong baby sa mga may sakit. Huwag din silang basta pahahalikan o pahahawakan kung kani-kanino.
- Panatilihing malinis ang mga gamit sa inyong bahay lalo na ang mga gamit ng inyong sanggol.
- Huwag mag-sheshare ng personal na gamit sa iba.
- Iiwas sa usok ng sigarilyo ang sanggol.
- Regular na pag-huhugas sa mga laruan ng iyong anak.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!