Reward para sa anak, ano pa nga ba ang mainam ibigay sa kaniya maliban sa materyal na bagay?
Pinag-ipunang reward para sa anak
Lahat nga daw ay kayang gawin at ibigay ng magulang para sa kaniyang anak. Patunay nito ay ang viral na larawan ng isang inang makikitang nagbibilang ng barya sa isang tindahan.
Ayon sa uploader ng larawan na isang cellphone shop sa Cebu, ang nanay daw ay binibilang ang perang kaniyang naipon. Ito ay ang kaniyang pambayad sa cellphone na binili niya. Ang cellphone daw ay reward para sa anak niyang laging mataas ang grado sa school at kabilang sa top students ng kanilang klase.
Naantig ng larawan ang puso ng mga netizen. Dahil kahit hirap sa buhay ay nagawang mabilhan ng nanay ng reward ang good behavior ng kaniyang anak.
Ayon sa isang komento mula kay Sheila Diola na nagpakilalang tiyahin niya ang nanay na nasa viral post, pinag-ipunan daw talaga ng kaniyang auntie at uncle ang pambili ng cellphone ng kaniyang pinsan. Kahit daw hirap sa buhay dahil namamasukan lang sa isang vulcanizing shop ang kaniyang tiyuhin, at housewife lang ang kaniyang tiyahin, pinagsikapan daw nilang mag-ipon at makabili ng cellphone. Ito ay ang kanilang reward para sa anak nilang masipag mag-aral. At ito rin daw ang kauna-unahang cellphone ng kaniyang pinsan na nasa grade 11 na.
Ang orihinal na komento ni Diola ay nasa salitang Cebuano.
Dagdag naman ng uploader ng larawan, ang binili ng nanay na cellphone na reward para sa anak niya ay ang pinakamurang klase ng iPhone. Ito ay nagkakahalaga ng higit P3,000. Sakto lang ito para sa perang naipon niya at sa cellphone na pinapangarap ng anak niya.
Non-material na reward para sa anak
Ang pagbibigay ng reward sa iyong anak ay isang paraan para siya ay ma-motivate na pagbutihin pa ang kaniyang magandang behavior. Oo nga’t ikakatuwa talaga niyang makatanggap ng isang materyal na bagay na kaniyang pinapangarap. Ngunit, hindi sa lahat ng oras ay ito lang ang nanaisin niya at makakabuti sa kaniya. Dahil maliban sa materyal na bagay ay may ibang uri rin ng reward para sa anak ang walang katumbas na halaga. Ito ay ang tinatawag na social reward na siguradong mag-momotivate at mag-iinspire parin sa kaniya. Ang mga uri ng social rewards ay ang sumusunod:
Pagpapakita ng affection sa iyong anak.
Ito ang unang uri ng social reward para sa anak na iyong maibibigay sa pamamagitan ng yakap, halik, high five, ngiti, tapik sa likod o ang simpleng pag-akbay mo sa kaniyang balikat. Sa ganitong paraan mas ipinararamdam mo kung gaano ka lang kalapit sa kaniya. At handa kang suportahan at samahan siya sa pagharap sa bawat yugto ng kaniyang bihay.
Pagpuri sa iyong anak.
Ang pagpuri sa magandang nagawa ng iyong anak ay isang paraan upang maiparamdam mo sa kaniyang naappreciate mo ang kaniyang mga ginagawa. Sa mga simpleng papuri rin ay naipaparamdam mo sa kaniya kung gaano ka ka-proud sa kaniya bilang iyong anak.
Upang mas ma-motivate pa siyang gawin ang isang bagay na kaniyang ginawa, mas mabuting maging specific sa pagpuri sa kaniya. Tulad nalang ng “Napakagaling mo anak at matataas ulit ang grades mo. Pagbutihin mo pa.”
Pagbibigay ng sapat na atensyon o quality time sa iyong anak.
Hindi man ito masabi sayo ng iyong anak, labis niyang ikakatuwa kung mayroon kayong quality time sa isa’t-isa. Dahil para sa isang bata, ang iyong presensya bilang kaniyang magulang ay nagbibigay sa kaniya ng security. Ang security na ito ay nagbibigay naman sa kaniya ng confidence para pagbutihin pa ang mga mabubuting bagay na kaniyang ginagawa.
Ang pagbibigay ng oras o quality time sa iyong anak ay maaring gawin sa pamamagitan ng paglalaro ng kaniyang favorite game na kasama ka. O kaya naman ay ang sabay ninyong pagbabasa ng isang libro. Pagkain sa labas, panonood ng movie o kahit anong activity na kung saan makakausap ka niya. At mapagsasabihan ng kung ano ang nasa isip at damdamin niya.
Source: CDC
Basahin: Why spending quality time with your family is the best way to show you love them
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!